Subscribe to Updates
Get the latest creative news from FooBar about art, design and business.
- VP Sara: Halos 200 personnel, posibleng mawalan ng trabaho sa tapyas sa 2025 budget
- Durian ng Pinas planong dalhin sa New Zealand
- PhilHealth inalis na ‘single confinement policy’
- Senator Imee kumalas sa admin senatorial ticket
- Alice Guo ‘spy’ ng China, iimbestigahan ng DILG-PNP
- 24 ex-PNP chiefs iniimbestigahan na – Marbil
- Ex-PNP chief ‘tumulong’ sa pagtakas ni Alice Guo
- P1.3 bilyong tinapyas ng Kamara sa pondo ni VP Sara
Author: News Desk
Hindi bababa sa 60 katao na ang tinamaan ng sakit na diarrhea sa islang bayan ng Rapu-rapu, Albay at tatlo na rito ang naitatalang nasawi dahil sa kumplikasyon at severe dehydration makaraang makontamina ng bakterya ang kanilang pinagkukunan ng inuming tubig dahil sa nakalipas na mga pag-ulan sanhi ng bagyong “Egay”. Ayon sa ulat ng Provincial Health Office, panibagong 15 residente mula naman sa Brgy. Gaba ang tinamaan ng diarrhea, isa rito ang 12-anyos na bata na nasawi dahil sa severe dehydration. Ang Brgy. Gaba ay katabing lugar lang ng Brgy. Manila na una nang nagkaroon ng nasabing sakit at…
Titiyakin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na sapat ang suplay ng bigas sa bansa lalo na sa mga lugar na sinalanta ng bagyong Egay. Sa situation briefing sa Abra, sinabi ng Pangulo na pabibilisan din ang pagbabalik sa suplay ng kuryente sa mga lugar na naapektuhan ng bagyo. “Again, rice, for me, is the most important,” pahayag ng Pangulo. Anya, kailangan ngayon ng gobyerno na maghanap ng supplier ng bigas para makapagbigay ang National Food Authority ng emergency support. Kailangan din na pag-aralan kung paano mareremedyuhan ang mga gulay na nasira ng bagyo sa Benguet. Wala anya sa polisiya ng…
Nag-deploy ang Philippine National Police (PNP) ng 200 pulis para tumulong sa isinasagawang relief operations sa mga lugar na matinding sinalanta ni supertyphoon Egay at monsoon rain. Ayon kay P/Major Alan Okubo, PNP Directorate for Community Relations, nasa P3-M din ang kanilang nalikom mula sa donasyon ng mga pulis para ipambili ng food packs at iba pang relief goods na kailangan ng mga apektadong pamilya. Inihayag ni Okubo na ang idineploy na puwersa ay mula sa Search and Rescue (SAR) at Reactionary Standby Support Force (RSSF) personnel na inatasang makipagkoordinasyon sa Local Government Units at iba pang ahensya ng pamahalaan…
Nag-iwan ng lagpas isang dosenang patay ang nagdaang Super Typhoon Egay, ito habang milyun-milyun na ang pinsalang tinamo nito sa imprastruktura at agrikultura. Sa huling ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council, Biyernes, 502,782 na ang nasalanta ng bagyo kabilang ang sumusunod: Patay: 13 Sugatan: 12 Nawawala: 20 Lumikas: 42,831 Nasa loob ng evacuation centers: 29,223 Nasa labas ng evacuation centers: 13,608 Sinasabing nagmula sa Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, CALABARZON, at Western Visayas ang mga nasawi. Ang pito rito sinasabing bineberipika pa. Sa kabila nito, wala pa sa datos ng NDRRMC ang naiulat nang halos 30 na namatay sa…
Nasa 30 katao ang nasawi makaraang tumaob ang isang pampasaherong bangka sa Laguna de Bay malapit sa Talim Island sa Binangonan, Rizal nitong Huwebes ng hapon. Sa inisyal na impormasyon ng Philippine Coast Guard Sub-Station Binangonan, dakong ala-1 ng hapon nang tumaob ang MBCA Princess Aya, may 30 yarda ang layo sa Talim Island sa Barangay Kalinawan sa bayan ng Binangonan. Hinampas umano ng malakas na hangin ang bangka dahilan para mag-panic ang mga pasaherong sakay nito at nagpuntahan sa kaliwang bahagi ng bangka sanhi para maputol ang katig nito at tumaob. “They went to the port side of the…
