Subscribe to Updates
Get the latest creative news from FooBar about art, design and business.
- VP Sara: Halos 200 personnel, posibleng mawalan ng trabaho sa tapyas sa 2025 budget
- Durian ng Pinas planong dalhin sa New Zealand
- PhilHealth inalis na ‘single confinement policy’
- Senator Imee kumalas sa admin senatorial ticket
- Alice Guo ‘spy’ ng China, iimbestigahan ng DILG-PNP
- 24 ex-PNP chiefs iniimbestigahan na – Marbil
- Ex-PNP chief ‘tumulong’ sa pagtakas ni Alice Guo
- P1.3 bilyong tinapyas ng Kamara sa pondo ni VP Sara
Author: News Desk
Nanawagan si Senate Minority Leader Koko Pimentel kay Pangulong Bongbong Marcos na isama sa kanyang ikalawang State of the Nation Address (SONA) at iprayoridad ang long-term measures sa kakulangan sa suplay ng tubig at nagbabadyang banta na dulot ng El Niño. Giit ni Pimentel sa Pangulo, huwag puro Maharlika lang ang banggitin nito sa kanyang nalalapit na SONA sa July 24. Binigyang diin pa ng senador ang agarang pangangailangan na matugunan ang krisis sa tubig at maibsan ang epekto ng El Niño sa bansa partikular ang agricultural productivity ng mga magsasaka na siyang pinakatatamaan ng El Niño. Tinukoy pa ni…
Sa pagbaba ng bilang ng mga miyembro ng New People’s Army (NPA), itinuturing ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na lupaypay at wala ng pangil ang mga ito. Sa virtual press conference ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC), sinabi ni AFP Spokesman Medel Aguilar na tagumpay ang pamahalaan na sugpuin ang communist insurgency. Mula 24,000, bumaba sa bilang na 1,800 ang mga miyembro ng NPA na nagsisilbing armed wing ng Communist Party of the Philippines (CPP) at National Democratic Front (NDF). Sa 1,800, nasa 400 ang target ng military operations at nahaharap ngayon sa…
Na-flagged ng Commission on Audit (COA) ang Philippine Coast Guard (PCG) dahil sa pagbili ng bullet proof Sports Utility Vehicle (SUV) na nagkakahalaga ng P7.8-M noong 2022. Sa audit report ng COA, nabatid na bumili ang PCG ng isang unit ng Toyota Land Cruiser Prado 4.0 V6 Gas sa halagang P4,999,000 na may add-on cost na P2.8-M para sa bullet proofing. Ang pondo na ginamit ay mula sa fuel rebates ng PCG sa Petron Corporation. Bukod dito ay bumili pa ng karagdagang 31 brand new na Isuzu Mux LS-A 4×2 sa halagang P58.9-M mula rin sa naturang fuel rebates. Sinabi…
Kalaboso ang may 14 na mangingisda at crew ng dalawang bangka makaraan silang maaktuhan sa karagatan habang ilegal umanong nangingisda sa karagatang sakop ng Brgy. Sapang 1, bayan ng Ternate, kahapon. Pawang nahaharap sa mga kasong paglabag sa Municipal Ordinance Ne 2 S-2011 (Illegal Fishing) ang mga suspek na sina Crispin Jarilla, 50 anyos, owner ng F/B Nalie at nagsisilbi ring boat captain; mga crew na sina Gorgonio Cano, 69; Alek Flores, 53; Danilo Adilyn, 46; Michael Irag, 42; Emarwin Potes, 32; John Carl Irag, 32; pawang taga-Brgy. Amaya VII, Tanza, Cavite. Kasama pa sa mga dinakip sina Marcelino Fernando, 32, isa ring boat captain; Ariel Centeno, 32; Renaldo Tamani,…
Nakatakdang i-regulate na ng lokal na pamahalaan ng Maynila ang pamasahe ng mga pampasaherong “tri-wheels” sa inaasahang pagpasa ng ordinansa para sa standard na halaga ng pamasahe ng mga ito. Sa ikalawang pagbasa nitong Hulyo 4 ng c8391 ni 1st District Councilor Jesus Fajardo, Jr., Chairman ng Committee on Transportation, nadiskubre na walang standard na halaga ng pamasahe ang mga bumibiyaheng tri-wheels sa lungsod. Posibleng dahilan ito ng maraming reklamo ng mga pasahero dahil sa paiba-ibang halaga ng pasahe na sinisingil ng mga tsuper sa kanila. Bago ito, nagkaroon na ng apat na pagdinig sa isyu na dinaluhan ng Manila…
