Subscribe to Updates
Get the latest creative news from FooBar about art, design and business.
- VP Sara: Halos 200 personnel, posibleng mawalan ng trabaho sa tapyas sa 2025 budget
- Durian ng Pinas planong dalhin sa New Zealand
- PhilHealth inalis na ‘single confinement policy’
- Senator Imee kumalas sa admin senatorial ticket
- Alice Guo ‘spy’ ng China, iimbestigahan ng DILG-PNP
- 24 ex-PNP chiefs iniimbestigahan na – Marbil
- Ex-PNP chief ‘tumulong’ sa pagtakas ni Alice Guo
- P1.3 bilyong tinapyas ng Kamara sa pondo ni VP Sara
Author: News Desk
Umaabot sa 149 kababaihan at mga bata ang biktima ng mga kaso ng cybercrime sa bansa sa unang bahagi ng taong 2024. Ito ang inireport ni PNP-ACG Director P/Major Gen. Sidney Hernia, kaugnay ng idinaos na AngelNet Summit 2024 sa Multi Purpose Hall ng Camp Crame kamakalawa na naglalayong mapalakas pa ang paglaban sa cybercrimes kung saan ang kadalasang biktima ay mga kababaihan at mga bata. Sinabi ni Hernia na ang nasabing bilang ay 36% sa nairekord na mga biktima noong 2023. Noong 2023 ay nakapagtala ang PNP-ACG ng kabuuang 407 kaso. Samantala, inintrodyus din sa summit ang Aleng Pulis…
Binalaan ni Department of Budget and Management (DBM) Secretary Mina F. Pangandaman ang publiko na mag-ingat sa mga manloloko o scammers na nagpapanggap na opisyal ng DBM para makapanghingi ng malaking halaga ng pera. Ang babala ni Pangandaman ay ginawa matapos ang operasyon ng National Bureau of Investigation (NBI) na nagresulta sa pagkakaaresto ng walong indibidwal na nagpanggap na mga opisyal ng DBM. Ang mga suspek ay naaktuhan na nagloloko sa kanilang mga biktima sa pamamagitan ng mga pangako na bibigyan sila ng pondo o proyekto mula sa DBM kapalit ng malaking halaga ng salapi. Ayon kay Pangandaman, hindi lamang…
Umaabot na sa mahigit 7,000 paaralan sa iba’t ibang bahagi ng bansa ang nagsuspinde na ng kanilang face-to-face classes dahil sa matinding init ng panahon. Ayon sa Department of Education (DepEd), nasa 7,080 na, mula sa kabuuang 47,678 paaralan sa bansa o 14.8% ang nag-anunsiyo ng suspensiyon ng in-person classes at lumipat na ng alternative delivery modes. Nabatid na pinakamaraming apektadong paaralan sa Central Luzon na nasa 1,903. Sumunod naman ang Central Visayas na nasa 870 at Western Visayas na nasa 862. Sa National Capital Region (NCR) naman, nasa 311 paaralan na ang nagsuspinde ng face-to-face classes. Una nang binigyan…
Ipinahayag ng US at Japan ang kanilang matibay na pangako ng suporta para sa kaunlaran ng ekonomiya ng Pilipinas sa katatapos na trilateral summit sa pagitan nina Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., US President Joe Biden at Japan Prime Minister Fumio Kishida. Sa magkasanib na pahayag, inihayag ng tatlong lider ang pagsasagawa ng Presidential Trade and Investment Mission sa Pilipinas at mahigit $1 bilyon sa pamumuhunan ng pribadong sektor ng US upang suportahan ang ekonomiya ng pagbabago at malinis na paglipat ng enerhiya ng Pilipinas. Itinataguyod din ng proyekto ang supply chain resilience at pinatitibay ang patuloy na pangako ng…
Muling pinanindigan ni US President Joe Biden ang pangako nila na depensahan ang Pilipinas. Ang pahayag ay ginawa ni Biden sa trilateral summit na nilahukan din nina Pangulong Ferdinand Marcos at Japanese Prime Minister Fumio Kishida sa White House sa Washington, DC. Iginiit ni Biden na gagamitin ng Amerika ang Mutual Defense Treaty (MDT) para ipagtanggol ang bansa sakaling makaranas ito ng anumang pag-atake sa mga eroplano, sasakyang pandagat, o militar sa loob ng teritoryo nito. Matapos ang trilateral meeting, nagkaroon ng hiwalay na pagpupulong sina Marcos at Biden. Ang MDT o tratado sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos…
