Author: News Desk

Inamin ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na kumplikado ang sitwasyon kaugnay sa posibleng pagkupkop ng Pilipinas sa mga refugee mula sa Afghanistan kaya pinag-aaralan pa ito ng gobyerno. “Ibang usapan to kasi may halong politika may halong security. So medyo mas kumplikado ito…We’ll look at it very, very well bago gumawa ng desisyon,” pahayag ng Pangulo. Kabilang aniya sa mga ikinokonsidera ang mga isyu na maaaring lumitaw sakaling magpasya ang bansa na tanggapin ang mga Afghan refugee. Sinabi rin ni Marcos na wala naman silang deadline sa pagpapalabas ng desisyon. Patuloy din aniya ang ginagawang konsultasyon sa mga kaibigan…

Read More

Mismong si Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos ang naghayag na bago magtapos ang 2023, tanging ang Northern Samar ang huling bayan na mahahawakan ng New People’s Army dahil patataubin na ito ng Armed Forces of the Philippines(AFP). Ang pahayag ay ginawa ni Marcos sa kanyang pagbisita sa Camp Sumoroy sa Catarman, Northern Samar kasabay ng pagbibigay puri sa 803rd Infantry Brigade (IBde) ng PA sa kanilang pagsisikap na malupig ang mga natitira pang ‘maliit’ na bilang ng NPA sa lugar. Nabatid na ipinagmalaki ng PA ang kanilang ‘deadline’ para sa mga komunistang-teroristang NPA ay hanggang December 2023. Giit ng PA, hindi…

Read More

Nalansag ng mga awtoridad ang isang notoryus na love scam syndicate matapos na maaresto ang nagsisilbing manager nito habang 15 na empleyadong ikinukulong ang nasagip sa rescue ope­ration sa Brgy, Pulong Saging, Silang, Cavite kamakailan, ayon sa opisyal nitong Sabado. Kinilala ang nagsisilbi umanong manager at mastermind ng sindikato na nadakip na si Kenchi Suico, 26-anyos, binata, at residente ng B5 L5, P2 Mahogany Villas, Calamba City, Laguna. Ayon kay PNP Public Information Office (PIO) Chief P/Brig. Gen. Redrico Maranan, nasagip sa pagsalakay ang may 15 empleyado na biktima ng serious illegal detention at grave threats. Ang raid ay isinagawa matapos…

Read More

Nakakuha ng papuri ang isang executive order na nagpapabilis sa pag-iisyu ng permit para sa telecommunications tower infrastructure at nag-aalis ng mga requirements tulad ng Sanggunian resolution. Sa isang pahayag, pinasalamatan ni Rep. Joey Salceda (2nd District, Albay) si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa pagpapalabas ng Executive Order No. 32. Itinutulak din ni Salceda, na chairman ng House Committee on Ways and Means, ang mga pagsususog sa Building Code upang ipag-utos ang paglalagay ng telecommunications facilities sa mga condominium at pangunahing commercial at government establishments. “The expedited tower permitting policy boosted internet speeds between 2020 and 2022 by 140%,…

Read More

Isang lalaki sa Chicago ang sinentensiyahan ng 30 taon pag­kabilanggo dahil sa “soliciting sexually explicit photos” at videos ng mga batang babae mula sa Pilipinas. Si Karl Quilter, 58, ay umamin na nagkasala noong nakaraang taon sa sexual exploitation ng mga bata, ayon sa US Attorney’s Office sa North District ng Illinois. Sa napaulat na pahayag ng US Attorney’s Office, sinentensiyahan si Quilter ng 30 taon ni US District Judge Virginia Kendall. Ayon sa ulat, hinika­yat ni Quilter ang hindi bababa sa siyam na babae sa Pilipinas na gumawa ng mga sekswal na larawan at video at ipadala sa kanya…

Read More

Tumaas ang bilang ng mga naitatalang aktibidad ng Bulkang Mayon sa Bicol sa nakalipas na 24 oras. Sa latest monitoring ng Phivolcs, nagtala ang Mayon ng 39 volcanic earthquakes mula sa dating 5 volcanic earthquakes, 362 rockfall events na dati ay 361 rockfall events at nagluwa ng may 2,132 tonelada ng asupre mula sa dating 1,582 tonelada ng asupre na lumabas sa bulkan. Nagtala rin ang bulkan ng limang pyroclastic density current events. Naging mabagal naman ang pagdaloy ng lava mula sa bunganga ng bulkan na may haba na 2.8 kilometro sa Miisi Gully at 1.4 kilometro sa Bonga Gully…

Read More

Lumampas na sa higit 1 milyong subscribers ang nagsipagrehistro ng kanilang SIM sa mga telco companies. Batay sa July 13, 2023 record ng National Telecommunications Commission (NTC), may kabuuang 103,101,990 SIMs ang nairehistro na o 61.36% ng kabuuang subscribers sa bansa na 168,016,400. Sa data na nakalagay sa website ng NTC, 48.798 million ang nagparehistrong Smart subscribers, 47.025 million Globe at 7.278 million DITO Telecommunity. Matatapos ang SIM registration sa July 25. Oras na hindi naiparehistro ang SIM sa takdang deadline para dito ay kusa itong made-deactivate.

Read More

Pinaalalahanan ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang mga local government units na maaari nilang gamitin ang mga natatanggap nilang pondo mula sa ahensya para sa pangangailangan sa nutrisyon ng kanilang mga nasasakupan kasabay ng paggunita ng bansa ng National Nutrition Month. “We are one with the nation in commemorating National Nutrition Month. I would like to take this occasion to remind our LGUs that they may also use their PCSO shares for their nutrition programs,” ani PCSO Chairman Junie E. Cua. “I hope that these shares will help our LGUs implement their policies for children’s nutrition,” dagdag pa ng…

Read More

Kumpiyansa si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na mabubuwag na ang komunistang grupo sa Northern Samar sa pagtatapos ng 2023. Sa kanyang pagbisita sa Camp Sumoroy sa Ca­tarman, Northern Samar nitong Biyernes, pinuri ni Marcos ang 803rd Infantry Brigade (IBde) ng Philippine Army sa kanilang pagsisikap na mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa lalawigan. Naniniwala ang Pa­ngulo na hindi titigilan ng mga tropa ng gobyerno ang paglansag sa mga komunis­tang rebeldeng grupo. “I just received the briefing on the success rate sa ating pagbuwag, sa ating pag-dismantle ng mga front, pag-weaken ng mga ibang front. And I was also given a…

Read More

Maituturing umano na human rights violation ang climate change kaya panahon na upang kumilos ang mga local government units (LGUs). Ayon kay Dr. Michael Raymond Aragon, senior consultant ng Climate Change Commission (CCC) at founding chairman ng Clean Air Philippines Movement, Inc. (CAPMI), malaking isyu sa mga Guimarasnon kaya naman naging paksa sa isinagawang 1st Climate Change Summit sa Playa de Paraiso Resort sa San Lorenzo, Guimaras. Sinabi ni Aragon na kabilang ang Guimaras sa 24 probinsiya na maituturing na mahirap kaya dapat lamang na pangalagaan laban sa global climate emergency. Anumang masamang epekto ng global climate emergency sa Guimaras…

Read More