Author: News Desk

Hindi na umano makapangisda ang mga Filipino sa Scarborough Shoal dahil sa nakaharang at nakabantay na mga Chinese vessels. Ito ang sinabi ni Armed Forces of the Philippines (AFP) spokesperson Col. Medel Aguilar kung saan maituturing itong insulto sa Pilipinas dahil sakop nito ang Scarborough Shoal na mas kilalang Panatag Shoal o Bajo de Masinloc. “Parang iniinsulto na tayo sa kanilang ginagawa na alam naman nila na walang basehan ang kanilang claim ng territory,” ani Aguilar. Ayon kay Aguilar, nakakapangisda pa rin ang mga Filipino subalit hindi sa Scarborough Shoal na maraming isda. Hindi makapasok ang mga mangingisdang Pinoy dahil…

Read More

Nagkasundo ang Pilipinas at Australia na mag-issue ng multiple-entry visas sa kanilang mga citizens na gustong magtrabaho habang nagbabakasyon. Ito’y matapos lumagda sa memorandum of understanding (MOU) sina Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Enrique Manalo at Australian Ambassador to the Philippines Kyong Yu para sa “work and holiday” visa agreement Sa ilalim ng MOU, papayagan ang mga turistang Pinoy at Australyano na makapagtrabaho habang nagbabakasyon upang makabawi sa kanilang mga gastos. Bibigyan ng multi­ple entry visa ang mga ba­kasyunista na may bisa ng hindi lalampas sa isang taon o 12 buwan. Ang work and holiday visa ay bukas para…

Read More

Kumpiyansa ang Department of Agriculture (DA) na magiging matatag na ang presyo ng bigas at palay sa pagsisimula ng anihan sa bansa ngayong Setyembre at Oktubre. Nabatid na target ng pamahalaan na magkaroon ng inisyal na hanggang limang milyong metriko toneladang (MMT) ani ng palay sa mga nasabing buwan. Base sa pagtaya ng Philippine Rice Information System (PRiSM) hanggang noong Agosto 14, inaasahang aabot sa 2 MMT ang inisyal na ani ng palay sa katapusan ng buwang ito. Ang karamihan o bulto ng ani ay inaasahang magmumula sa mga lalawigan ng Isabela, Cagayan, Iloilo, Nueva Ecija, North Cotabato, Leyte, Oriental…

Read More

Nagmamatigas pang tinanggihan ng mga Chinese ang alok na tulong ng Philippine Navy matapos na magkaaberya ang rubber boat ng mga ito sa Ayungin Shoal sa pinagtatalunang teritoryo sa West Philippine Sea (WPS). Ayon kay AFP spokesman Col. Medel Aguilar, sa halip ay sinisi pa ng mga Chinese ang Philippine Coast Guard (PCG) bunga ng insidente. Nabatid na habang hinahabol ng mga Chinese rubber boat ang PCG vessels na nagsasagawa ng resupply mission na pilit ng mga itong hinaharang ay sumabit ang isa sa Rigid Hull inflatable boats ng China sa fishing line sa lugar. “Troops offered assistance to help…

Read More

Nasabat ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) ang isang Filipina na makaraang matuklasan na peke ang pasaporte na kaniyang ipinakita na kinalaunan ay inamin niya na nabili niya sa isang seller sa Tiktok. Nahuli ang Pinay na itinago sa pangalang Josephine nitong Setyembre 5 sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 1. Paalis ng bansa ang babae na biktima ng trafficking at patungo sana ng Ercan, Cyprus. Nagpakita si Josephine ng Belgian passport sa immigration officer. Dito napansin ng immigration officer na hindi consistent ang kaniyang mga pahayag kaya ipinasa siya sa ikalawang inspeksyon sa Duty Supervisor, na siya…

