Author: News Desk

Nakalabas na ng Philippine area of responsibility ang Typhoon Egay ngunit isa na namang bagyo ang posibleng lumapit sa bansa — bagay na tatawaging “Falcon” pagpasok ng PAR. “Ngayon may isa na naman tayong binabantayan na bagyo na nasa labas ng ating [PAR]. Ang tropical depression na ito, nasa layong 1,585 kilometers pa silangan ng Eastern Visayas,” ani DOST-PAGASA Asst. weather services chief Chris Perez, Huwebes. “Wala pa itong direktang epekto sa anumang bahagi ng ating bansa pero pansinin natin ang malawak na kaulapan nito. Naka-extend sa eastern seaboard ng Mindanao.” Posible itong pumasok sa PAR sa pagitan ng Sabado…

Read More

Umakyat sa limang katao na ang naiulat na nasasawi habang daan-daang libo naman ang nasalanta buhat ng Typhoon Egay at habagat, ayon sa pinakahuling ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council. Martes nang iulat ng konseho ang nasa 328,356 ang apektado ng naturang bagyo. Kasama rito ang sumusunod: patay: 5 sugatan: 2 lumikas: 26,697 nasa loob ng evacuation centers: 19,826 nasa labas ng evacuation centers: 6,871 Ang limang naiulat na patay ay sinasabing nagmula sa CALABARZON (1) at Cordillera Administrative Region (4), bagay na bineberipika pa raw ng NDRRMC. Nagmula sa mga sumusunod na lugar ang mga nasalanta: Ilocos…

Read More

Humaba umano ang buhay ng mga Pilipino sa loob ng nakalipas na 75 taon. Sa selebrasyon ng ika-75 anibersaryo ng World Health Organization, sinabi ni WHO Representative to the Philippines Dr. Rui Paulo de Jesus na umakyat na sa 71 taon ang ‘life expectancy’ ng mga Pilipino mula sa dating 54 taon. “Over the past 75 years, the Philippines has paved the way for significant improvements in health and overall well-being of Filipinos,” saad ni Dr. de Jesus. Ilan sa mga narating ng Pilipinas ay ang eliminasyon sa leprosy o ketong noong 1998 na idineklara ng WHO, habang nakikita rin…

Read More

Inihayag ng National Telecommunications Commission (NTC) na umabot sa 105.9 milyon ang nakapag-parehistro ng SIM card sa pagtatapos ng deadline nitong Hulyo 25, at wala na itong extension. Ayon sa NTC, ang nasabing bilang ay nasa loob ng target na nasa pagitan ng 100 milyon hanggang 110 milyong nakarehistrong SIM. Sa 105.9 milyong matagumpay na SIM Registration, ang Smart ay nakapagrehistro ng 50.0 milyon; Globe, 48.4 milyon at DITO, 7.5 milyon. Matatandaang pinalawig ang orihinal na deadline ng Abril 26, ng 90 araw upang bigyan ng pagkakataon ang milyun-milyong user para magparehistro. Giit ng NTC, ang hindi pagrehistro ng mga…

Read More

Pinag-iingat ng ­Philippine National Police -Anti-Cybercrime Group (PNP-ACG) ang publiko kaugnay ng pagtaas ng ‘hacking incidents’ sa social media. Ayon sa PNP-ACG, nakaaalarma ang paglobo ng mga kaso ng Facebook hacking incidents na umabot na sa 743 sa unang anim na buwan pa lang ng 2023. Mula sa 503 kasong iniulat noong 2021, pumalo ito sa 1,402 noong 2022. Sinabi ng ACG na ang pangunahing motibo ng mga hacker ay manipulahin ang pagkaka­kilanlan ng account user upang makapanloko o makapang-scam sa mga contact ng mga biktima. Payo ng ACG sa lahat ng FB account users magkaroon ng Two-Factor Authentication na…

