Author: News Desk

Isang sunog ang sumiklab sa isang international school (IS) sa Quezon City kahapon, sa kasagsagan ng klase ng mga mag-aaral. Batay sa ulat ng Bureau of Fire Protection (BFP), dakong alas-8:59 ng umaga nang sumiklab ang sunog sa Starland International School (SIS) na matatagpuan sa 12th Avenue, Brgy. Socorro, Quezon City. Ayon sa isang opisyal ng paaralan, kasagsagan ng klase ng mga estudyante nang magsimula ang sunog. Kaagad naman umanong nailikas ang mga mag-aaral, mga guro at mga empleyado ng paaralan at pawang nasa maayos silang kalagayan. Nabatid na naitaas ang sunog sa unang alarma dakong alas-9:04 ng umaga at…

Read More

Dinakip ng mga ta­uhan ng PNP-Integrity Monitoring and Enforcement Group (IMEG) ang isang ba­gitong pulis na naka­talaga sa Mababang Kapulungan ng Kongreso o Kamara de Representantes dahil sa kasong rape. Kinilala ni IMEG Director PBrig. Gen. Warren de Leon ang suspek na si Patrolman Kemberly Cyd Cela na nakatalaga bilang security sa Kamara. Si Pat Cela ay na­aresto nitong Martes ng gabi sa loob mismo ng Kamara Representatives matapos lumabas ang warrant of arrest nitong September 11 na inisyu ng Marikina Regional Trial Court Branch 193. Ang suspek ay nahaharap sa 3-counts ng rape at nakakulong na sa Quezon City…

Read More

Timbog ang dalawang hinihinalang tulak ng iligal na droga sa ikinasang buy-bust operation sa loob ng compound ng isang mosque sa Ta­guig City kamakalawa ng hapon na nagresulta rin sa pagkakasabat sa higit P3 milyong hinihinalang shabu. Kinilala ng Taguig Police Station ang mga nadakip na sina Empoy Cayagcag, 54, nakatira sa Al-Irshad Mosque Compound, sa Road 14, Maguin­danao St., Brgy. New Lower Bicutan; at si Mecky Untua, 42, nakatira naman sa E. Reyes St., Brgy. New Lower Bicutan. Nakatala ang dalawa bilang mga high-value target ng Station Drug Enforcement Unit. Sa ulat, dakong alas-5:30 ng hapon nang magkasa ng…

Read More

Iminungkahi ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) na pansamantalang itigil muna ang online registration ng mga SIM dahil sa pagtanggap daw ng system ng mga pekeng impormasyon at ID. Ayon kay PAOCC executive director Undersecretary Gilbert Cruz, may nahanap at nakumpiska raw na equipment na maaaring magpa-rehistro ng umaabot sa 64 SIM nang sabay-sabay, at maaari pang bilhin online ang equipment na ito. “Siguro po for the meantime — suggestion lang po ito sa amin — huwag muna natin gamitin iyong ating SIM registration, iyong mga bago lang na magpapa-rehistro,” ani Cruz sa panayam sa Unang Balita ng GMA Integrated…

Read More

Ibinida ng Philippine National Police Anti-Cyber Crime Group ang panibagong “milestone” sa pagsugpo sa banta ng cybercrime sa pamamagitan ng kaliwa’t kanang imbestigasyon, pag-aresto at pagsaklolo sa mga biktima. Ito ang ibinahagi ng PNP-ACG sa isang pahayag nitong Huwebes pagdating sa 16,297 kasong tinutukan nito simula Enero hanggang Agosto 2023, lalo na’t lumalaki raw ang pagdepende ng mga Pilipino sa internet. “These cybercrime incidents are not static; they evolve with technology. This year, cybercriminals have exploited emerging technologies like Non-Fungible Tokens (NFTs), cryptocurrencies, and online casinos to defraud unsuspecting victims,” ani PNP-ACG Director, Police Brig. Gen. Sidney S. Hernia. “Online…

Read More

Sugatan ngayon ang lima katao matapos gumuho ang isang pader sa probinsya ng Cagayan kasunod ang malakas-lakas na magnitude 6.3 na lindol sa Bayan ng Calayan. “[F]ive (5) injured were reported due to a collapsed wall in Calayan, Cagayan,” wika ng Office of Civil Defense (OCD) sa reporters ngayong Miyerkules. “[T]hree were able to sustain minor injuries and the other two sustained brain trauma and head concussion, still for validation.” Bandang 7:03 p.m. nitong Martes lang nang yanigin ng lindol ang Dalupiri Island, dahilan para makapagtala ng Intensity V (strong) earthquake sa mga sumusunod na lugar sa Ilocos Norte: Bacarra Bangui Burgos…

Read More

Pinuri ni Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) Chairman Junie E. Cua ang papel ng mga pampublikong tagapaglingkod kasabay ng pagsisi­mula ng bansa sa pagdiriwang ng ika-123 anibersaryo ng serbisyo sibil ng Pilipinas. “Every need that we can think about, we can expect that there are government workers trying their best to address it. Nariyan din ang mga kawani ng pamahalaan sa bawat sakuna, nangunguna sa frontline para itaguyod ang kapakanan natin,” ani Cua. “From our communities through barangay workers to the national level, the work of nation-building would not advance without public employees,” dagdag pa ni Cua. Ang anibersaryo ng…

Read More

Manama: Sisimulan ng Ministry of Health ang Human Papillomavirus vaccine (HPV Vaccine), bilang isang regular na bakuna na ibinibigay sa mga babae at lalaki na may edad 12 hanggang 13. Inihayag ni Assistant Undersecretary for Public Health Dr. Elal Alawi ang plano nang magbukas siya ng training workshop sa pagpapakilala ng papilloma virus vaccine at pag-iwas sa mga sakit na kanser na nauugnay dito. May temang “Pag-iwas sa mga Kanser na Kaugnay ng Human Papilloma Virus,” ang workshop ay sumasalamin sa pangako na isulong ang pag-iwas sa sakit at ang paggamit ng mga estratehiyang pangkalusugan sa pamamagitan ng pagpapakilala ng…

Read More

Isang taon matapos maitatag ang Department of Migrant Workers (DMW), lumitaw sa pagdinig ng Senado na mahigit kalahati pa ng posisyon sa kagawaran ang hindi napupunan. “I know first year pa lang ng DMW. Tinitingnan ko po yung unfilled positions, medyo malaki pa rin kasi 60.9% of your manpower–this is more than half of your manpower remains unfilled for 2023,” puna ni Senate Majority Leader Joel Villanueva nang talakayin sa Senate Finance Committee ang panukalang P15.542 billion budget ng DMW para sa 2024. Batay sa datos na nakuha ni Villanueva, mayroong 1,279 unfilled positions sa tinatayang 1,785 authorized positions para…

Read More