Read More

Manama: Sa ilalim ng pagtangkilik ng Kanyang Kataas-taasang Shaikh Nasser bin Hamad Al Khalifa, Kinatawan ng HM King para sa Humanitarian Work and Youth Affairs, Hope Ventures, ang investment arm ng Hope Fund, pinasinayaan, sa pakikipagtulungan ng Seef Properties Company, ang pinakamalaking community-based co-working space na matatagpuan sa gitna ng Bahrain sa Seef Mall, Manama. https://youtu.be/kevAl8lfRCw?si=3bhSB47-8Sm_24Mv Pinuri ni HH Shaikh Nasser ang mahalagang pakikipagtulungan sa pagitan ng pampubliko at pribadong sektor na naglalayong maglunsad ng mga naka-target na hakbangin na nag-aambag sa pagpapahusay ng mga pagbabago sa kabataan at hinihikayat silang buhayin ang kanilang talento upang simulan ang kanilang mga…

Read More

Tiniyak kahapon ng Department of Education (DepEd) na pahihintulutan pa rin nila ang paglalagay ng mga Christmas decorations sa mga pampublikong paaralan. Ito’y sa kabila ng ‘no decoration policy’ na una nang inilabas ni Vice ­President at DepEd ­Secretary Sara Duterte. Ayon kay DepEd Spokesman at Undersecretary Michael Wesley Poa, pansamantala lamang naman ang paglalagay ng Christmas decoration kaya’t wala silang nakikitang problema kung maglalagay ng mga ito sa mga silid-aralan. Gayunman, kailangang simple lamang ang gawing dekorasyon at hindi ito dapat na gawing permanente. “Pwede silang mag decorate as long as simple lang. Ang ayaw lang po natin talaga…

Read More

Lumakas na ang bagyong Hanna at patuloy na magpapalakas ng habagat rains na pinalakas din ng dalawa pang sama ng panahon, ayon sa PAGASA. Namataan si Hanna alas-11 ng umaga kahapon sa layong 785 kilometro silangan hilagang silangan ng Itbayat, Batanes. Naabot na ni Hanna ang typhoon category dahil umabot na sa 120 kph ang dala nitong hangin at may pagbugso na umaabot sa 150 kph. Inaasahang kikilos si Hanna sa kanluran hilagang kanluran o hilagang kanluran sa buong forecast period. Inaasahang si Hanna ay magla-landfall sa bisinidad ng Yaeyama Islands sa Ryukyu archipelago ngayong Sabado. Si Hanna ay inaasahang…

Read More

Mga laro Sabado: (Araneta Coliseum)4:00pm – Angola vs Sudan8:00pm – Pilipinas vs China (Mall of Asia Arena)4:45pm – New Zealand vs Egypt8:30pm – Jordan vs Mexico TATAPUSIN ni Jordan Clarkson at ng Gilas Pilipinas ang kampanya sa FIBA World Cup 2023 laban sa China ngayong gabi sa Smart Araneta Coliseum. Pagkatapos ng 87-68 loss sa South Sudan nitong Miyerkoles, 0-4 ang Filipinos na napagsarhan na rin sa habulan sa lone berth sa 2024 Paris Olympics para sa best-placed Asian country sa FWC. Bragging rights na lang, kumbaga, ang habol ng Nationals laban sa China. Kulelat sa No. 32 ang GIlas…

Read More

Umabot na sa 387,242 ang bilang ng mga taong nasalanta ng malakas na pag-ulan dahil sa Super Typhoon Goring at pinatindi nitong hanging habagat. Ayon ito sa ulat mula sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), Biyernes, kung saan binanggit na 106,677 ang bilang ng mga pamilyang apektado ng Super Typhoon. Naitala rin ang sumusunod: Lumikas: 11,244 Nasa loob ng evacuation centers: 5,152 Nasa labas ng evacuation centers: 6,092 Ang mga naitalang apektadong populasyon ay nagmula sa mga sumusunod na rehiyon: Ilocos Region Cagayan Valley Central Luzon CALABARZON MIMAROPA Western Visayas Cordillera Administrative Region Mapapansin na mas mababa na ang…

Read More