Author: News Desk

Inaprubahan na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang “mandated price ceilings” sa presyo ng regular milled rice at well-milled rice — pero lagpas doble pa rin ito sa ipinangako niyang P20 kada kilo noong panahon ng kampanya. Bahagi ito ng Executive Order 39 na pinirmahan ni Executive Secretary Lucas Bersamin noong Huwebes matapos irekomenda kay Marcos ang pagkontrol ng presyo sa buong bansa para maging mas abot-kaya ito sa mga Pinoy kasabay ng pagsirit nito sa merkado. Dahil dito, inuutos na hindi maaaring lumagpas sa sumusunod na presyo ang mga naturang uri ng bigas: regular milled rice: P41/kilo well-milled rice: P45/kilo “The…

Read More

Tuluyan nang lumakas si ‘Hanna’ bilang isang bagyo at inaasahang lalo nitong palalakasin ang habagat na magdudulot ng pag-ulan sa 13 lugar sa bansa. Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (Pagasa), namataan si ‘Hanna’ sa layong 785 kilometro sa northeast ng Itbayat, Batanes dala ang pinakamalakas na hanging 120 kilometro bawat oras hanggang 150 kilometro bawat oras. Dahil dito, sinabi ng weather bureau na pa­tuloy na uulanin sa susunod na mga oras ang Batanes, Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, Zambales, Bataan, Aurora, Bulacan, Metro Manila, Calabarzon, Mimaropa, Bicol Region, Western Visayas at northern portion ng Eastern Visayas. “Under these conditions, flooding and rain-induced landslides are expected especially in areas that are highly or very highly susceptible to these hazards,” babala ng Pagasa. Lalo anila itong…

Read More

Tulad ng ibang platform sa social media, malapit na ring magkaroon ng audio at video call ang X na pag-aari ng bilyonar­yong si Elon Musk. Sa katunayan, ipinagyabang na ni Musk sa isang post na bahagi ito ng kanilang plano na gawin ang X bilang isang ‘everything app’. “Video & audio calls coming to X,” ani Musk sa kanyang post. Gayunman, hindi tinukoy ni Musk kung kailan magiging available ang mga bagong feature. Ani Musk, hindi kailangan ang numero para sa audio at video call na gagana sa iOS, Android, Mac at PC system.

Read More

Nananawagan ang Commission on Elections (Comelec) sa mga kakandidato sa darating na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) na tanggalin na ang kanilang mga posts sa Tiktok at sa iba pang social media platforms na may kaugnayan sa halalan upang hindi madiskuwalipika. Pinaalala ni Comelec Chairman George Garcia na maikukunsidera na isang uri ng pangangampanya ang mga posts sa social media dahil sa ipinagbabawal pa ang mga ito sa ngayon. Makikita kasi na nagkalat na ang mga posts ng mga litrato ng mga kakandidato at maging mga line-up ng mga tatakbo sa barangay sa social media sa ngayon. Sa kabila…

Read More

Sa loob lamang ng 20 minuto, inaprubahan na ng House Committee on Appropriations ang panukalang P2.3 bilyong pondo ng tanggapan ng Office of the Vice President (OVP). Sa ginanap na pagdinig ng panel, nag-mosyon si 1st District Ilocos Norte Rep. Ferdinand Alexander “Sandro“ Marcos na tapusin na ang deliberasyon sa panukalang pondo ng tanggapan ni Vice Pres. Sara Duterte. Ang hakbang ay bilang respeto na rin sa tradisyon sa Kamara bilang bahagi ng ‘parliamentary courtesy’ sa isang mataas na opisyal ng bansa. Si Duterte ay dumalo sa pagdinig habang namuno naman dito si 2nd District Marikina City Rep. Stella Quimbo,…

