Subscribe to Updates
Get the latest creative news from FooBar about art, design and business.
- VP Sara: Halos 200 personnel, posibleng mawalan ng trabaho sa tapyas sa 2025 budget
- Durian ng Pinas planong dalhin sa New Zealand
- PhilHealth inalis na ‘single confinement policy’
- Senator Imee kumalas sa admin senatorial ticket
- Alice Guo ‘spy’ ng China, iimbestigahan ng DILG-PNP
- 24 ex-PNP chiefs iniimbestigahan na – Marbil
- Ex-PNP chief ‘tumulong’ sa pagtakas ni Alice Guo
- P1.3 bilyong tinapyas ng Kamara sa pondo ni VP Sara
Author: News Desk
Inatasan ni DSWD Secretary Rex Gatchalian ang Disaster Response Management Group (DRMG) na tiyakin ang agarang pagdating ng mga suplay na family-food packs (FFPs) sa mga DSWD warehouse sa Bicol Region. Partikular na inutos ni Gatchalian kay DRMG Asst. Secretary Marlon Alagao na tiyaking matatapos ang pamamahagi ng rasyon ng family food packs sa lahat ng mga apektadong LGUs bago sumapit ang July 2. Nakalaan ang second wave ng FFPs ng DSWD sa mga apektado ng pag-a-alboroto ng bulkan Mayon mula July 2-17. Kasunod nito, pinatitiyak rin kay Alagao na madaragdagan ng suplay ng relief goods ang warehouse ng DSWD…
Umaapela sa publiko ang isang kompanya na mag-ingat sa mga nagpapakilalang Board of Directors at opisyal na umano’y konektado sa kanila gamit ang mga pekeng dokumento. Sa isang public Advisory, sinabi ng kompanyang Xinguang Realty Corporation na may office address sa No. 338 Latina St., Pulang Lupa Dos, Las Piñas City na hindi konektado sa kanila sina Nanie Wang, Zhaoyao Su, Lily Tan Chi, Junxiong Chen, Vergel Aguilar I, Mary Ann Surio Macabidang at Wesley Uy Tan. Ayon kay Jimmy Lim, isa sa mga opisyal ng kompanya, nagawa umanong palitan ng mga nabanggit na indibidwal ang Certificate of Incorporators na…
Inaasahan na napanatili ang pagbagal ngayong Hunyo ng inflation rate sa bansa base sa inisyal na pagtantiya ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP). Sa pahayag ng BSP, maaaring mamalagi ang inflation rate sa pagitan ng 5.3% hanggang 6.1% sa katatapos na buwan. Ang pagbaba ng inflation na dulot ng pagbaba sa presyo ng karne, prutas, at liquefied petroleum gas (LPG), sa kabila naman ng pagtaas sa presyo ng bigas, gulay at isda na sinabayan pa ng pagtaas sa singil ng kuryente. Nitong Mayo, bumagal ang inflation sa 6.1% dahil sa paghinto ng pagtaas sa presyo ng fuel, transportasyon, at mga…
Nilinaw ng Department of Agriculture (DA na wala itong ibinibigay na subsidiya sa grupo ng mga magsasaka sa Nueva Ecija na nagbebenta ng murang bigas sa Kadiwa stalls. Ayon kay DA Asec. Kristine Evangelista, ang P25 kada kilo na bentahan ng bigas ay presyo mismo ng mga magsasaka na nagdadala ng bigas sa Kadiwa center dahil sa mas mataas na yield ng mga magsasaka at mas mababang production costs. Una na ring sinabi ni Jimmy Vistar ng Unigrow na inisyatibo nila ang pag-aalok ng murang bigas para magkaroon ng opsyon ang mga mahihirap sa abot kayang bilihin. Kaugnay nito, sinabi…
Guilty! Ito ang ibinabang hatol nitong Biyernes ng Sandiganbayan laban kay dating Puerto Princesa City Mayor Edward Hagedorn na pinatawan ng 2-7 taong pagkakakulong sa kasong malversation ng public property kaugnay ng kabiguang isoli ang 14 piraso ng armalite rifles na inisyu sa pamahalaang lungsod noong 2013. Bukod sa hatol na pagkakakulong ay diskuwalipikado rin si Hagedorn na humawak ng anumang posisyon sa gobyerno at tatanggalin din dito ang benepisyo sa kaniyang pagreretiro sa serbisyo sa ilalim ng batas. Kasabay nito, inatasan din ng anti-graft court si Hagedorn na magbayad ng P490,000 danyos at ibalik sa Bureau of Treasury ang…