Inaprubahan na ng House Committee on Dangerous Drugs at House Committee on Health ang panukalang batas sa paggamit ng marijuana sa paggamot sa mga malalang karamdaman. Sa press conference, inihayag ni House Committee on Dangerous Drugs Chairman at Surigao del Norte 2nd District Rep. Robert Ace Barbers na ang mga panukalang batas patungkol sa medical cannabis o marijuana ay pinagtibay ng kaniyang komite at committee on Health. Nilinaw naman ni Barbers na eksklusibo lamang ito sa paggamit sa medisina at hindi para sa recreational o pangliwaliw tulad ng mga sakit na insomnia, matinding pagkabalisa, kanser at iba pa pero dapat…
Nananatiling matatag ang labor market sa bansa, na may pinakamababang unemployment rate na naitala sa halos dalawang dekada, matapos muling pinagtibay ng National Economic and Development Authority (NEDA) ang pangako ng Administrasyong Marcos na lumikha ng mas mataas na kalidad na trabaho para sa mga Pilipino. Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), nagtala ang Pilipinas ng 3.1 percent unemployment rate noong December 2023, mas mababa sa 4.3 percent noong December 2022. Ito ay kumakatawan sa year-on-year na pagbaba ng 617,000 unemployed indibidwal. Katulad nito, ang antas ng underemployment ay bumaba sa 11.9 porsiyento noong Disyembre 2023 mula sa 12.6 noong…
Tiniyak ng Office of Civil Defense (OCD) na ipaprayoridad nila ang pagpapabuti ng river basin management at mga paraan upang maiwasan ang malawakang pagbabaha sa ilang lugar sa bansa. Ayon kay OCD Administrator and Undersecretary Ariel Nepomuceno, hindi maikakaila na malaki ang problema ng bansa sa pagbaha kaya kailangan ang suporta mula sa iba’t ibang government agecies, local government units, the private sector, experts at maging ang publiko. Sinabi ni Nepomuceno na kailangan na paigtingin at ipatupad ang mga long-term solutions. Kabilang na dito ang pag-iinspeksiyon at paggawa ng bagong polisiya at plano para sa lahat ng pangunahing river basin…
Nanawagan si Deputy Speaker David “Jayjay” Suarez na tigilan na ng Senado ang imbestigayon sa People’s Initiative matapos lumitaw sa ikalawang hearing nito na wala kahit isang testigo o ebidensya na tuwirang nagsabi na may suhulan o binayaran sa naganap sa pagkuha ng pirma. “Tulad ng unang hearing sa Maynila, lahat ng testigo sa Davao City ay nagsabi na wala rin silang tinanggap na pera kapalit ng kanilang pirma sa People’s Initiative,” ani Suarez. Umapela si Suarez sa Senado na ibaling na ang kanilang pansin sa talakayan at mabilisang pag-apruba ng Resolution on Both Houses na naglalayong amyendahan ang mga…
Pinagtibay ng Supreme Court ang hatol na makulong mula 14 hanggang 20 taon ang isang lalaki makaraang ireklamo at sampahan siya ng kaso ng isang dalagita dahil sa panghahawak sa kaniyang puwit. Sa desisyon ng SC Second Division na pinonente ni Associate Justice Antonio Kho Jr., sinang-ayunan nila ang naunang desisyon ng mababang korte laban sa akusado sa kasong paglabag sa Article III, Section 5(b) ng Republic Act No. 7610 o ang Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act. Ayon sa korte, naging malinaw ang pagsalaysay ng 16-anyos na biktima sa paglilis ng akusado sa kaniyang palda…