Read More

Manama: Ang Deputy King, His Royal Highness Prince Salman bin Hamad Al Khalifa, ay bumisita ngayon draw sa Air Traffic Management Center sa Ministry of Transportation and Telecommunications. https://youtu.be/rqes-BCkc9M?si=TEHmWofyIo1UnYvq Binigyang-diin ng Deputy King ang pagsisikap ng mga mamamayan ng Bahrain sa pagsusulong ng komprehensibong pag-unlad ng Kaharian, sa pangunguna ng Kanyang Kamahalan na Haring Hamad bin Isa Al Khalifa. Binigyang-diin ng Kanyang Kamahalan ang kahalagahan ng pagdodoble ng mga pagsisikap upang palakasin ang mga sektor ng ekonomiya ng Kaharian at ang kanilang pagiging mapagkumpitensya sa pamamagitan ng makabagong pagpapaunlad ng imprastraktura. Sinabi ng Kanyang Kamahalan na ang mga pambansang estratehiya,…

Read More

Manama: H.E. Si Fatima bint Jaffar Al Sairafi, ang Ministro ng Turismo, ay nagsagawa ng malawakang pagpupulong sa konsultasyon sa mga pangunahing stakeholder ng sektor ng turismo sa Kaharian ng Bahrain kabilang ang mga pribadong establisimiyento ng turismo, mga hotel, mga organisasyon ng hospitality, mga DMC, gayundin, mga ahensya sa paglalakbay. Binigyang-diin ng Ministro ang pangako ng Ministri ng Turismo at ng Bahrain Tourism and Exhibition Authority (BTEA) na pahusayin ang pakikipag-ugnayan ng iba’t ibang pasilidad ng turismo sa loob ng Kaharian ng Bahrain, upang himukin ang karagdagang paglago sa sektor ng turismo. Binigyang-diin niya ang mahalagang papel na ginagampanan…

Read More

Manama: Natanggap ni Heneral Shaikh Rashid bin Abdullah Al Khalifa, Ministro ng Interior, ang bagong hinirang na Direktor-Heneral ng Ministro ng Interior sa pamamagitan ng isang Royal decree ng Kanyang Kamahalan na Hari. Dumalo sina Lt-General Tariq Al Hassan, Chief of Public Security, at Shaikh Nasser bin Abdulrahman Al Khalifa, Interior Ministry Undersecretary. Binati sila ng ministro sa pagkamit ng Royal trust, na hilingin sa kanila ang pinakamahusay sa pagganap ng kanilang mga bagong tungkulin at paglilingkod sa bansa. Binigyang-diin niya ang kahalagahan ng kahusayan at katapatan upang palakasin ang seguridad at katatagan, at pinuri ang pambansang kakayahan at kadalubhasaan…

Read More

Nanawagan nitong Sabado ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa China Coast Guard (CCG) na umasal nang tama, irespeto ang karapatan sa soberenya at huwag nang pakialaman ang Rotational at Resupply (RORE) mission para sa trooa ng mga sundalo na nakaistasyon sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal sa West Philippine Sea (WPS). Sinabi ni AFP Spokesman Col. Medel Aguilar, mandato ng AFP na protektahan ang tropa ng mga sundalo na nagbabantay sa teritoryong nasasaklaw ng 200 Exclusive Economic Zone (EEZ) sa karagatan ng bansa. “As we continue to pursue this humanita­rian undertaking and defend our rights over our…

Read More

Boluntaryong binuwag ng mga persons deprived of liberty (PDL) ang kani-kanilang ‘kubol’ sa loob ng pambansang piitan matapos iutos ni Bureau of Corrections (BuCor) Director General Gregorio Catapang Jr. Sa ulat nitong Sabado, nasa 60 kubol ang giniba ng mga preso sa security housing building 1 at 6 New Bilibid Prison (NBP) North, SHB 9 NBP East Quadrant 4 at SHB 7 NBP West Quadrant 2, habang ang pagbuwag ng kubol sa Quadrant 3 ay nagpapatuloy pa na matatagpuan naman sa maximum security compound. Sinabi ni Catapang na ang hakbang ay bahagi ng ipinatutupad na crackdown laban sa mga kontrabando…

Read More