Author: News Desk

Diniskuwalipika ng Commission on Elections (Comelec) si Aurora Vice Governor Gerardo “Jerry” Noveras dahil sa paggamit umano ng tarpaulin printer na pag-aari ng pamahalaang panlalawigan para sa kaniyang kampanya noong 2022. “Wherefore, premises considered, the Commission (First Division) hereby resolves to grant the instant petition. Respondent Gerardo “Jerry” Noveras is disqualified,” ayon sa resolution na inakda ni Comelec First Division Presiding Officer Socorro Inting na sinuportahan nila Commissioners Aimee Ferolino at Ernesto Ferdinand Maceda Jr. Nakagawa umano si Noveras ng “grave violation” sa Section 261(d)1) ng Omnibus Elections Code base sa mga ebidensyang inihain sa komisyon. Nagbuhat ang kaso sa…

Read More

Malapit na sa critical level ang tubig sa Magat Dam dahil sa kawalan ng ulan at tubig na dumadaloy sa mala­laking ilog mula sa Nueva Vizcaya at Ifugao. Sinabi ni Engineer Gileu Michael Dimoloy, department manager ng National Irrigation Administration-Magat Ri­ver Integrated Irrigation System (NIA-MARIIS), ang antas ng tubig mula sa reservoir ng dam ay bumaba sa 163.60 metro dakong alas-5 ng umaga kahapon, o mas mababa sa 164.29 metro nitong Hulyo 29. Dahil dito, nagsagawa ng rotational irrigation ang nasabing tanggapan para makatipid sa tubig kasabay ng panawagan sa mga magsasaka na gamitin ng maayos ang kanilang mga patubig…

Read More

Posible umanong abutin pa ng tatlo hanggang limang taon bago maibalik ng Department of Education (DepEd) ang lumang school calendar. Ayon kay DepEd spokesperson at Undersecretary Michael Poa, ang naturang timeline ay base sa kasalukuyang pag-aaral na isinasagawa ng ahensiya. Aniya, inaantabayanan pa rin nila ang pinal na ebalwasyon ng grupo hinggil dito. Mayroon rin aniyang dalawang aspeto ang tinitingnan nila sa ngayon. Ang una aniya ay kung babalik ba dahil napakainit sa mga silid-aralan kung summer season. Ang ikalawa naman ay kung sakaling magdesisyon na ngang bumalik sa lumang kalendaryo ay hindi naman ito kaya ngayong taon. Una nang…

Read More

Tuluyan nang naging low pressure area ang kumpol ng kaulapan sa silangang bahagi ng bansa sa loob ng Philippine area of responsibility. Namataan ang naturang LPA sa layong 575 kilometro silangan ng Virac, Catanduanes, ayon sa PAGASA bandang 3 p.m. ngayong Martes. Dulot ng trough ng LPA at Intertropical Convergence Zone, posible ang maulap na panahon sa mga sumusunod na lugar: Bicol Region Northern Samar Eastern Samar Samar hilagang bahagi ng Palawan (kasama ang Calamian, Cuyo at Kalayaan Islands) Western Visayas Zamboanga Peninsula “Para naman dito sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng ating bansa ay asahan natin ang maaliwalas…

Read More

Simula na bukas (July 12) mararanasan ng mga customer ng Maynilad Water ang water interruption dahil sa patuloy na pagbaba ng level ng tubig sa Angat Dam sa Bulacan. Ang ilang lugar ng Caloocan City, Malabon City, Manila, Valenzuela City, Navotas City at ­Quezon City ang maaapektuhan ng water interruption na simulang ipapatupad mula alas-7 ng gabi hanggang alas-4 ng umaga at sa ibang lokalidad ay mula alas-6 ng umaga. Naka-post sa Facebook page ng Maynilad ang itatagal ng pagkawala ng suplay ng tubig sa bawat lugar. Niliwanag ng ­Maynilad na ang ugat nito ay dulot sa pagbaba ng raw water…

Read More

Isang drug suspect ang inaresto ng mga pulis matapos na mahulihan ng may 200 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng mahigit P1.3 milyon sa isinagawang buy-bust operation sa Quezon City, kamakalawa ng gabi. Kinilala ni Quezon City Police District (QCPD) Director BGen. Nicolas Torre III ang naarestong suspek na si Ruben Madarang, 40, ng Project 8, Bahay Toro, Quezon City. Nabatid na ito na ang ikatlong pagkakataon na si Madarang ay inaresto sa kasong may kinalamang sa illegal drug activity, ngunit todo-tanggi ito sa akusasyon laban sa kanya. Batay sa ulat ng QCPD, si Madarang ay inaresto ng mga…

Read More

Magpapatupad ngayong Martes ang price adjustment sa mga produktong petrolyo. Ayon sa Pilipinas Shell Petroleum Corp. at Seaoil Philippines Corp. aabutin ng P0.20 kada litro ang ibababa sa kada litro ng gasolina, habang tataas naman ang presyo ng diesel ng P0.75 kada litro at P0.50 sa kada litro sa kerosene. Ang price adjustment ay dahil sa output cut ng Kingdom of Saudi Arabia. Ayon sa Cleanfuel ganito rin ang ipatutupad nilang price adjustment maliban sa kerosene. Alas-6 ng umaga ngayong Martes ipatutupad ang price adjustment ng naturang mga oil companies habang ang Cleanfuel naman ay alas-4 ng hapon. Wala namang…

Read More

Pagkontrol sa inflation ang nag-iisang national concern na “urgent” para sa karamihan ng Pinoy ayon sa Pulse Asia — ito ngayong pinakamabilis sa buong Southeast Asia ang pagsirit ng presyo ng mga bilihin sa Pilipinas. Ito ang ibinahagi ng survey firm ngayong Martes sa kalalabas lang nilang June 2023 Ulat ng Bayan survey pagdating sa “urgent national concerns” at performance rating ng gobyerno ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. “For 63% of the country’s adult population, controlling the increase in the prices of basic commodities is an issue that the national administration must address immediately,” wika ng Pulse Asia sa isang…

Read More

Magpapatupad ang Manila Electric Company (Meralco) ng P0.7213 kada kilowatt hour (kWh) na tapyas sa singil sa kuryente ngayong Hulyo. Dahil sa bawas-singil, ang overall electricity rate ng isang typical household ay aabot na lamang sa P11.1899/kWh mula sa P11.9112/kWh noong nakaraang buwan. Ayon sa Meralco, ang bawas sa singil ay dulot ng pagbaba ng presyo ng kuryente mula sa mga suppliers o generation charge, gayundin ng charges ng Wholesale Electricity Spot Market (WESM), power supply agreements (PSAs) at mga independent power producers (IPPs) at ma­ging sa transmission at other charges, kabilang na ang taxes at subsidies na nakapagtala rin…

Read More

Maaaring bumisita sa Maynila si South Korean President Yoon Suk Yeol ngayong taon o sa unang bahagi ng susunod na taon, ayon sa bagong South Korean Ambassador to the Philippines na si Lee Sang-Hwa. Ayon sa Malacañang, ipinarating kahapon kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng bagong ambassador ang posibleng pagbisita ng SoKor President. Nakatakdang magdiwang ang Pilipinas at South Korea ng ika-75 anibersaryo ng kanilang diplomatikong relasyon sa susunod na taon. Sinabi rin ni Lee sa Pangulo na ang South Korean National Assembly Speaker Kin Jin-Pyo at ang South Korean Foreign Minister ay bibisita sa bansa ngayong taon upang higit…

Read More