Umabot na sa lima katao ang iniulat na nasawi sa pananalasa ng bagyong Egay. Ayon kay National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) deputy spokesperson Diego Mariano, apat dito ay mula sa Cordillera Autonomous Region (CAR) matapos matabunan ang kanilang bahay sa bayan ng Buguias, Benguet dahil sa landslide habang ang isa ay mula sa Calabarzon. Dalawa naman ang sugatan, subalit patuloy pang bineberipika ng NDRRMC. Patuloy din ang paglobo ng bilang ng mga apektadong indibidwal kung saan nasa 89,639 pamilya o katumbas ng 328,356 katao mula sa 836 barangay sa Regions 1, 2, 3, 5, 6, 10, 12,…
Tinatayang nasa $235 milyon halaga ng investment commitments ang nakuha ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa tatlong araw na state visit sa Malaysia. Ang nasabing investments ay resulta ng pakikipag-usap ni Marcos sa mga negosyante sa Malaysia. “The investment commitments that we have received as far are valued at around $235 million, which is a good indication that there is a strong interest from Malaysia to invest in the Philippines,” sabi ni Marcos. Naniniwala pa ang Pangulo na ang engagement sa mga kumpanya sa Malaysia at business leaders ay potensyal para sa mutual beneficial outcomes sa Malaysia at Philippine companies.…
Tila hindi nabahag ang buntot sa pambu-bully ng China, agresibo na rin umanong nagtatayo ngayon ang Vietnam ng permanenteng istraktura sa pinagtatalunang teritoryo sa West Philippine Sea (WPS). Sa Kamara, patuloy namang isinusulong ni 2nd District Cagayan de Oro City Rep. Rufus Rodriguez na ipagtanggol ng gobyerno ang soberenya at integridad ng WPS. Base sa dokumentong pinamagatang “Planning of Construction Projects on Pearson Reef and Pigeon Reef in Spratly Islands,” na nilagdaan ni Rear Admiral Tran Thanh Nghiem, Commander sa Vietnam People’s Navy na may petsang Marso 27, 2023, sinasabing kumuha na ng isang pribadong kontraktor ang Vietnam para sa…
Upang mapabilis ang pag-access sa civil service eligibility information, naglunsad na ang Civil Service Commission (CSC) ng online eligibility verification system para sa mga Human Resource Management Officer (HRMOs) ng mga ahensiya ng gobyerno at maging sa publiko. Ang Civil Service Eligibility Verification System (CSEVS), ay isang online search platform na nagbibigay-daan sa pag-access sa database ng mga indibidwal na nakapasa sa Career Service Examination-Pen and Paper Test (CSE-PPT), Computerized Examination, at Computer Assisted Test. “Instead of requiring the submission of an authenticated proof of eligibility from applicants, agency HRMOs may now use the CSEVS to check the eligibility of…
Malacañang has lifted the State of National Emergency in Mindanao. “Now Therefore, I, Ferdinand R. Marcos Jr. President of the Philippines, by virtue of the powers vested in me by the Constitution and existing law, do hereby lift the state of national emergency on account of lawless violence in the Mindanao, effective immediately”? President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. enshrined in Proclamation 298 dated July 25, It can be remembered that former president Rodrigo Duterte declared the State of National Emergency in Mindanao on September 4, 2016 because of the violence committed by private armed groups, local war lords, criminal syndicates, bandits and…