Subscribe to Updates
Get the latest creative news from FooBar about art, design and business.
- VP Sara: Halos 200 personnel, posibleng mawalan ng trabaho sa tapyas sa 2025 budget
- Durian ng Pinas planong dalhin sa New Zealand
- PhilHealth inalis na ‘single confinement policy’
- Senator Imee kumalas sa admin senatorial ticket
- Alice Guo ‘spy’ ng China, iimbestigahan ng DILG-PNP
- 24 ex-PNP chiefs iniimbestigahan na – Marbil
- Ex-PNP chief ‘tumulong’ sa pagtakas ni Alice Guo
- P1.3 bilyong tinapyas ng Kamara sa pondo ni VP Sara
Author: News Desk
Umakyat ang bilang at porsyento ng walang trabaho sa work force ng Pilipinas matapos itong humataw sa 2.33 milyon nitong Hunyo, mas mataas ng 159,000 kaysa noong Mayo 2023. Ito’y matapos lumobo 4.5% ang unemployment rate para sa naturang buwan, mas mataas kumpara sa 4.3% bago ito, sabi ng Philippine Statistics Authority (PSA) nitong Miyerkules. “The number of unemployed persons in June 2023 decreased to 2.33 million from 2.99 million in June 2022, posting a year-on-year decline of 663 thousand unemployed persons,” sabi ng ahensya kanina. “However, the number of unemployed persons in June 2023 was higher by 159 thousand compared with…
Nanawagan ang isang grupo ng mga mangingisda ng karagdagang paghihigpit sa mga kompanyang sangkot sa reclamation projects sa Manila Bay matapos ang pagsuspinde ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa mga proyektong ito. Ayon sa isang statement ng Pambansang Lakas ng Kilusang Mamamalakaya ng Pilipinas (PAMALAKAYA), dapat lang na agarang bawiin ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang 21 environmental compliance certificates (ECC) ng mga reklamasyon sa Manila Bay kasabay ang ilan pang dagdag na aksyon dito. “Higit sa lahat, hindi sapat ang suspensyon lamang ng mga proyekto, kundi dapat ay may kaakibat na pananagutan sa mga kumpanyang…
Kinondena ni United States Defense chief Lloyd Austin III sa isang tawag kasama si Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. ang kamakailang agresibong aksyon ng China sa West Philippine sea. Ayon sa statement na inilabas ni Pentagon Press Secretary Brig. Gen. Pat Ryder, nagkausap ang dalawang defense secretary nitong Miyerkules tungkol sa pag-gamit ng China ng water cannons sa mga barko ng Pilipinas. https://twitter.com/SecDef/status/1688995253863239680?s=20 “Secretary Austin condemned the China Coast Guard’s use of water cannons and other dangerous maneuvers, which put the safety of Philippine vessels and crew at risk,” saad ng statement Maalalang ginamitan ng China ng water cannons ang…
Naalarma ang ilang senador sa natuklasang pagpapadala ng mga opisyal ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa China para mag-training sa kanila ng alitan sa teritoryo sa West Philippine Sea (WPS). Ayon kay Sen. Francis Tolentino, chairman ng Senate Blue Ribbon committee, na kinumpirma sa kanya ng isang AFP official ang military exchange program sa China. Ang nakakabahala pa umano hindi lang kadete ang pinapadala sa military academy ng China para mag- schooling kundi mga opisyal. Hindi naman masagot ni Tolentino kung dapat na suspendihin ang naturang programa dahil hinihintay pa umano niya ang report mula sa AFP, subalit…