Read More

Nagpaabot ng tulong ang Philippine Ports Authority (PPA) sa mahigit 2,000 pasaherong stran­ded sa lahat ng pantalan sa buong bansa mula sa mga kanseladong biyahe ng mga barko dahil sa masamang panahon na idinulot ng Supertyphoon “Egay”. Bilang aksyon, namahagi ang ilang PPA Port Management Offices (PMO) sa buong bansa ng hot meals gaya ng lugaw bilang kanilang pantawid gutom habang naghihintay na manumbalik ang magandang lagay ng panahon at maka-biyahe na sa kani-kanilang mga probinsya. Sa Holding Area ng North Port Passenger Terminal, nakatanggap ng mainit na lugaw ang mahigit 400 stranded na pasahero na ilang araw nang naghihintay…

Read More

Kumikilos nang mabagal sa ngayon ang Typhoon Egay papalayo sa Dalupiri Island habang dahan-dahang kumikilos papalabas ng Philippine area of responsibility pinakamaaga sa Huwebes. Bandang 4 p.m. nang mamataan ang sentro ng bagyong “Egay” 70 kilometro kanluran hilagangkanluran ng Calayan, Cagayan, ayon sa pinakahuling taya ng PAGASA ngayong araw. Lakas ng hangin: 175 kilometro kada oras malapit sa gitna Bugso ng hangin: hanggang 240 kilometro kada oras Direksyon: pahilagangkanluran Pagkilos: 10 kilometro kada oras “Egay is forecast to track generally northwestward or north northwestward and pass over the waters south and southwest of Taiwan. It is forecast to exit the Philippine Area of…

Read More

Isinailalim na sa “state of calamity” ang probinsya ng Ilocos Norte buhat ng hagupit ng Typhoon Egay, bagay na dahilan ng Signal no. 4 sa ilang bahagi ng bansa. Sa ilalim ng state of calamity, agad na nagpapatupad ng “price ceiling” sa mga basic necessities at prime commodities, pag-grant ng no-interest loans, atbp. alinsunod sa Republic Act No. 10121. “The Province of Ilocos Norte has been declared under a ‘State of Calamity’ following the devastating impact of Super Typhoon ‘Egay,'” wika ng pamahalaang panlalawigan ng Ilocos Norte, Miyerkules. “The typhoon brought heavy rain, strong winds, and severe floods that caused massive damages…

Read More

Meron nang nasawi habang dalawa ang sugatan bunga ng Typhoon Egay at habagat sa Pilipinas, bagay na nagpalikas na sa libu-libo ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council ngayong Miyerkules. Sa huling ulat ng NDRRMC, umabot na sa 180,439 katao ang naapektuhan ng bagyo kabilang na ang: patay: 1 sugatan: 2 lumikas: 11,041 nasa loob ng evacuation centers: 8,917 nasa labas ng evacuation centers: 2,124 Sinasabing nagmula sa CALABARZON ang isa sa mga namatay habang isa naman din sa parehong rehiyon at sa Western Visayas ang injured. Ang pareho ay patuloy na bineberipika ng NDRRMC. Ang mga apektadong populasyon…

Read More

Tinanggap na ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang pagbibitiw ng 18 opisyal ng Philippine National Police (PNP) na umano’y sangkot sa illegal na droga. Sa inilabas ng Presidential Communications Office (PCO), tinanggap ni Marcos ang resignation ng Third-Level Officers ng PNP base na rin sa rekomendasyon ng National Police Commission Ad Hoc Advisory Group. Kabilang dito sina PBGen. Remus Balingasa Medina, PBGen. Randy Quines Peralta, PBGen. Pablo Gacayan Labra II, PCol. Rogarth Bulalacao Campo, PCol. Rommel Javier Ochave, PCol. Rommel Allaga Velasco, PCol. Robin King Sarmiento, PCol. Fernando Reyes Ortega, PCol. Rex Ordoño Derilo, PCol. Julian Tesorero Olonan, PCol.…

Read More