Dahil sa tip ng concerned citizen Tip ng isang concerned citizen ang naging dahilan sa pagkaaresto ng tatlong drug suspects at pagkakumpiska ng may P1.7 milyong halaga ng shabu sa isang buy-bust operation na isinagawa sa tapat ng isang paaralan sa Quezon City kamakalawa. Sa ulat ni Quezon City Police District (QCPD) Director PBGEN Nicolas Torre III, nakilala ang mga suspek na sina Alejandro Lapore, 52; Rosalinda Lapore, 50; at isang 16-anyos na dalagita, pawang residente ng Brgy. Santa Ana, Taytay, Rizal. Sa ulat ng Anonas Police Station (PS 9), na pinamumunuan ni PLt. Col. Morgan Aguilar, nabatid na dakong…
Nasa 60.75% na ang rehistradong SIM cards sa bansa, sa ilalim ng SIM Registration Act. Sa datos ng National Telecommunications Commission (NTC), mula Disyembre 27, 2022 hanggang Hulyo 6, 2023, nasa 102,062,372 na ang nairehistrong SIM cards o 60.75% ng kabuuang 168,016,400 SIM na naipagbili sa bansa. Pinakamaraming nairehistro ang Smart na nasa 48,255,741 na o 72.78% ng kanilang kabuuang 66,304,761 subscribers. Sumunod ang Globe, 46,655,389 o 53.78% ng kanilang kabuuang 86,746,672 subscribers. Nasa 7,151,242 naman o 47.79% ng kanilang total subscribers na nasa 14,964,967 ang nairehistro na ng DITO Telecommunity. Muling pinaalalahanan ng NTC at ng Department of Information…
Patuloy na isasagawa ng Pilipinas sa buong mundo ang agresyon ng China sa West Philippine Sea at mga paglabag nito sa mga batas sa karagatan sa kabila ng patuloy na pagkaagrabyado sa mga mas malalaking barko ng naturang bansa na nagbabantay sa karagatan. Sinabi ni PCG Commodore Jay Tarriela, tagapagsalita ng Task Force on the West Philippine Sea, na ito lang ang paraan para malaman ng internasyunal na komunidad ang mga pambu-bully ng China partikular na sa mga mas maliliit na bansa tulad ng Pilipinas. “It is a tool to make sure Chinese aggressive behavior and bullying activities will be…
Tiniyak ng National Economic and Development Authority (NEDA) na may ginagawa ng mga hakbang ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para maibsan ang negatibong epekto ng El Niño sa bansa. Ayon kay NEDA Usec. Rosemarie Edillon, ngayong taon ay hindi inaasahang magiging matindi ang epekto ng dry-spell o tagtuyot sa inflation o pagmahal ng mga bilihin lalo na ang pagkain. “Hindi kami nakakakita ng malaking negative impact nito sa inflation or sa economy,” ani Edillon. Subalit dahil tinayang mas mararamdaman ito sa unang bahagi ng 2024, ngayon pa lamang ay nagsisimula na umano ang mga preparasyon. Tinukoy ni Edillon…
Paiigtingin ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine Coast Guard (PCG) ang pagpapatrulya sa Iroquois Reef sa West Philippine Sea (WPS) makaraang mamataan ang nasa 48 Chinese vessels na palibut-libot sa lugar. Ayon kay PCG spokesperson for the West Philippine Sea (WPS) Commodore Jay Tarriel, ipakakalat nila ang 97-meter at 44-meter coast guard vessels upang tuluyang mataboy ang Chinese vessels sa teritoryo ng bansa. Nabatid na ang Iroquois Reef ay may layong 128 nautical miles mula sa Palawan at sakop ng exclusive economic zone ng Pilipinas. “Currently, based on our last monitoring report, the Chinese maritime militia’s based…