Author: News Desk

Paiigtingin pa ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang Food Stamp Program upang maibsan ang bilang ng mga Pinoy na nagugutom sa bansa. Ang hakbang ay bilang reaksyon sa SWS survey na nagsasabing maraming Pinoy ang dumaranas ng gutom nitong second quarter ng 2023. Sinabi ni DSWD Secretary Rex Gatchalian na ang naturang programa ay layong paglaanan ng food augmentation ang may isang milyong pamilya mula sa Listahanan 3 na nasa food poor criteria ng Philippine Statistics Authority (PSA). “The pilot implementation from July to December of 2023 will initially cover 3,000 families. The target beneficiaries are those…

Read More

Maaari umanong magkaroon ng pagbaba ang ­presyo ng singil sa kuryente ng Manila Electric Company (Meralco) ngayong Agosto. Ito’y bunsod na rin umano ng mas mababang ­generation costs, demand at paglakas ng piso. “We are optimistic that these factors would be enough to bring down the overall electricity rate for this month,” abiso pa ng Meralco. Ayon sa Meralco, bagama’t hindi pa nila natatanggap ang pinal na billing mula sa suppliers, inaasahan na nila ang posibleng pagbaba ng generation charge ngayong buwan. Naobserbahan na rin umano nila ang pagbaba ng demand sa nakalipas na supply month, na maaaring magresulta sa…

Read More

Aabot sa P7 bilyong halaga ng pinsala sa mga imprastruktura ang iniwan ng bagyong Egay at habagat, ayon sa Department of Public Works and Highways (DPWH). Pinakamatinding tinamaan ang Cordillera Administrative Region (CAR) na nakapagtala ng P2.3 bilyong pinsala sa mga kalsada at tulay. Partikular na nasalanta ang lalawigan ng Abra na aabot sa P1.5 bilyon ang sinira. Nananatiling sarado ang 16 bahagi ng mga kalsada at tulay dahil sa pagkasira dulot ng mudslides, landslides, pagbagsak ng mga bato at baha. Sa naturang bilang, 10 ang nasa CAR. Nakapagtala naman ang Region 1 ng kabuuang pinsala na P1.1 bilyon, habang…

Read More

Inatasan na ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang pambansang pulisya at mga lokal na pamahalaan upang tiyakin ang kaligtasan ng milyon-milyong mag-aaral ngayong darating na pasukan kung saan umiiral na ang harapan o face-to-face classes. Sa isang pahayag ay sinabi ni DILG Sec. Benhur Abalos na batay sa kautusan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ay pakikilusin ng kanyang ahensiya ang kapulisan at LGUs, partikular ang mga barangay, upang ipatupad ang “Bantay-Peligro, Bantay-Presyo” na siyang titiyak sa kaligtasan ng mga batang pumapasok sa iskwela at gagabay sa mga magulang laban sa mapagsamantalang tindahan ng school supplies. “Sa Bantay-Peligro…

Read More

Papaakyat pa rin ang bilang ng mga binawian ng buhay buhat ng nagdaang Super Typhoon Egay at pinalakas nitong habagat, ito habang aabot na sa halos 300,000 ang lumilikas mula sa kanilang mga tahanan. Ito ang ibinahagi ng National Disaster Risk Reduction and Management Council ngayong tumabo na sa 3.02 milyon ang naaapektuhan ng bagyo kabilang ang: patay: 29 sugatan: 165 nawawala: 11 lumikas: 287,057 nasa loob ng evacuation centers: 57,226 nasa labas ng evacuation centers: 229,831 Nakapagtala ng 1,062 insidente ng pagbaha, pagguho ng lupa, atbp. sa sari-saring bahagi ng bansa buhat pa rin ng sama ng panahon. Naiulat ang mga nabanggit…

