Subscribe to Updates
Get the latest creative news from FooBar about art, design and business.
- VP Sara: Halos 200 personnel, posibleng mawalan ng trabaho sa tapyas sa 2025 budget
- Durian ng Pinas planong dalhin sa New Zealand
- PhilHealth inalis na ‘single confinement policy’
- Senator Imee kumalas sa admin senatorial ticket
- Alice Guo ‘spy’ ng China, iimbestigahan ng DILG-PNP
- 24 ex-PNP chiefs iniimbestigahan na – Marbil
- Ex-PNP chief ‘tumulong’ sa pagtakas ni Alice Guo
- P1.3 bilyong tinapyas ng Kamara sa pondo ni VP Sara
Author: News Desk
Sa kabila ng mga pagbatikos sa ginawang promotional video, pananatilihin pa rin ng Department of Tourism (DOT) ang bagong slogan na ‘Love the Philippines’. Kinumpirma ito kahapon ni Tourism Secretary Christina Frasco sa isang ambush interview sa 2022 Philippine Tourism Satellite Accounts and Tourism Statistics Dissemination Forum, nang tanungin kung patuloy na gagamitin ng DOT ang tourism slogan na inilunsad lamang noong noong Hunyo 27. “I think that is evident,” maikling sagot niya sa press. Paulit-ulit ding binanggit ni Frasco ang ‘’Love the Philippines’’ sa kanyang talumpati, at ipinakita rin ang slogan logo sa entablado ng kaganapan. Ang DDB Philippines,…
Walang ibinigay na deadline si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa isasagawang imbestigasyon laban sa cartel na nagmamanipula ng presyo ng mga agricultural products kabilang ang sibuyas dahil ayaw niya itong maging “hilaw.” Sinabi ng Pangulo na nananatiling kalihim ng Department of Agriculture, na ayaw niyang magbigay ng deadline sa imbestigasyon bagaman at nais niyang matapos ito agad. “Unang-una, hindi ako mahilig magbigay ng deadline. Siyempre gusto ko tapusin nila kaagad pero kailangan tapos hindi hilaw. So, let them do their investigation,” ani Marcos. Maliwanag naman aniya ang basehan ng imbestigasyon na nagkaroon ng hoarding at kinontrol ang suplay ng…
Bumaba ang headline inflation sa ikalimang magkakasunod na buwan sa 5.4% noong Hunyo 2023 mula sa 6.1% noong Mayo sa ilalim ng pamahalaan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. Noong Hunyo ng nakaraang taon, pumalo ang inflation sa 6.1%. Ang June inflation rate ay nasa loob ng 5.3-6.1% forecast range ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) at napirmi sa ibaba ng median na pagtatantya na 5.5% ng mga pribadong analyst. “The sustained deceleration of inflation in June – the lowest in 13 months – suggests that the government’s efforts to tackle inflation are working. This indicates that we are on…
Binira ng Philippine Coast Guard (PCG) ang mas pinaigting na umano’y pangha-harass ng mas malalaking barko ng Chinese Coast Guard (CCG) katuwang ang barko ng People’s Liberation Army sa may Ayungin Shoal. “It appears that the CCGVs are exerting additional effort to prevent the PCG from reaching Ayungin Shoal,” ayon kay CG Commodore Jay Tarriela, spokesperon ng PCG sa WPS issues. Kaugnay ito sa pag-escort ng dalawang barko ng PCG sa isang bangka na maghahatid ng suplay sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal nitong Hunyo 30. Ngunit inireklamo ng PCG ang aksyon ng CCG nang maging agresibo ang mga…
Pagkakalooban ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng ID cards ang mga street dwellers at isasailalim sa biometric registration sa ilalim ng “Oplan Pag-Abot” program ng ahensiya upang mapangalagaan ang kalagayan ng mga ito sa araw-araw. Sinabi ni DSWD Secretary Rex Gatchalian na ang mga naninirahan sa mga lansangan ay dapat nilang malaman ang kalagayan upang matiyak na may naihahatid na tulong ang ahensiya para sa mga ito. Ang mga ito anya ay wala ring mga government-issued IDs kaya nahihirapang maka-access sa mga naipagkakaloob na benepisyo ng pamahalaan kaya’t iisyuhan ang mga ito ng ID cards. Nilinaw naman…
