Author: News Desk

Selyado na ang alyan­sa ng Partido Federal ng Pilipinas (PFP) at National Unity Party (NUP). Ito ay matapos personal na saksihan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagsasanib pwersa ng dalawang partido politikal na tinaguriang “Alyansa Para sa Bagong Pilipinas” sa Makati City. Sinabi ng Pangulo, na layunin ng pagsasanib pwer­sa ng dalawang partido ang pagpapaganda sa buhay ng mga Filipino. “But we organize ourselves– that’s not the marriage of convenience. It is an understanding that we must come together if we are to transform our country into the modern, safe, sustainable, growing country that we dream of, that we…

Read More

Inamin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na nahihirapan siyang pumili ng susunod na kalihim ng Department of Education (DepEd) na makakapagpataas ng mga “test scores” o mga marka sa pagsusulit sa bansa. “It turns out it’s harder than i thought because we absolutely have to get it right. So I’m giving myself time,” ayon sa Pangulo. Paliwanag niya, nahihirapan siya dahil maraming magagaling na pagpipilian at marami na rin siyang nakitang curriculum vitae, subalit ang mahalaga aniya ay kailangan pa rin pumili na mayroong kaalaman sa pagiging isang educator. “Ang lagi naman nating tinitingnan ang mga test score natin. We…

Read More

Batas na ang panukala na naglalayong gawing libre ang college entrance examination sa mga pri­badong higher education institutions (HEIs) para sa mga kuwalipikadong estudyante matapos itong mag-“lapse into law,” ayon sa Malacañang. Layunin ng Republic Act No. 12006 na tatawagin ding ‘Free College Entrance Examination Act’ na pagaanin ang tertiary education sa mga kapuspalad ngunit matatalinong mag-aaral kung saan hindi na sila sisi­ngilin sa entrance examination fees at charges para sa college admission. Sa ilalim ng bagong batas, ang lahat ng private HEIs ay inaatasang huwag maningil ng naturang fees at charges na ipinatutupad sa graduates at graduating student na…

Read More

Ikukulong muna dito sa Pilipinas kapag nahatulan ng korte si suspended Bamban Mayor Alice Guo o Guo Hua Ping bago ipa-deport. Ito ang tiniyak ni Sen. Risa Hontiveros matapos kumpirmahin kamakalawa ng National Bureau of Investigation (NBI) na si Mayor Guo at ang Chinese national na si Guo Hua Ping ay iisa lamang ang fingerprints. Sinabi ni Hontiveros na pinatiyak niya sa Department of Justice na kapag na-convict si Guo ay dapat muna niyang pagbayaran ang kanyang mga kasalanan. “Yun yung sinigurado ko sa DOJ, in particular…ng Inter-Agency Council Against Trafficking, na kahit magkaroon ng penalty of deportation sa kanya,…

Read More

Ginagalit umano ng China Coast Guard ang mga sundalo ng Philippine Navy sa mga panggigipit nito sa West Philippine Sea upang unang magpaputok ng baril. Ang pahayag ay ginawa ni Navy spokesperson for the West ­Philippine Sea Commodore Roy Vincent Trinidad, kasunod ng pagkakasugat ng pitong sundalo kung saan isa ang naputulan ng daliri, habang nagsasagawa ng rotation and resupply mission sa Ayungin Shoal. Ayon kay Trinidad, ginagawa ng China ang lahat ng pang-uurot para masabing nauna ang Pilipinas na gumamit ng dahas. “They would like to push us to fire the first shot. ‘Yun ang labanan diyan. You should…

Read More

Pitong sundalong Pinoy ang sugatan, isa rito ang naputulan ng daliri sa agresibong aksyon ng China habang nagsasagawa ng resupply mission sa BRP Sierra Madre, sa Ayungin Shoal nitong Lunes, Hunyo 17. Nagkaroon pa umano ng suntukan sa pagitan ng mga sundalo ng Pilipinas at mga Chinese hanggang sa maagaw ang walong high-powered firearms at binutas ang rigid hull infla­table boat (RHIB). Hinostage rin umano ang apat na RHIB na kalaunan ay pinalaya din kasunod ng negosasyon. Hindi na umano umabot sa Ayungin Shoal ang anim na RHIB na dumaan sa magkakaibang entry points. Sa report naman ng China Daily,…

Read More

Wala pang natatanggap na anumang report ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) kung may mga mangingisdang naaresto kasunod ng deklarasyon ng unila­teral fishing ban ng China sa West Philippine Sea. Sa Kapihan sa Bagong Pilipinas sa QC, sinabi ni BFAR Spokesperson Nazario Briguera na kung mayroon mang mangi­ngisda ang maha-harass o maaresto ng China ay ituturing itong panibagong pag-uudyok at paglabag ng China sa international law, partikular ang United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS). Anya, patuloy na mangi­ngisda ang Pilipinas sa West Philippine Sea dahil parte ito ng exclusive economic zone ng bansa. Hindi…

Read More

Pawang mga “authentic” o tunay ang nasa 18 Chinese military uniforms na nakumpiska sa ngayon ng raiding teams sa patuloy na paghahalughog sa Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) hub sa Porac, Pampanga. Ito ang sinabi ni Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) Undersecretary Gilbert Cruz kung saan sinabi nito na bineberipika nila kung ilang tao ang posibleng nagmamay-ari nito. Kinumpirma din ng PAOCC na “authentic” ang mga uniporme na may inisyal na “P.L.A.” o People’s Liberation Army (PLA) sa butones. Gayunman, ang mga nasa PLA uniforms ay mga outdated o luma na at maituturing na collector’s item. Ang PLA ay armed…

Read More

Tiniyak ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na tuloy lamang sila sa kanilang tungkulin sa kabila ng banta ng China na sisimulan na ngayon ang paghuli sa mga “trespassers” sa South China Sea at ilang lugar sa West Philippine Sea. Ayon kay AFP Public Affairs Office chief Col. Xerxes Trinidad, tuluy-tuloy lang sila sa kanilang maritime patrol sa lugar na sakop ng Pilipinas. Mananatiling matatag ang kanilang puwersa sa pagtatanggol at pagbibigay-proteksiyon sa karapatan ng bansa gayundin ang kaligtasan ng kanilang mga tauhan sa WPS. Sinabi ni Trinidad na ang anti-trespassing policy ng China na magsisimula ngayon ay pagbalewala…

Read More

Dahil sa dumaraming banta o external threats dulot ng lumalalang geopolitical tension sa Indo-Pacific, pinaghahanda ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Pilipinas. Ito ang sinabi ng Pangulo sa kanyang talumpati sa 5th Infantry Division ng Philippine Army sa Camp Melchor dela Cruz sa Gamu, Isabela. Ayon sa Presidente, nakakabahala na ng husto ang banta sa seguridad, dahil hindi naman maikakaila na malapit ang Pilipinas sa Taiwan kung kaya hindi ito maaaring pag-interesan ng China. Kaya mahalaga aniya na maging handa ang pwersa lalo na sa parte ng norte ng Pilipinas. “And that is why — the external threat now has…

Read More