Author: News Desk

Kinakabahan na umano si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. dahil sa posibleng pagtaas sa presyo ng bigas matapos mapaulat ang damage sa agrikultura dulot ng bagyong Egay. Sa situation briefing sa mga lokal na opisyal ng Tuguegarao, sinabi ng Pangulo na nag-aalala siya sa supply ng lokal na bigas kaya kailangang palakasin ang stocks para masiguro na handa ang Pilipinas sa epekto ng El Niño sa agrikultura kaya hihingi sila ng supply deal sa India. Bilang paghahanda sa epekto ng El Niño at ng super typhoon Egay sa lokal na ani, kaya magsisimula na ang Pilipinas na umangkat ng bigas. Paliwanag…

Read More

Higit pang lumakas ang Severe Tropical Storm Falcon nitong Linggo habang kumikilos patungong norte. Sa 5 pm weather update ng PAGASA, huling namataan si Falcon may 1,170 kilometro, silangan ng Northern Luzon. Taglay nito ang lakas ng hangin na 110 kph at pagbugso na hanggang 135 kph. Bagamat lumakas ang bagyo, wala pang idinideklarang tropical cyclone wind signals sa alinmang bahagi ng bansa. Patuloy pa rin namang pinalalakas ni Falcon ang habagat na inaasahang magdudulot ng manaka-nakang pag-ulan sa kanlurang bahagi ng Luzon at Visayas sa susunod na tatlong araw. Kabilang sa mga lugar na inaasahang maaapek­tuhan ng habagat ang…

Read More

Tumaas na sa 193 metro ang antas ng tubig sa Angat­ Dam, na siyang nagsusuplay ng 97% ng pangangailangan sa tubig sa National Capital Region (NCR). Ayon sa PAGASA, ito ay 13 metrong mas mataas sa minimum operating level na 180 metro lamang. Anang state weather bureau, ang pagtaas ng antas ng tubig ay dulot ng patuloy na mga pag-ulan na dala ng mga bagyong Egay at ng Habagat. Sa 6 am bulletin ng PAGASA, nabatid na ang water level ng Angat ay tumaas mula sa 191.70 metro noong Hulyo 29 hanggang 193.84 metro noong Hulyo 30. Bukod sa Angat,…

Read More

Magpapatupad ng mas mahigpit na inspeksyon ang Philippine Coast Guard (PCG) sa mga inter-island­ na pampasaherong bangka makaraan ang trahedya sa may Talim Island sa Bina­ngonan, Rizal. Sinabi ni PCG spokesperson Read Admiral Armand Balilo na ang paghi­higpit ay upang hindi na ma­ulit ang naganap na trahedya sa Laguna de Bay na sinasabing hindi nabanta­yan ang manipesto at kung sumusunod sa panuntunan sa kaligtasan ang kapitan ng bangka. “Ang thrust po ng Philippine Coast Guard ngayon ay, base na rin po sa directive ng Presidente, itong da­rating na bagyo ay maging­ mahigpit tayo doon sa pag-inspect noong mga inter-island ferries…

Read More

Bumuo si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng Inter-Agency Council for the Pasig River Urban Development bilang bahagi ng pagtugon ng gobyerno sa agarang pa­ngangailangan na ayusin at pagandahin ang Pasig River. Alinsunod sa Executive Order (EO) No. 35, na pinir­mahan ni Executive Secretary Lucas Bersamin, ang inter-agency council ang magiging responsable na tiyakin ang ganap na rehabilitasyon ng riverbanks, sa kahabaan ng Pasig River water system at mga kalapit na water systems. “There is an urgent need to rehabilitate and enhance the quality of life along the banks of the Pasig River, its tributaries, and surrounding communities,” dagdag na pahayag…

Read More

Nangako si House Speaker Ferdinand Martin Romualdez na mamadaliin ng Kongreso ang pagbalangkas sa priority bills ng Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. para maipasa sa lalong madaling panahon. Ayon kay Speaker Romualdez, “nagawa naming ipasa noong nakaraang session ang 31 sa 42 priority bills ng pangulo noong unang SONA niya.” “Kaya I am sure we can pass the President’s priority bills in his 2nd SONA bago matapos itong 2nd regular session namin,” dagdag ni Romualdez. May 20 priority bills ang Pangulo kabilang ang excise tax sa minsanang paggamit ng mga plastic, pagtatatag ng pension fund ng pulis at militar, pagpapadali…

Read More

Sasampahan ng kasong kriminal ng Philippine Coast Guard (PCG) ang kapitan at crew members ng bangka na lumubog sa Laguna de bay sa Binangonan, Rizal na ikinasawi ng 27 katao. Sa media forum sa QC, sinabi ni PCG spokesman Rear Admiral Armand Balilo na ang PCG at Philippine National Police (PNP) ay patuloy na kumukuha ng mga ebidensiya laban kay Donald Anain, boat captain ng MV Aya Express at dalawa nitong mga tauhan. “Depende kung ano ang mapag-agree-han nung committee sa ebidensyang available,” pahayag ni Balilo. Ilan sa posible ring isampang kaso ay reckless imprudence resulting in multiple homicide. Sa…

Read More

Personal na namahagi ng ayuda si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa mga residente sa Abra na lubhang naapektuhan ng Bagyong Egay. Sa pagbisita ng Pa­ngulo sa Abra, sinabi nito na tututukan ng pamahalaan ang pagsasaayos sa suplay ng tubig at kuryente para mabilis na makabalik sa normal na pamumuhay ang mga residente dito. Nangako naman ang Pangulo na hahanapan ng paraan para matulu­ngan ang mga residenteng nawalan ng tahanan at ngayon ay nananatili pa rin sa mga evacuation centers. Namigay din ang Pangulo ng pinansyal na ayuda sa local officials para makatulong sa relief at recovery operations. Kuntento naman…

Read More

Inaasahang lalakas ang bagyong Falcon ngayong linggo. Si Falcon ay huling namataan sa layong 1,315 kilometro silangan ng Central Luzon taglay ang lakas ng hangin na umaabot sa 65 kilometro bawat oras at pagbugso na umaabot sa 80 km bawat oras. Sa susunod na tatlong araw, magkakaroon ng ma­lakas na pag-ulan sa western portion ng Luzon at Visayas dulot ng habagat na pinaigting ng bagyong Falcon. Mas malakas ang ulan sa mga matataas at bulubunduking lugar na may banta ng pagbaha at landslide. Dahil sa epekto ng habagat na pinaigting ng bagyo, umiiral ang Gale Warning sa baybayin ng western…

Read More

Idineklara ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Agosto 8 hanggang 14 kada taon bilang “Philippine Space Week.” Ito ay para itaguyod ang space awareness sa mga Filipino. Base sa Proclamation No. 302 na nilagdaan ni Executive Secretary Lucas Bersamin, idineklara ang “Philippine Space Week” kasabay ng pagsasabatas ng Philippine Space Act noong Agosto 8, 2019. “There is a need to promote space awareness, celebrate the significant contributions of Filipinos worldwide in the field of space science, and espouse the value, benefits and impacts of space science and technology applications on the lives of Filipinos,” nakasaad pa sa proklamasyon. Inaatasan din…

Read More