Binigyan ng bagsak na grado ng Rice watchdog group na Bantay Bigas si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. bilang kalihim ng Department of Agriculture. Ayon kay Bantay Bigas Spokesperson Cathy Estavillo, ‘failing grade of 5’ to ‘passing score of 7.5’ ang grado kay Pangulong Marcos. “We are giving him a failing mark of five. He did not do anything to address the food crisis. The government was totally dependent on importation to address the shortage in the local production, particularly onions, sugar, meat, fish and rice,” pahayag ni Estavillo. Isang taon na si Pangulong Marcos sa tungkulin nitong Hunyo 30.…
Hinikayat ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines Episcopal Commission on Health Care ang mga Pilipino na patuloy na magsuot ng face mask kahit pababa na ang mga kaso ng COVID-19 upang makaiwas rin na makakuha ng iba pang sakit na naipapasa ng tao. “Ang mask naman natin, it can be a barrier. Hindi lang naman COVID ang iiwasan mo kaya ka nagsusuot nito. Pwede itong proteksyon mula sa usok, pati sa ibang sakit tulad ng tuberculosis. So, kung makikita mo, marami rin talaga siyang benefits,” ayon kay CBCP-ECHC Executive Secretary Camillian Father Dan Cancino. “Kasi baka isipin na magma-mask…
Nakakulong na ang isang aktibong pulis at isa pang kasamahan nito matapos arestuhin ng mga tauhan ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) dahil sa pagbebenta ng mga hindi lisensyadong baril sa Batangas kamakailan. Ang dalawang suspek ay kinilala ng pulisya na sina Police Senior Master Sergeant Carlito Chavez Escorsa, Jr., nakatalaga sa Sto. Tomas Police Station sa Batangas, at Ramil Funtanar Esperanzate, dating security guard. Nahaharap na sa kasong paglabag sa Republic Act 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act) ang dalawang suspek matapos madakip sa buy-bust operation sa Barangay San Antonio, Sto. Tomas, Batangas nitong Hunyo 28 ng…
Itinalaga ni Pope Francis nitong Huwebes, Hunyo 29, si Bishop Moises Cuevas bilang bagong obispo ng Calapan sa Oriental Mindoro. Ayon sa CBCP, ang bagong obispo ng Apostolic Vicariate of Calapan na si Bishop Cuevas, 49, ang nananatiling pinakabatang Catholic prelate sa bansa. “Born in Batangas City, he was ordained a priest for the Zamboanga archdiocese in 2000. The pope appointed him as its auxiliary bishop in March 2020,” anang CBCP. Si Bishop Cuevas ang auxiliary bishop ng Archdiocese of Zamboanga. Kasalukuyan umanong naglilingkod ang obispo bilang apostolic administrator ng archdiocese, habang hinihintay ang pagluklok ng bagong arsobispo nito na si Julius Tonel…
Kulang ang ₱40 na dagdag-suweldo ng mga manggagawa sa pribadong sektor sa Metro Manila. Ito ang iginiit ng Federation of Free Workers (FFW) at sinabing hindi sapat ang naturang dagdag para sa tumataas na gastos ng pamumuhay sa rehiyon. Sinabi naman ng Partido Manggagawa (PM), masyadong mababa ang naturang umento kumpara sa hiling ng ilang grupo ng manggagawa noong Disyembre na mula ₱100 hanggang ₱1,140 na pagtaas sa arawang kita ng mga ito. “To illustrate categorically, the ₱40 increase can only buy a kilo of a regular-milled rice or pretend it can for 2 kilos of that imaginary P20/kg promised by the President. The…