Subscribe to Updates
Get the latest creative news from FooBar about art, design and business.
- VP Sara: Halos 200 personnel, posibleng mawalan ng trabaho sa tapyas sa 2025 budget
- Durian ng Pinas planong dalhin sa New Zealand
- PhilHealth inalis na ‘single confinement policy’
- Senator Imee kumalas sa admin senatorial ticket
- Alice Guo ‘spy’ ng China, iimbestigahan ng DILG-PNP
- 24 ex-PNP chiefs iniimbestigahan na – Marbil
- Ex-PNP chief ‘tumulong’ sa pagtakas ni Alice Guo
- P1.3 bilyong tinapyas ng Kamara sa pondo ni VP Sara
Author: News Desk
Tatamaan ang nasa 66 na lugar sa bansa ang maaaring makaranas ng dry condition, dry spell at tagtuyot hanggang sa katapusan ng taon dahil sa El Niño. Sa advisory ng Department of Agriculture–Disaster Risk Reduction and Management Section (DA-DRRMC), 28 lugar sa bansa ang maaaring makaranas ng dry condition — tatlo sa Luzon, lima sa Visayas at 20 sa Mindanao. Samantala, nagbabadya ang dry spell sa 36 na lugar — 32 sa Luzon at apat sa Visayas. Maaaring makaranas ng tagtuyot ang mga lalawigan ng Camarines Norte at Southern Leyte. Ang dry spell ay tinukoy bilang tatlong magkakasunod na buwan…
Nawalan ang gobyerno ng mahigit P369.1 milyon noong 2022 dahil sa mga depekto sa mga proyekto ng Department of Public Works and Highways (DPWH). Pinuna ng COA na ang 653 proyekto ay base sa audit report ng Commission on Audit (COA), 653 infrastructure projects ng ahensiya na pinondohan ng mahigit sa P20.7 bilyon ang nakitaan ng napakaraming depekto, diperensiya at mga items sa trabaho na hindi naisakatuparan at nai-deliver alinsunod sa ‘terms of specifications’ ng kontrata. Tinukoy ng COA ang 34 asphalt projects na pinaglaanan ng P953.7 milyon at inimplementa ng Lanao del Norte 1st District Engineering Office (DEO) sa…
Nilagdaan na ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang Republic Act 11953, Biyernes, bagay na magpapagaan sa buhay ng mga agrarian reform beneficiaries na nagkautang dulot ng Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP) na hindi libre. Ang batas ay kikilalanin bilang New Agrarian Emancipation Act (NAEA), bagay na tinawag ng presidente ngayong Biyernes bilang katarungan para sa mga magbubukid. “The law condones all unpaid amortizations, including interests and surcharges, for awarded lands,” banggit ni Bongbong. “The government will also assume the obligation of our Agrarian Reform Beneficiaries for the payment of just compensation to landowners under the Voluntary Land Transfer or…
Kahit nararanasan ng bansa ang epekto ng El Niño Phenomenon, mayroon pa ring nagbabadyang 10 hanggang 14 bagyo na inaasahang papasok sa bansa sa loob ng natitirang buwan ngayong 2023. Ayon kay PAGASA Assistant Weather Services Chief Analisa Solis, ang ilan sa papasok na bagyo ay posibleng mag-landfall habang ang iba ay daraan lamang ng Philippine area of responsibility (PAR) pero paiigtingin nito ang habagat. Sa kabuuan ay hanggang 17 bagyo ang tatama sa bansa ngayong taon. Sinabi ni Solis na titindi ang epekto ng El Niño sa pagitan ng December 2023 hanggang February 2024 pero dahil sa habagat na umiiral tuwing Hulyo, Agosto at Setyembre ay maaaring magkaroon ng mga pag-ulan at makatulong…
Lalo pang nabawasan ang water level sa Angat dam sa Bulacan na malapit nang umabot sa minimum operating level nito. Sa update ng Hydrometeorology Division ng PAGASA, kahapon ng alas-6 ng umaga ay bumaba pa sa 180.89 meters ang water level sa Angat matapos itong mabawasan ng 33 cms. Wala nang isang metro ang agwat nito sa minimum operating level ng dam na 180 meters. Ayon kay PAGASA Senior Hydrologist Oyie Pagulayan, oras na umabot sa 180 meters ang lebel ng tubig sa Angat ay maaaring bawasan na ng National Water Resources Board (NWRB) ang alokasyon ng tubig na ibibigay sa mga…
