Author: News Desk

Mas pinadali na ngayon ng National Housing Authority (NHA) ang pagbabayad sa monthy amortization ng mga benepisyaryo ng pabahay ng pamahalaan. Sinabi ni NHA General Manager Joeben Tai na bukod sa nakaga­wiang pagbabayad ng monthly amortization sa mga tanggapan ng NHA nationwide, maaari na ring magbayad ang mga benepisyaryo ng Pabahay ng NHA nang hindi umaalis sa kanilang mga tahanan sa pamamagitan ng online applications katulad ng Maya, Green Apple, at Link.BizPortal. Una nang lumagda sa kasunduan sina GM Tai at Maya Philippines Inc. Associate Director Marvin C. Santos para dito. Upang makapagbayad sa NHA sa loob lamang ng ilang…

Read More

Walang nakikitang problema si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa pagpayag na ipalabas sa mga sinehan sa Pilipinas ang commercial release na pelikulang “Barbie”. “Maganda raw eh, sabi nila,” sagot ng Pangulo. Ginawa ni Macos ang pahayag matapos naging isyu ang paglalarawan ng isang mapa sa pelikula na nagpapakita ng umano’y pag-aangkin ng teritoryo ng China sa South China Sea sa pamamagitan ng tinatawag na nine-dash line. “Siyempre, ‘yung sinasabi nila ‘yung kasama doon sa ‘yung boundary line na ginawa. Ang sagot ko doon, what do you expect? It’s a work of fiction,” sabi ng Pangulo. Pinangunahan ni Pangulong Marcos nitong…

Read More

Nauubos ang pondo ng gobyerno dahil sa tone-toneladang basura sa Metro Manila matapos gumastos ang Metro Manila Development Authoriy (MMDA) ng P3.336 bilyon noong 2022 para bayaran ang kontraktor sa paghahakot nito. Base ito sa inilabas ng Commission on Audit (COA) na 2022 Financial Statements ng MMDA sa ilalim ng “Environmental/Sanitary Services” account. Ayon sa COA, ang ha­laga ay mataas kumpara sa ginasta na P3.217 bil­yon noong 2021. Nabatid na ang ginasta noong 2018 ay mas mataas ng 83.6 porsiyento kumpara noong nakaraang taon. Ayon pa sa COA, ang pinakamalaking pagtaas ay nangyari noong 2019 hanggang 2020 sa panahon ng…

Read More

Ipatutupad ng Philippine National Police (PNP) ang gun ban sa Metro Manila, Central Luzon, at Calabarzon sa ikalawang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa Hulyo 24. Ayon kay PNP Spokesperson PCol. Jean Fajardo, ang gun ban ay magsisimula ganap na alas-12:01 ng umaga ng Hulyo 24 hanggang alas-12 ng hatinggabi ng Hulyo 25. Tanging ang mga miyembro lamang ng PNP, Armed Forces of the Philippines, at iba pang law enforcement agencies na may official duties at naka-uniporme ang pinapayagang magdala ng baril. Ani Fajardo, ang gun ban ay bahagi ng pagtitiyak ng PNP na…

Read More

Pinagsabihan ng US State Department ang gobyerno ng China na iayon ang kanilang mga ‘maritime claims’ sa umiiral na international laws at itigil ang ginagawang ‘routine harassment’ ng kanilang mga barko sa mga sasak­yang pandagat ng ibang claimant ng mga teritoryo sa West Philippine Sea. Bukod sa pagsunod sa 1982 Law of the Sea Convention, sinabi ni US Department of State Spokesperson Matthew Miller na dapat itigil ng Beijing ang pagpigil sa eksplorasyon, konserbasyon, at pamamahala ng ibang nasyon sa likas na yaman sa karagatan at wakasan ang kanilang pakikialam sa kalayaan sa paglalayag at paglipad. Sinabi pa niya na…

Read More

Pinuri ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang inisyatiba ng gobyerno ng France na magbukas ng direct flights mula Maynila patungong Paris at palakasin ang scholarship programs para sa mga Filipino. Ipinaabot ni Marcos ang kanyang pasasalamat kay outgoing French Ambassador to the Philippines HE Michèle Boccoz matapos ipaalam ang planong magbukas ng direktang flights at palakasin ang mga programa sa scholarship. Sa kanyang farewell call sa Palasyo ng Malacañang, sinabi ni Boccoz na pinahahalagahan ng gobyerno ng France ang hospitality ng mga Pilipino. Magtatapos si Boccoz sa kanyang diplomatikong misyon sa Pilipinas ngayong buwan. Naglingkod siya bilang Ambassador ng France…

Read More

Patuloy na isinusulong ni Ako Bicol Rep. at House Committee on Appropriations Chairman Congressman Elizaldy Co ang pagkakaroon ng solar water system upang makatulong na punan ang pangangailangan sa suplay ng tubig sa bansa laluna sa Metro Manila sa panahon ng El Niño. Sinabi ni Congressman Co na sa ilalim ng pamunuan ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez ay nagsasagawa ang Kongreso ng proactive measures upang solusyunan ang nararanasang kakulangan sa suplay ng tubig sa pamamagitan ng paglalaan ng solar water systems para sa upland areas upang maka-access sa pagkakaloob ng serbis­yo at punan ang panga­ngailangan sa lugar. Ang hakbang ay…

Read More

Nais ni Senador Risa Hontiveros na ideklara ang Hulyo 12 ng kada taon bilang National West Philippine Sea victory Day. Ito ay bilang pag-alala umano sa tagumpay ng Permanent Court of Arbitration (PCA) sa Hague, Netherlands noong 2016. Paliwanag ni Hontiveros, ang pag-alala sa naturang tagumpay noong 2016 ay makakatulong para humina ang pag-aangkin ng China sa pinag-aagawang teritoryo. Paulit-ulit umano ang kasinungalingan at propaganda ng China kaya hindi dapat tumitigil ang Pilipinas sa pagsisiwalat ng katotohanan at dapat itong umpisahan sa pagpapatibay ng kaalaman ng mga Filipino sa karapatan natin sa West Philippine Sea (WPS). Noong nakaraang linggo ay…

Read More

Nagpatupad ng ikalawang yugto ng Bill Deposit Refund para sa kanilang “eligible consumer” ang More Electric and Power Corporation (More Power), ang electricity provider sa Iloilo City para sa kanilang mga consumers na hindi pumalya at nagbabayad ng kanilang electric bill sa tamang oras sa loob ng 36 buwan o 3 taon. Noong Mayo ay una nang nagbalik ng Bill Deposit ang More Power, sa buwan ng Hunyo ay nasa 20 consumers ang nakakatanggap, sa buwan ng Hulyo ay 65 consumer ang mabibiyan ng bill deposit refund at hanggang sa pagtatapos ng taon ay inaasahan na nasa 777 customers ang…

Read More

Nakapagtala ng 511 rockfall events sa bulkang Mayon sa Albay, sa nakalipas na 24-oras. Sa 8:00 am bulletin na inilabas ng Phivolcs, nagkaroon din ng 38 pyroclastic density current (PDC) events at tatlong volcanic earthquakes mula 5:00 am ng Lunes hanggang 5:00 am ng Martes. May namataan din umanong manipis na ashfall sa ilang lugar ng Brgy. Mabinit, Legazpi City; Brgy. Budiao at Brgy. Salvacion, Daraga at Camalig, Albay. Nagkaroon din ng mabagal na pagdaloy ng lava na may habang 2.8 km sa Mi-isi Gully at 1.4 km sa Bonga gully at pagguho ng lava sa Basud Gully na hanggang…

Read More