Subscribe to Updates
Get the latest creative news from FooBar about art, design and business.
- VP Sara: Halos 200 personnel, posibleng mawalan ng trabaho sa tapyas sa 2025 budget
- Durian ng Pinas planong dalhin sa New Zealand
- PhilHealth inalis na ‘single confinement policy’
- Senator Imee kumalas sa admin senatorial ticket
- Alice Guo ‘spy’ ng China, iimbestigahan ng DILG-PNP
- 24 ex-PNP chiefs iniimbestigahan na – Marbil
- Ex-PNP chief ‘tumulong’ sa pagtakas ni Alice Guo
- P1.3 bilyong tinapyas ng Kamara sa pondo ni VP Sara
Author: News Desk
Mas pinalalaim pa ang military at economic cooperation sa pagitan ng Estados Unidos, South Korea at Japan kasabay ng paghahayag ng “strongest joint condemnation” sa umano’y delikado at agresibong pag-uugali ng China sa South China Sea. Ito ay matapos magkasundo sina US President Joe Biden kasama sina South Korean President Yoon Suk Yeol at Japanese Prime Minister Fumio Kishida sa Camp David noong Biyernes sa isinagawang summit ng Biden administration. Bilang pagpapakita umano ito ng pagkakaisa sa gitna ng lumalawak na kapangyarihan ng China at nuclear threats mula sa North Korea. Napagkasunduan din ng tatlong bansa na kokonsulta sa bawat…
Maiiwasan umano ang shortage ng skilled workers tulad ng welders at electrician kung itataas ang kanilang mga sahod dito sa bansa. Ayon kay Senate President Juan Miguel Zubiri na karamihan sa mga magagaling na skilled workers ay nasa gitnang silangan gaya ng Saudi Arabia. Ginawa ni Zubiri ang pahayag sa budget brieing ng Development Budget Coordination Committee (DBCC), kasabay ng panawan na itaas na sa P150 ang minimum wage na malaking tulong sa mga skilled workers sa bansa. Ito rin ang tugon ng senador sa pahayag ni Finance Secretary Benjamin Diokno na kulang na sa skilled workers ang bansa kaya…
Mahigpit umanong binabantayan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang lagay ng mga Filipino na naapektuhan ng wildfire sa Maui Island sa Hawaii. Katuwang ni Marcos sa pagbabantay ang Department of Foreign Affairs (DFA) at Department of Migrant Workers (DMW). Inaalam na ng DFA at DMW kung ilang Filipino ang apektado sa sunog. Nakahanda rin umano ang konsulado ng Pilipinas sa Honolulu na tulungan ang mga apektadong Filipino. Maari rin silang tumawag sa 24/7 emergency hotline na +1808 253-9446 o sa opisyal na email account ng pamahalaan na honolulu.pcg@dfa.gov.ph. “Kasalukuyang nakikipag-ugnayan din ang Philippine Consul General sa Hawaii sa mga lokal na…
Naghain ng patung-patong na reklamo ang ilang deboto ng Itim na Nazareno laban sa drag queen na si Pura Luka Vega dahil pa rin sa kontrobersyal niyang performance ng “Ama Namin.” Huwebes nang ihain ng Hijos Del Nazareno (HDN) Central ang 9 na pahinang reklamo tungkol sa paglabag diumano ng nabanggit sa Article 201 ng Revised Penal Code at Republic Act 10175 o Cybercrime Prevention Act of 2012 sa Manila Prosecutor’s Office, Tumutukoy ang Article 201 ng RPC sa “immoral doctrines, obscene publications and exhibitions, and indecent shows.” “Pura Luka Vega’s acts and actuations constitute a direct attack on our…
Inabisuhan ni Trade Secretary Alfredo Pascual na magkaroon ng adjustment sa diet ng mga Pilipino sa kabila ng pagtaas ng presyo ng bigas. Sa isang panayam sa Kapihan sa Manila Bay nitong August 16 tungkol sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin, minungkahi ng secretary na tumingin ng maaaring alternatives sa pagkain ng bigas. “We are used to eating rice during breakfast, ang hirap mag-shift. Sa iba naman pandesal during breakfast, regular na ‘yun,” sabi ni Pascual. “But there are other alternatives. Pwede naman kamote, pwede namang corn.” Binanggit din ni Pascual na noong nagsilbi siyang presidente ng University of the Philippines…