Mahigit 27,000 barangay sa bansa ang idineklarang drug-free sa ilalim ng panunungkulan ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. Ayon kay PNP-Public Information Office Chief PBGen. Red Maranan, indikasyon lamang ito na nagwagi ang pamahalaan sa laban nito kontra sa ilegal na droga. Umabot sa 27,206 barangay ang nalinis ng PNP mula sa ilegal na droga mula July 2022 hanggang April 2023. Dahil dito 8,332 na lang ang natitirang drug-affected barangay mula sa 42,027 barangay sa bansa. Sa loob ng naturang siyam na buwan, nakapagsagawa ang PNP ng 32,225 anti-illegal drugs operations, narekober ang P21.72-B halaga ng ilegal na droga naaresto ang…
Hindi na ma-access sa video sharing platform na TikTok ang account ng “Appointed Son of God” at Kingdom of Jesus Christ Church leader na si pastor Apollo Quiboloy, ito ilang araw matapos maligwak sa YouTube dahil sa paglabag sa community guidelines. Ito ang ibinahagi ng Twitter user na si @DuterteWatchdog matapos niyang ireklamo sa TikTok ang spiritual adviser ni dating Pangulong Rodrigo Duterte — na siyang wanted ngayon ng US Federal Bureau of Investigation (FBI) dahil sa “sex trafficking ng mga bata.” “It seems that TikTok has taken down Pastor Apollo Quiboloy’s account after I have tipped them with the…
Sa ika-limang sunod na buwan, muling bumagal sa pagtaas ang presyo ng bilihin primarya dulot ng heavily-weighted food at hindi nakalalasing na inumin. “The Philippines’ headline inflation or overall inflation continued to move at a slower pace of 5.4 percent in June 2023 from 6.1 percent in May 2023,” wika ng Philippine Statistics Authority ngayong Miyerkules. “This is the fifth consecutive month of deceleration in the headline inflation and the lowest in the past 13 months.” Mas kalmado rin ang inflation rate na ito kumpara noong isang taon sa 6.1% (Hunyo 2022), bagay na malayong-malayo na mula sa 8.7% noong…
Makakaranas ng mas pinagandang customer service policy ang mga pasahero ng Cebu Pacific sa susunod na buwan makaraang mapagpasyahan ng pangasiwaan ng naturang airline company na tanggalin na ang expiration date sa kanilang travel fund at palawigin pa ang bisa ng travel vouchers ng 18 buwan. Inianunsyo ni Cebu Pacific president and chief commercial officer Alexander Lao sa panayam sa radio na magmula Agosto 1, 2023, wala ng expiration date ang travel fund na siyang ibinibigay ng kumpanya bilang credit kapalit ng mga abala sa pasahero sanhi ng mga flight delays at cancelled flights. Maaring magamit ang travel fund ng…
Ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang pagsisiyasat sa pagpupuslit ng sibuyas at iba pang produktong pang-agrikultura, na ayon sa kanya ay katumbas ng economic sabotage. Sa isang pahayag, sinabi ni Marcos na iniutos na niya sa Department of Justice at National Bureau of Investigation na simulan ang imbestigasyon sa hoarding, smuggling at price fixing ng mga agricultural commodities. “Nagbigay lang ako ng mga tagubilin sa DOJ at NBI na simulan ang imbetigasyon sa hoarding, smuggling (at) price fixing ng mga agricultural commodities. And this is stemming from the hearing that we’ve held in the House, specifically by Congresswoman…