Read More

Bahagyang nadagdagan ang bilang ng mga pamil­yang Pilipino na nakaranas ng gutom sa nakalipas na tatlong buwan. Ayon sa June 2023 survey ng Social Weather Station (SWS), nasa 10.4% na mga pamilyang Pilipino ang nakararanas ng involuntary hunger sa nakalipas na tatlong buwan. Mas mataas ito sa 9.8% hunger rate noong Marso ngunit mas mababa pa rin kumpara sa 11.8% noong Disyembre ng 2022 at 11.3% o 2.9 milyong pamilyang nagugutom na naitala noong Oktubre 2022. Pinakamaraming nakaranas ng gutom ay mula sa mga pamilya sa Metro Manila na nasa 15.7% Gayunman, bumaba naman ang hunger rate sa Mindanao sa…

Read More

Pinaalalahanan ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang publiko na nag-aalok sila ng libreng medical consultation sa kanilang main office. “Nais lang nating ipaalala sa ating mga kababayan na mayroon tayong Multi-Specialty Clinic na maaari nilang puntahan para makapagpakonsulta sa kanilang mga karamdaman. Libre po ang serbisyo na ito,” ani PCSO Chairman Junie E. Cua. Ang Multi-Specialty Clinic sa ilalim ng Medical Services Department ng ahensya ay nakabase sa PCSO Main Office sa Shaw Boulevard, Mandaluyong City. Ang nasabing klinika na nagbukas noong Abril ay may mga espesyalista sa Cardiology, Neurology at Psychiatry, Ear, Nose, and Throat (ENT), Pulmonology, Gastroenterology,…

Read More

Manama: Nakipagpulong ngayon ang Kanyang Royal Highness Prince Salman bin Hamad Al Khalifa, ang Crown Prince at Prime Minister, sa bagong hinirang na Ambassador ng Republika ng Pilipinas sa Kaharian ng Bahrain, HE Anne Jalando-On Louis, sa Gudaibiya Palace. Itinampok ng HRH ang Crown Prince at Punong Ministro ang matibay na relasyon ng Bahrain-Philippines at ang kahalagahan ng pagsusulong ng kooperasyon upang makinabang ang dalawang bansa at makamit ang mga karaniwang layunin. Pinuri ng Kanyang Kamahalan ang mga kontribusyon ng pamayanang Pilipino sa komprehensibong pag-unlad ng Bahrain. Ninanais ng Kanyang Royal Highness na maging matagumpay ang Ambassador sa pagganap ng…

Read More

Kinumpirma ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) na natagpuan na ang nawawalang Cessna 152 training aircraft (RP-C8958) naiulat na nawawala — pero ang sakay nitong piloto at estudyante, pinaghahanap pa rin. Martes nang ipagbigay alam ng CAAP na biglang nawala ang Cessna plane matapos umalis sa Laoag International Airport bandang 12:16 p.m. kahapon. Nakataya itong lumapag sa Tuguegarao Airport at 3:16 p.m. noong araw na ‘yon ngunit hindi na nakarating pa. “The Cessna 152 training aircraft (RP-C8958) that was reported missing yesterday, 1 August 2023, has been found by the search team at Brgy. Salvacion, Luna, Apayao today,…

Read More

Idineklara nang terorista ng Anti-Terrorism Council (ACT) si Negros Oriental Congressman Arnolfo Teves at 12 iba pa. Bukod kay Congressman Teves, idineklara rin terorista ang kapatid nito na si Pryde Henry Teves, Marvin Miranda, Rogelio Antipolo, Rommel Pattaguan, Winrich Isturis, John Louie Gonyon, Dachniel Lora, Eulogio Gonyon Jr., Tomasino Aledro, Nigel Electona, Jomarie Catubay at Hannah Mae Sumero Oray. Nakasaad sa inilabas na Anti-Terrorism Council Resolution No. 43, nilabag umano ng grupo ni Teves ang Sections 4,6, 10 at 12 ng Anti-Terrorism Act dahil sa mga serye ng mga pagpatay at pangha-harass sa mga residente sa Negros Oriental. Gayundin ang…

Read More