Posible na may impormante ang China sa Pilipinas sa tuwing may resupply mission ang Philippine Coast Guard (PCG) sa Ayungin shoal kaya agad na nasasabat ng Chinese Coast Guard (CCG) ang kanilang mga bangka. Ayon kay PCG spokesperson on West Philippine Sea Commodore Jay Tarriela, na isang araw bago ang pambobomba ng tubig sa kanilang barko, biglang nag-ipon-ipon ang mga barko ng CCG sa Ayungin Shoal para pigilan ang resupply mission at saka nagbalikan sa kanilang mga puwesto matapos ang insidente. “What we can see from here – ‘yung resupply mission, talagang pinaghandaan nila ‘yan para i-block. There is already…
Pinag-aaralan ng gobyerno ang panukala na ibalik ang pagbubukas ng klase sa buwan ng Hunyo sa halip na Agosto. Ito ang inihayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa harap ng mga mungkahi na ibalik sa dati ang araw ng pasukan dahil panahon na ng tag-ulan at kawawa ang mga estudyante lalo na ang mga batang mag-aaral. Sinabi ni Marcos na masusing pinag-aaralan ng Department of Education (DepEd) kung ano talaga ang pinakamagandang academic calendar year. Hindi rin naman umano ganun kasimple na palitan ang schedule ng pasukan dahil may pandemic, at ngayon naman ay kailangang pag-usapan ang climate change dahil…
Dinerekta ni Interior Secretary Benjamin Abalos Jr. na suriin ng Philippine National Police ang kanilang operational procedures matapos aksidenteng mapatay ng pulis ang 17-anyos na si Jerhode Jemboy Baltazar sa isang operasyon nitong August 2. Inihayag ni Secretary Abalos ang kanyang dismaya sa insidente at binanggit na magkakaroon siya ng pagpupulong kasama ang PNP ukol sa dapat gawing aksyon dito. “Nagpatawag ako na dapat namin na i-review ang operational procedure, kamukha nitong hot pursuit, ano ang dapat gawin. Dapat hindi na maulit ito,” sabi ng secretary sa lamay ni Baltazar nang bumisita siya dito kahapon, August 10. Binanggit din ng…
Bigo sa kanilang nais ang mga empleyado ng gobyerno at mga guro matapos na mabatid na walang umento sa kanilang mga suweldo na nakapaloob sa P5.768 trilyong 2024 national budget ng pamahalaan. Dahil dito, nitong Huwebes ay sinalubong ng picket ng iba’t-ibang grupo ng mga empleyado ng gobyerno kasama ang mga guro ang pagsisimula ng pagbusisi ng mga mambabatas ng Kamara sa panukalang pambansang pondo ng gobyerno. Ang mga ito ay nagsagawa ng noise barrage sa gate ng Kamara na hinihikayat ang mga mambabatas na pakinggan ang hirit nilang umento sa kanilang mga suweldo. “It is disappointing that in the…
Manama: Dr. Mohammed bin Mubarak bin Daina, Ministro ng Langis at Kapaligiran ng Bahrain, Espesyal na Sugo para sa Ugnayang Klima, ay malugod na tinanggap para sa isang pagpupulong si H.E. Anne Jalando-on Louis, Embahador ng Pilipinas sa Bahrain. Sinuri ng pulong ang bilateral na relasyon sa pagitan ng dalawang bansa, na itinatampok ang patuloy na pag-unlad sa iba’t ibang sektor. Tinalakay nila ang mga pangunahing isyu sa sektor ng langis at kapaligiran, at nag-explore ng mga paraan upang mapahusay ang mga pagkakataon sa pamumuhunan at makipagpalitan ng kadalubhasaan upang bumuo ng iba’t ibang proyekto ng langis at kapaligiran. Nais…