Malaki ang posibilidad na matuloy na ang joint patrol operations ng Pilipinas at ng Estados Unidos sa West Philippine Sea (WPS) bago matapos ng taong 2023. Ito ang inihayag ni National Security Council assistant Director General Jonathan Malaya bagaman may mga logistical issues pa na dapat ayusin at lutasin bago ito masimulan. Naniniwala ang opisyal na bago matapos ang taon ay masisimulan ang joint patrol operation. “May mga ina-iron out pang mga issues but I don’t think these are insurmountable, I would think before the end of the year”, saad ni Malaya. Sa isang national summit, inihayag ng mga government…
Bubusisiin ng Senado ang umanoy “nauuso” na paghingi ng mga ahensiya ng gobyerno ng confidential and intelligence fund (CIF). Ayon kay Senador JV Ejercito, bubusisiin nila sa darating na budget deliberation ang mga bagong ahensiya na humihingi ng CIF tulad ng Department of Information and Communications Technology (DICT) at Department of Agriculture (DA). Inaasahan naman ni Ejercito na ang paghingi ng DICT ng CIF ay gagamitin sa kanilang cybercrime, dahil na rin sa bagong mga krimen na kinaharap ngayon dulot ng makabagong teknolohiya. Kung sa cybercrime umano ito gagamitin ay justifiable dahil ang mga tinitira ngayon ng mga scammers ay…
Para mapigilan ang matinding epekto ng global inflation, ipinanukala ng administrasyong Marcos ang P112.8 bilyon budget para sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa susunod na taon. Sa pahayag ng Presidential Communications Office (PCO) sakop ng nasabing alokasyon ang education at health grants para sa tinatayang 4.4 milyon sambahayan bukod pa ang rice subsidies. Inayos na rin umano ng administrasyon ang listahan ng mga benepisyaryo ng 4Ps at inalis na ang mga hindi iligible para makatanggap ng suporta at tumanggap na ng mga bagong batch ng mga benepisyaryo. Noong Hulyo…
Patuloy ang pagtaas ng pag-aalboroto ng Bulkang Mayon sa Bicol. Ito ay makaraang iulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) na sa nakalipas na 24 oras ay nagtala ang Mayon ng 248 volcanic earthquakes, 112 rockfall events at limang pyroclastic density current events. Nagtala rin ang bulkan ng 124 volcanic tremor na tumatagal ng isa hanggang 18 minuto ang haba. Naging mabagal naman ang pagdaloy ng lava mula sa bulkan na may habang 2.8 kilometro sa Mi-isi Gully, 3.4 kilometro sa Bonga Gully at 600 metro sa Basud Gully. Umabot ng 4 kilometro ang pagguho ng lava mula…
Umaabot na sa P33.57 milyong halaga ang naipamahagi ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga manggagawa na nawalan ng trabaho dahil sa pagbaha at intertropical convergence zone (ITCZ) sa Northern Mindanao sa ilalim ng Cash-for-Work program ng ahensiya. Ayon kay DSWD Assistant Secretary Rommel Lopez, nasa 5,922 magsasaka ang nabigyan ng tig P5,670 na katumbas ng 14 araw na trabaho na may sweldo na P405 kada araw. Sinabi ni Lopez na, pansamantalang trabaho ang alok ng DSWD habang naghihintay ang mga magsasaka na makarekober mula sa epekto ng pagbaha doon. Tiniyak naman ni Lopez na patuloy ang…
Sa pagsisimula sa una nitong full-scale na pandaigdigang tour mula noong 2019, ang Trophy Tour ay maglalakbay sa ilan sa mga pinaka-iconic na destinasyon sa mundo. Ipinahayag ni Ginoong Mohammad Mansour, Advisory Board Chairmanng Bahrain Cricket Federation na sa 180 bansang miyembro ng Cricket Federation, ang ICC cricket Trophy tour ay gaganapin lamang sa 18 na bansa, ito ay isang ipinagmamalaking sandali para sa mga tagahanga at tagasunod ng Cricket sports sa Bahrain. Ang maging bahagi ng prestihiyosong kaganapang ito ay isang malaking karangalan. Ayon din kay G. Mohammed Shahid, CEO Ng KHK sports na Ang ICC Men’s ODI Cricket…