Subscribe to Updates
Get the latest creative news from FooBar about art, design and business.
- VP Sara: Halos 200 personnel, posibleng mawalan ng trabaho sa tapyas sa 2025 budget
- Durian ng Pinas planong dalhin sa New Zealand
- PhilHealth inalis na ‘single confinement policy’
- Senator Imee kumalas sa admin senatorial ticket
- Alice Guo ‘spy’ ng China, iimbestigahan ng DILG-PNP
- 24 ex-PNP chiefs iniimbestigahan na – Marbil
- Ex-PNP chief ‘tumulong’ sa pagtakas ni Alice Guo
- P1.3 bilyong tinapyas ng Kamara sa pondo ni VP Sara
Author: News Desk
Nilinaw kahapon ng Department of Education (DepEd) na ang pagdaraos ng online classes sa panahon ng kalamidad ay hindi mandatory. Ito’y matapos kondenahin ng Alliance of Concerned Teachers (ACT) ang pahayag ni DepEd Spokesman Michael Poa sa isang post-SONA forum na tanging in person classes lamang ang suspendido sa panahon ng kalamidad, upang matiyak ang patuloy na pagkatuto ng mga ito. Ayon naman sa ACT, ‘unjust at insensitive’ ang naturang aksiyon para sa mga estudyante at maging sa mga guro. Kinuwestiyon ni ACT Chairperson Vladimer Quetua kung paano makapagdaraos ng online classes ang mga guro at mga estudyante kung masama…
Umaabot na sa 108 na lugar sa anim na rehiyon sa Luzon ang nasa ilalim ng state of calamity bunsod ng nagdaang bagyong ‘Egay’ at hanging habagat. Nabatid sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na nasa 2,452,738 katao o 668,974 na pamilya sa 4,164 na barangays ang apektado sa Ilocos Region, Cagayan Valley, Central Luzon, Calabarzon, Mimaropa, Bicol Region. Gayundin sa Western Visayas, Northern Mindanao, Davao Region, SOCCSKSARGEN, Bangsamoro Autonomous Region, Cordillera Administrative Region (CAR) at National Capital Region (NCR). Pansamantalang sumisilong ang 13,718 pamilya o 50,467 indibidwal sa 736 evacuation centers. Samantala, nananatili sa 25 ang…
Nananatiling maaasahan ang supply at demand ng bigas sa Pilipinas sa kabila ng nagbabadyang epekto ng maraming mga kadahilanan kabilang ang desisyon ng Russia na umatras mula sa Black Sea Grain Initiative, ang desisyon ng India na ipagbawal ang pag-export ng bigas, at ang El Niño phenomenon. “As of today, we are looking at, you know, sound pa rin naman iyong supply and demand natin,” ayon kay Department of Agriculture Undersecretary Mercedita Sombilla sa isang press briefing sa Malacañang nitong Martes. Sa kabila ng positibong ulat, sinabi ni Sombilla na si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., na siya ring Kalihim…
Lalong tumaas ang pagkakautang ng gobyerno ng Pilipinas sa P14.15 trilyon sa pagtatapos ng Hunyo 2023 ayon sa Bureau of Treasury, Martes, ang pinakamataas sa kasaysayan ng bansa. Ito’y matapos itong madagdagan ng P51.31 bilyon o 0.4% kumpara noong Mayo, primarya dahil sa pagbenta ng gobyerno ng mga securities kagaya ng Treasury bonds at bills. Narito ang mga pinanggalingan ng kabuuang debt stock ng national government, ayon sa Treasury: utang panlabas: P4.45 trilyon (31.4%) utang panloob: P9.7 trilyon (68.6%) Tumaas ng 1.2% kumpara noong Mayo 2023 ang domestic debt noong Hunyo dahil sa net issuance ng government bonds na siyang tinutulak…
Napanatili ng Typhoon Falcon ang lakas nito habang kumikilos pakanluuran hilagangkanluran patungo sa dagat timogsilangan ng Okinawa Islands, sabi ng state weather bureau. Naobserbahan ang mata ng Typhoon Falcon 875 kilometro silangan hilagangsiilangan ng extreme northern Luzon 10 a.m. ng Martes, ayon sa PAGASA. Lakas ng hangin: 175 kilometro kada oras malapit sa gitna Bugso ng hangin: hanggang 215 kilometro kada oras Direksyon: pakanluran hilagangkanluran Pagkilos: 20 kilometro kada oras “Falcon is potentially at its peak intensity at this time and likely to maintain its strength for the next 48 hours, although intensification into a super typhoon is not ruled out,” wika ng PAGASA kanina.…