Balik-trabaho na sa Department of Justice (DOJ) si Secretary Jesus Crispin Remulla matapos sumailalim sa operasyon sa puso kaya lumiban muna siya sa trabaho ng 10-araw. Sa pagharap niya sa media kahapon, inamin niya na layon ng kaniyang 10-araw na ‘wellness leave’ ang sumailalim sa ‘bypass surgery’ makaraang makitaan ng bara ang kaniyang puso sa kaniyang ‘physical examination’. Tumagal umano ng pitong oras ang operasyon sa kaniya nitong Hunyo 27 para matanggal ang bara na maaaring maging dahilan ng atake. Ipinagpasalamat ng kalihim na maagang nakita ang bara at sinabing suwerte na rin siya dahil sa kabila nito ay hindi…
Binabantayan ngayon ng Bureau of Immigration (BI) ang pagsulpot ng bagong sindikato na nagbebenta sa online ng pekeng Philippine visa sa mga dayuhan na nais pumasok ng bansa. Sinabi ni Immigration Commissioner Norman Tansingco na base sa ulat na natanggap nila, iniaalok ng mga ahente sa online ang entry visas sa mga dayuhan ng P20,000. Nagpapanggap umano ang mga scammer na mga tauhan ng BI at gumagamit pa ng logo ng ahensya, habang isa sa kanila ang nagpanggap na tauhan ng Philippine Consulate sa Australia. “The scammers sent an order instructing the applicant to pay via money transfer. That…
Inanunsiyo ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) na mahigit 50,000 Pilipino ang nakinabang sa mahigit P350 milyon na tulong medikal na kanilang ipinaabot para sa ikalawang quarter ng taong ito. “Nais po naming ibalita na umabot sa 53,646 ang mga kababayang natulungan natin sa pamamagitan ng Medical Access Program (MAP). Nasa P354,149,017.33 po ang katumbas na halaga nito,” ani PCSO Chairman Junie E. Cua. Ang mga numero, na naka-post sa PCSO website at social media account, ay mula Abril 3 hanggang Hunyo 23. Binanggit ni Cua ang patuloy na tungkulin ng ahensya sa pagtulong sa mga pamilyang Pilipino na mabayaran…
Nakaramdam ng ilang pagyugyog ang ilang bahagi ng Luzon matapos tumama ang isang magnitude 4.8 na lindol malapit sa probinsya ng Zambales, ayon sa pinakahuling taya ng Phivolcs. Bandang 3:16 p.m., Huwebes, nang maitala ng state seismologists ang epicenter ng earthquake 26 kilometro timogkankanluran ng munisipalidad ng Palauig. https://twitter.com/phivolcs_dost/status/1676854589130444800?s=20 Naramdaman naman ang Intensity III (weak) sa Quezon City kasunod ng lindol. Dama rin ang intrumental intensity III sa Botolan, Iba, Cabangan at San Marcelino sa Zambales. Wala pa namang inaasahang pinsala at aftershocks o serye ng mas maliliit na mga lindol kaugnay ng pagyanig sa ngayon. Hindi pa rin naglalabas ang Phivolcs…
Gumanda man nang bahagya ang estado ng mga pamilyang Pilipino matapos ang mga pandemic lockdown, marami pa rin ang nagplaplanong maghigpit ng sinturon para tugunan ang mga batayang pangangailangan sa bilis ng pagtaas ng mga presyo. Ito ang napag-alaman ng Synergy sa pakikipagtulungan ng YouGov matapos nilang i-survey ang 3,479 Pilipinong edad 18-anyos pataas sa buong Pilipinas mula ika-29 ng Marso hanggang ika-5 ng Abril. “[T]he study showed that 36% of Filipinos reported difficulties in ‘meeting their financial needs based on their monthly earnings alone,'” wika ng Synergy sa isang pahayag na inilabas nitong Huwebes. “While this marks an improvement from…