Author: News Desk

Napanatili ng super typhoon Egay ang kanyang lakas habang patuloy na nagbabanta sa hilagang kanluran. Sa latest monitoring ng PAGASA, alas-2 ng hapon kahapon, ang sentro ni Egay ay namataan 230 ­kilometro silangan hilagang silangan ng Tuguegarao City, Cagayan o nasa layong 240 km silangan ng Aparri, Cagayan taglay ang lakas ng hangin na umaabot sa 185 kph at pagbugso na aabot sa 230 kph. Dulot nito, nakataas ang public storm Signal No. 5 sa eastern portion ng Babuyan Islands at Signal No. 4 sa northeastern portion ng mainland Cagayan at nalalabing bahagi ng Babuyan Islands. Signal no. 3 sa…

Read More

Isang araw matapos ang State of the Nation Address (SONA), lumipad na si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. patungong Malaysia para sa dalawang araw na state visit. Dahil dito kaya itinalaga ni Marcos si Vice President Sara Duterte bilang caretaker ng bansa. Ito ay habang nasa tatlong araw na state visit si Pangulong Marcos sa Malaysia mula Hulyo 25 hanggang 27. Ayon kay Presidential Communications Office Secretary Cheloy Garafil, pangangasiwaan ni Duterte ang pamamahala sa gobyerno. Inimbitahan ni Malaysian King Sultan Abdullah Sultan Ahmad Shah si Pangulong Marcos na bumisita sa kanilang bansa. Kasama ni Pangulong Marcos na magtutungo sa…

Read More

Maaaring dumirekta sa International Criminal Court (ICC) ang pamilya ng mga biktima ng ‘war on drugs’ para magsumite ng kanilang mga ebidensya makaraan ang pagtanggi ng gobyerno ng Pilipinas na makipagtulungan sa muling pagbubukas ng imbestigasyon, ayon sa isang abogado ng ICC. “This investigation will move forward and ask for evidence,” ayon kay Kristina Conti, ICC assistant to counsel at secretary general ng National Union of Peoples’ Lawyers – National Capital Region. Inaasahan niya na may mga hawak na kopya ng police at SOCO reports ang pamilya ng mga biktima na maaari nilang isumite sa ICC kasama ng kanilang testimonya…

Read More

Aabot sa 5 bilyong tao o higit sa 60% ng populasyon sa mundo ang aktibo nga­yon sa iba’t ibang plataporma ng social media (socmed), ayon sa isang pag-aaral. Sa pagtataya ng digital advisory firm Kepios kaugnay ng pinakahuling quarterly report, tumaas ng 3.7% ang mga users ng social media ngayong taon kumpara noong 2022. Nabatid naman na nasa 5.19 bilyong tao o 64.5% ng world population ang gumagamit ng internet. Sa kabila nito, malaki ang pagkakaiba ng nakakagamit ng naturang teknolohiya base sa kinaroroonang rehiyon sa mundo. Halimbawa, sa central Africa, isa sa 11 tao sa east at central Africa…

Read More

Kinilala ng World Wide Fund for Nature (WFF)-Philippines ang malaking ambag ng Philippine Ports Authority (PPA) sa malinis at walang plastik na mga karagatan sa pamamagitan ng pagpapatupad ng “Clean Port, Clean Oceans Project” sa buong bansa. Walang pagod ang PPA sa pagsisikap at commitment sa pagpapatupad ng mga operasyon na walang plastic sa pamamagitan ng pagpapahusay sa waste management capacity and collection, at zero plastic community sa 130 pantalan nito sa buong bansa. Ayon kay PPA General Manager Jay Santiago, hindi dapat mag-aksaya ng oras sa pag-aambag upang wakasan ang pandaigdigang problema sa polusyon sa plastik. “Here in PPA,…

Read More

Magtutungo sa Malaysia si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at First Lady Louise Araneta-Marcos sa Hulyo 25 o isang araw matapos ang kanyang ikalawang State of the Nation Address. Ayon kay Foreign Affairs spokesman Teresita Daza sa pulong balitaan sa Malakanyang, inimbitahan nina King Sultan Abdullah at Prime Minister Anwar Ibrahim si Pangulong Marcos para sa isang state visit sa Hulyo 25 hanggang 27. Magkakaroon ng audience ang Pangulo sa ika-16 na hari ng Malaysia. Matapos nito ay makikipagpulong ang Pangulo kay Prime Minister Ibrahim para talakayin pa ang pagpapalalim ng relasyon ng dalawang bansa. Kabilang sa mga pag-uusapan ang…

Read More

Tiniyak ng Philippine National Police (PNP) na hindi makakaapekto sa kanilang operasyon ang early retirement ng nasa 1,793 pulis. Sinabi ni PNP Spokesperson PCol. Jean Fajardo na wala pa ito sa isang porsiyento ng kabuuang puwersa ng PNP. Sa katunayan aniya, may mga paraan at hakbang silang ginagawa upang mapunan ang bilang ng mga pulis na mawawala sa kanilang hanay. Ang mga nagbitiw ay naka-20 taon na sa serbisyo at pinili ang maagang pagreretiro upang hindi na mahagip ng panukalang pagbabago sa kanilang pension system. Batay sa record ng PNP Retirement and Benefits Administration Service, nagbitiw sa PNP ang nasabing…

Read More

Dahil sa paglobo ng kaso, pinag-aaralan ngayon ng Philippine National Police (PNP) na isama na sa index crime ang cybercrime. Ayon kay PNP spokesperson PCol. Jean Fajardo, kinokonsidera nila na isama bilang Index Crime ang Cybercrime, kasunod ng mahigit 150 porsyentong pagtaas ng mga kaso sa unang bahagi ng taon kumpara sa nakalipas na taon. Sinabi ni Fajardo na bumuo na ang PNP ng technical working group (TWG) para pag-aralan ang naturang hakbang. Sa kasalukuyan, walong focus crime ang itinuturing na Index Crime, o batayan ng sitwasyon ng krimen sa bansa. Kabilang dito ang theft, rape, physical injury, murder, carnapping…

Read More

Kinalampag ni Senadora Risa Hontiveros ang Department of Public Works ang Highways (DPWH) at hiniling na aksiyunan ang reklamo ng mga environmentalist at business group na kumokontra sa pagtatayo ng P23-billion Samal Island-Davao City Connector (SIDC) Bridge. Ayon kay Hontiveros, tinalakay niya ang isyu sa deliberasyon ng DPWH budget noong 2023 matapos marinig ang reklamo ng mga maaapektuhan ng nasabing proyekto. Aniya, ibahin ng DPWH ang disenyo ng proyekto bukod sa dapat magsagawa rin ng konsultasyon sa iba’t ibang stakeholders. “I asked the DPWH about it during the last budget hearing and they promised to do an environmental impact study.…

Read More

Mas maraming Pilipino na ang lubos na nasisiyahan sa pagganap o performance ng Senado ng Pilipinas sa kasalukuyan. Batay sa non-commissioned Pulso ng Pilipino nationwide survey ng The Issues and Advocacy Center (The CENTER) na isinagawa simula Hunyo 23 hanggang Hunyo 30, nagposte ng positibong grado ang Senado ng Pilipinas kaugnay ng napakahusay na trabaho ng mga senador sa unang taon ng panunungkulan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. Ayon sa survey, nagtala ng +83% satisfaction rating ang Senado dahil sa 90% na nagsasabing lubos silang nasiyahan sa pagganap ng mga senador sa kanilang tungkulin. Malayung-malayo ito sa 7% lamang…

Read More