Nagpahayag ng kahandaan si European Union (EU) President Ursula Von der Leyen na magbahagi ng impormasyon sa Pilipinas para mapalakas ang kooperasyon sa maritime security. Sa joint press statement kasama si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sinabi ni von der Leyen, na ang global geopolitical landscape ay may pagbabago at banta sa kasalukuyan. Iginiit din niya na ang paninindigan ng EU sa arbitral ruling na nagbabalewala sa claims ng China sa South China Sea. Iginiit din ni von der Leyen na ang 2016 award ng arbitral tribunal sa South China SEa ay may legal na basehan at nagbibigay ito ng basehan…
Nagkasundo sina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at European Commission President Ursula Von der Leyen na palakasin pa ang kalakalan sa pagitan ng Pilipinas at European Union. Inihayag ito ng Pangulo matapos ang bilateral meeting nila ni Leyen kahapon ng umaga sa Malacañang. Sa joint press statement ng Pangulo at ni Leyen, sinabi nitong napag-usapan din nila ang pagbubukas ng negosasyon para sa Philippines-EU free trade agreement. Bukod rito, nagkasundo rin umano ang dalawang lider na magkaroon ng financing agreement sa green economy program sa Pilipinas kung saan paglalaanan ng 60 milyon Euros na grant ang circular economy, renewable energy, at…
Nadagdagan pa ang bilang ng mga namatay sa bagyong Egay kung saan pumalo na ito sa 25 habang nasa 2.3 milyong indibiduwal naman ang apektado sa pananalasa nito sa bansa. Sa report ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), 52 katao pa ang sinasabing sugatan habang 23 ang nawawala kabilang ang apat na Philippine Coast Guard personnel sa lumubog na bangka noong nakaraang linggo sa Abulug, Cagayan. Ayon naman kay Office of Civil Defense (OCD) administrator Ariel Nepomuceno, ang apat na tauhan ng PCG ay sumaklolo sa ilang residente sa mga sinalanta ni Egay nang mangyari ang paglubog…
Iniimbitahan ng Civil Service Commission (CSC) ang mga lider at human resource (HR) practitioners sa gobyerno na dumalo sa dalawang araw na 2023 Public Sector HR Symposium sa Pasay City sa darating na Setyembre 26, 2023. Sa ika-10 taon nito ngayon, ang HR Symposium ay isang taunang learning conference na pinamumunuan ng Civil Service Institute (CSI) upang patuloy na i-update ang mga lider at HR practitioner sa publiko at pribadong sektor hinggil sa mga makabagong nauuso at kasanayan sa larangan ng pamumuno, HR management , at pag-unlad ng organisasyon. “We are thrilled to host the largest gathering of government leaders,…
Hinimok ni dating Manila Congressman Barry Gutierez ang pagkakaroon ng masinop na financial management at strategic planning para makabangon sa mga utang at tuloy mapondohan ng maayos ang mga essential projects ng pamahalaan. Ito ang pananaw ni Atty. Gutierez na kailangang agad malapatan ng kaukulang atensyon at agarang pagkilos ng gobyerno hinggil sa estado ng ekonomiya ng bansa at national debts. Anya, isang malaking hamon sa kasalukuyang pamahalaan ang lumolobong national debt na umabot na sa P12 trilyon na minana nito sa nagdaang administrasyon. Ito ay sa kabila na may P5.9 trilyong utang lamang mayroon nang magsimula ang Duterte administration.…