Author: News Desk

Inaasahan na ipag-uutos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa lalong madaling panahon ang pagtanggal sa COVID-19 public health emergency, ayon sa Department of Health. Bagaman at hindi pa tiyak kung kailan pormal na ipag-uutos ni Marcos ang pagtanggal sa COVID public health emergency, ipinaliwanag ni Health Secretary Ted Herbosa sa press briefing sa Malacañang na parang naka-lift na rin ito at optional na lamang ang pagsusuot ng face mask. “Wala pang formal order. We’re still waiting for a formal order. De facto naman tayo di ba? Nagpunta ako sa mall, wala nang nagma-mask…Yeah, I think he is (ipag-uutos),” ani Herbosa.…

Read More

Pormal nang nagsimula ang El Niño phenomenon sa bansa. Ito ang idineklara sa ginanap na briefing ng PAGASA kahapon at nagsabing naitaas na nila ang antas ng warning status mula El Niño Alert na ngayon ay El Niño Advisory. Ayon sa PAGASA, mahina pa ang kasalukuyang El Niño pero nagpapakita na ng mga senyales na titindi ito sa mga darating na buwan. “Isipin niyo po na ‘yung El Niño ay galing sa Pacific pero ‘yung hangin na dumarating, ‘yun ‘yung nararamdaman natin, na kulang ang dalang tubig,” pahayag ni DOST chief Renato Solidum Jr. Ang El Niño phenomenon o panahon…

Read More

Binigyan ng ultimatum ng kampo ng mga biktima ng umano’y human trafficking sa sinalakay na POGO sa Las Piñas nitong Hunyo 26 ang pamunuan ng Philippine National Police ( PNP). Nabatid na nagpadala ng bagong demand letter si Atty. Ananias Christian Vargas, kinatawan ng Xinchuang Network Technologies Inc., na nag-uutos sa mga pulis na lisanin ang nasabing premises sa loob ng 24 oras. Nais din ni Vargas na ibalik ang nasa 124 safety deposit boxes o vaults na kinumpiska at sinira umano ng mga pulis, kasama na ang pagbabayad sa mga pinsala na idinulot nito. Lumilitaw na hindi naman sakop…

Read More

Kinastigo ng Supreme Court (SC) ang mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) at ang prosecutors dahil sa umano’y sablay na paghawak ng ebidensya at paglilitis laban sa limang Chinese nationals at isang Pilipino na itinuturong miyembro ng isang sindikato ng iligal na droga at nahulihan ng P1 bilyong halaga ng shabu sa Valenzuela City. Sa SC en banc decision na pinonente ni Chief Justice Alexander Gesmundo nitong Pebrero 21 at isinapubliko nitong Hunyo 30, binaligtad ang desisyon na pagkakulong laban kina Robert Uy, Fil-Chinese at James Go, alyas Willie Gan, isang Chinese national, dahil sa teknikalidad sa ebidensya ng…

Read More

Mayon Volcano has become even more active due to recorded activities in the past 24 hours. In a report by the Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), Mayon recorded 17 dome-collapse pyroclastic density current events in the past overnight. The volcano also recorded 65 volcanic earthquakes and 254 rockfall events. Lava spewing from the crater of the volcano was also observed where except for Miisi Gully and Bonga Gully in the south quadrant, it also flowed to Basud Gully in the north and northwest part of Mayon which immediately reached a distance of more than 3 to 4 kilometers…

Read More

Halos 15 milyon na mga Pilipino ang nanganganib umanong magkaroon ng oral diseases at posibleng mauwi sa oral cancer dahil sa patuloy na paninigarilyo, ayon sa health advocate group. Sinabi ng grupong Health Justice Philippines, sa pagbanggit sa 2021 Global Adult Tobacco Survey, sa Pilipinas ay nasa 19.5% o 15.1 milyon ang tobacco users na edad 15 pataas kung saan 14.4 milyon sa kanila ang naninigarilyo ng mga produktong tabako. Bilang karagdagan, sinabi ng grupo, 3.9% lamang ng mga kasalukuyang naninigarilyo ang ganap na huminto sa bisyo habang 63.7% ay nagpaplano pa rin na huminto. “Quit smoking and using all…

Read More

Tiniyak ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa sambayanang Pilipino na nagsisikap ang kanyang administrasyon upang walang maiwang gutom at ang lahat ng mga mamamayan ay magkaroon ng magandang buhay. Sa kanyang pagsasalita sa ika-56 anibersaryo ng pagkakatatag ng lalawigan ng Davao del Sur, sinabi ni Pangulong Marcos na ang simpleng pagbibigay ng pinakamahusay na serbisyo sa mamamayang Pilipino ay paraan niya ng pagpapaabot ng kanyang pasasalamat. Isa sa mga programa ng gobyerno para maibsan ang gutom at kahirapan sa mga pamilyang kabilang sa pinakamababang kita ay ang “food stamp” program ng Department of Social Welfare and Development (DSWD). Sa…

Read More

Umaabot sa 105 caregivers at nurses ang ipinadala ng Department of Migrant Workers sa Japan sa ilalim ng Japan-Philippines Economic Partnership Agreement ng dalawang bansa. Layunin ng naturang kasunduan na paigtingin ang trade at investment opportunities ng Pilipinas at Japan. Ayon kay Migrant Workers Undersecretary for Licensing and Adjudication Services Bernard Olalia, ang Pre-Employment and Government Placement Bureau ang nangasiwa sa pagpapadala sa 105 mga caregiver at nurses. Batay sa datos, simula 2009 hanggang 2023 mahigit 3,000 Filipino caregivers at nurses na ang naipadala ng Pilipinas sa Japan sa ilalim ng naturang kasunduan. Inaasahan namang kikita ng P100,000 kada buwan…

Read More

Mahigit 75,000 Pinoy na ang huminto sa paninigarilyo nang ilunsad ng PMFTC, Inc. ang IQOS, nangungunang heated tobacco product sa loob lamang ng tatlong taon. Noong Hunyo, 2020 nang ipakilala sa publiko ng PMFTC, local affiliate ng Philip Morris International Inc. ang IQOS sa Kalakhang Maynila at ngayon ay laganap na ito. Batay sa ulat, nasa 75,000 Filipino adult smokers na ang gumagamit ng IQOS at 18.5 million smokers mula sa 70 countries ang bumitiw sa sigarilyo at gumamit na lamang ng mas mainam na alternatibong produkto gaya ng paggamit ng IQOS. Ang IQOS devices ay ginagamitan ng HeatControl Technology…

Read More

Kabuuang 257,805 voter registrations ang inalis ng Commission on Elections (Comelec) sa listahan nito bago ang October 2023 Barangay at Sangguniang Elections (BSKE). Kasama sa bilang ang 167,223 pagkakakilanlan ng dalawa o higit pang mga fingerprint ng mga botante batay sa Automated Fingerprint Identification System, 84,335 na mga botante na lumipat na sa ibang lungsod o munisipalidad, 83 botante ay nabigong bumoto ng dalawang beses sa dalawang sumunod na regular na halalan, 2,620 ang iniulat o nakumpirma ng mga local civil registrar na namatay na at 3,544 ang napag-alamang may doble at maramihang mga rekord sa lungsod/munisipyo. Ayon sa Comelec,…

Read More