Author: News Desk

Hinikayat ni Senador Imee Marcos ang Department of National Defense (DND) at Department of Foreign Affairs (DFA) na paigtingin pa ang pagmo-monitor sa presensya US military planes sa mga paliparan sa bansa at kung pinalalala ito ang tensyonadong sitwasyon sa China Sea at Taiwan Strait. Bukod dito, sinabi pa ni Marcos na dapat din timbangin ng DND at DFA ang panganib na dulot ng paglapag ng mga US aircraft sa kaligtasan ng publiko. Kasabay nito, muling kinuwestyon ng Senador ang panibagong presensya ng ilan pang C-17 Globemaster ng U.S Air Force sa Maynila na lumapag dakong alas-6:03 ng umaga noong…

Read More

Posibleng sa dulo ng taon pa magsimulang bumaba ang presyo ng bigas sa merkado. Ayon kay Samahang Industriya ng Magsasaka Chairman Rosendo So, posibleng sa Nobyembre o Disyembre pa mag-umpisa bumaba ang presyo ng bigas. “Ngayon mataas ang presyo ng palay kasi wala tayong harvest. Nagtatanim pa ang mga magsasaka natin,” ani So. Sa ngayon, pumapalo pa rin sa P40 kada kilo ang presyo ng pinakamurang presyo ng bigas sa ilang pamilihan sa Metro Manila, gaya ng Kamuning Public Market sa Quezon City. Simula sa Lunes, Hulyo 10, magbebenta naman ang non-government organization na Philippine Rice Industry Stakeholders Movement ng…

Read More

Nanawagan kahapon si National Irrigation Administration (NIA) Administrator Eduardo Guillen sa publiko na huwag magsayang ng bigas. Kasunod ito ng posibilidad na magkaroon ng kakulangan ng suplay ng bigas dulot ng El Niño pheno­menon. Panawagan ni Guillen, kung hindi kayang ubusin ang isang order o isang tasa ng kanin ay kalahating tasa na lamang ang orderin. Dagdag pa ni Guillen, dapat ding magsagawa ang mga local government units (LGUs) ng mga kaukulang paghahanda upang ma-mi­nimize ang impact ng tagtuyot sa kani-kanilang lugar. Nanawagan din siya ng pagkakaisa at bayanihan upang maiwasan ang matinding impact ng El Niño.

Read More

Nakapagtala pa ang Phivolcs ng 26 volcanic earthquakes at 303 rockfall events sa bulkang Mayon nitong nakalipas na 24 oras. Sa inilabas na 5:00 AM bulletin ng Phivolcs kahapon, nabatid na mayroon din silang namonitor na tatlong dome-collapse pyroclastic density current (PDC) at isang lava front collapse PDC event. Anang Phivolcs, nananatili pa rin ang Mayon sa Alert Level 3 dahil sa intensified unrest o magmatic unrest nito. Patuloy pa rin itong nagkakaroon ng napakabagal na pagdaloy ng lava mula sa crater na aabot sa 2.8 kilometro sa Mi-isi Gully at 1.3 km sa Bonga Gully. Nagkaroon rin umano ng…

Read More

Bunsod ng banta sa pagkakaroon ng krisis sa suplay ng tubig dala nang patuloy na pagbaba sa kritikal na lebel ng Angat Dam, nanawagan si Valenzuela City 2nd Dist. Rep. Eric Martinez sa publiko, mga kinauukulang ahensiya ng gobyerno at iba pang stakeholders na agad na kumilos, bigyang prayoridad ang paghanda at maglatag ng pangmatagalang solusyon sa nabanggit na suliranin. Pagbibigay-diin ni Martinez, ang nakababahalang low water lebel na ito ng nabanggit na dam, na siyang pinagkukunan ng 90% para sa pangangailangan ng water supply ng Metro Manila, ay dapat magsilbing wake-up call at marapat lamang na magkaroon ng long-term…

Read More

Muling kinilala ng Anti-Red Tape Authority (ARTA) ang pamahalaang lungsod ng Parañaque bilang isa sa mga top performing local government units sa bansa sa pagpapatupad ng electronic business one-stop shop nito. Sa pagdiriwang ng ikalimang anibersaryo ng ARTA, ang Parañaque at pitong iba pang lungsod ay kabilang sa mga unang awardees ng Accelerating Reforms for Improved Service Efficiency (ARISE) Awards. Ang ARISE Awards ay isang overarching award para sa lahat ng national government agencies at local government units (LGUs), na kinikilala ang kanilang mga pagsisikap sa pagtupad sa direktiba ni Pangulong Marcos na mapabuti ang bureaucratic efficiency sa bansa. Sa…

Read More

Pinangunahan ni Hope Creating President (HCP) Daisy Calara Valdez ang mga opisyales at miyembro ng Rotary Club of Malate (RCMP) sa pagdo-donate ng dugo sa ginanap ng bloodletting project ng RCMP kahapon. Ang bloodletting project ng RCMP mula sa kooperasyon ng Dugong Alay, Dugtong Buhay Foundation ay sinimulan dakong alas-10 ng umaga sa MBC lobby, sa Star City, CCP Complex, Pasay City. Ito ay bahagi ng ika-84 anibersaryo ng radio DZRH na katuwang sa naturang proyekto. Ang padre de pamilya ni HCP Daisy na si FG Capt. Albino Valdez Jr., at RCMP Past President Jimmie Ocampo ang nag-donate ng kanilang…

Read More

Walang alam ang mas nakararaming Pinoy tungkol sa usapin sa Maharlika Investment Fund sa bansa, base sa latest survey ng Social Weather Station (SWS). Lumabas na 80 percent ang wala o halos walang alam habang 20% ang nagsabing may konti silang nalalaman tungkol sa Maharlika Wealth Fund. Sa mga nagsabi na may sapat silang kaalaman, 5% ang sumagot na malawak ang kanilang kaalaman at 15% ang sinabi na sakto lang ang kanilang nalalaman. May 51% rin ang nagsabi na konti o walang magi­ging pakinabang sa Pilipinas ang pondo habang 46% ang nagsabing may magiging pakinabang ang MIF. May 31% naman…

Read More

Bumaba sa 4.3 percent ang Jobless Pinoy sa bansa noong Mayo 2023. Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), ito na ang ikalawang pinaka- mababang rate na naitala sa bansa mula noong April 2005. Ito rin ay mas mababa sa 4.5 percent jobless rate noong April ngayong tao. Ang 4.3 percent jobless rate nitong nagdaang Mayo ay may kabuuang bilang na 2.17 milyong Pinoy na walang trabaho o mas mababa naman sa 2.26 milyon na walang trabaho noong Abril at mababa rin sa 2.93 milyon noong May 2022. Ayon pa sa PSA, buma­ba rin ang underemployment rate ng 11.7 percent noong…

Read More

Nasa mahigit 50 Chinese vessels ang namataan ng militar sa bisinidad ng Iroquois Reef at Sabina Shoal sa West Philippine Sea (WPS) sa isinagawang air patrol ng mga awtoridad. Ang naturang air patrol ay ikinasa noong Hunyo 30 ng Western Command (WesCom) ng AFP at sinabing nasa 48 Chinese fishing vessels ang namataan malapit sa Iroquois Reef na nasa timog ng Recto Bank sa WPS. Ayon kay Lieutenant Karla Andres, co-pilot ng light patrol aircraft ng Philippine Navy, nakita ang mga barkong pangisda “anchored in groups of five to seven and no fishing activities were noticed.” “They seem to just…

Read More