Author: News Desk

Mag-aalok ng 40% diskwento ang Starbucks Philippines sa ilang “qualified customers” ngayong Miyerkules matapos mabatikos sa paglilimita ng pribilehiyong nakukuha ng mga senior citizen at may kapansanan. Ito ang ibinahagi ng dambuhalang kumpanya ng kape matapos masita ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez sa paglilimita ng 20% discount para sa mga 60-anyos pataas at persons with disabilities — kahit obligado ito ng batas. “On January 24, government discounts will double to 40% OFF [with 12% value added tax exemption] on all food and beverages as a special treat for the following customers,” wika ng Starbucks Philippines sa isang paskil nitong Martes. Kabilang sa…

Read More

Hindi bababa sa 27 barko ang ipinadala ng China sa West Philippine Sea (WPS) na isang “major maritime militia rotation”, ayon sa isang maritime security expert. Ipinadala ang nasa 27 barko ilang araw matapos magkasundo ang Pilipinas at China na bawasan ang tensyon sa rehiyon sa pamamagitan ng diplomasya. Napaulat na sinabi ni retired United States Air Force Col. Raymond Po­well na ang kaganapan ay isang rotation ng mga militia ships. “I think it’s a rotation so other [Chinese] militia ships who’ve been on station for a while will head home once they’re had a little overlap,” ani Powell sa…

Read More

Pag-aaralan muna ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang hiling ni Health Secretary Ted Herbosa na suspindihin ang 5 porsiyentong contribution adjustment sa mga miyembro ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth). Sinabi ni Presidential Communications Office (PCO) Secretary Cheloy Garafil, na binubusisi pa ng husto ni Pangulong Marcos ang naturang panukala. “The President is studying the request,” ayon pa kay Garafil. Nauna nang sinabi ni Herbosa na nagpadala na siya ng recommendation letter kay Pangulong Marcos kung saan dapat ay simulan ang increase sa kontribusyon sa 2 hanggang 3 porsyento lamang. Paliwanag ng kalihim, kawawa ang mga miyembro kung agad na…

Read More

Pinag-iingat ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa pagbibigay ng pahayag tungkol sa foreign policy ng bansa. Ito ay makaraang batikusin ng China ang ginawang pagbati ni Marcos sa nahalal na pangulo ng Taiwan na si Lai Ching. Ayon kay Pimentel, dahil may pinasok tayo na One China Policy, dapat na patuloy natin itong sundin at kilalanin. “Yes mag-ingat. Also because we (PH) chose to adhere to the one China policy. That’s our own decision hence our actions must match our official positions,” ani Pimentel. Sarili aniyang desisyon ng gobyerno ng Pilipinas ang sumunod…

Read More

Karamihan sa mga Pilipino ay hindi pabor na payagan ang Philippine Offshore Gaming Operators o mga POGO na manatili at mag-operate sa bansa. Sa pinakahuling survey ng Pulse Asia Research Inc., na isinagawa mula Disyembre 3-7, 2023 na may 1,200 respondents, 85% ng mga na-survey ay hindi pabor sa POGO operations sa bansa. Batay sa survey, 82% sa National Capital Region, 88% sa Balance Luzon, 93% sa Visayas, at 75% sa Mindanao ay hindi pabor sa POGO operations. Pagda­ting sa class, 87% ng nasa ABC class, 85% sa D class, at 84% sa E class ay tutol sa operasyon ng…

Read More

Nasungkit ng Pilipinas ang ikatlong puwesto sa mga bansang itinuturing na pinakaligtas sa buong Southeast Asia, ayon sa resulta ng Global Law and Order Report 2023 ng Ameri­can analytics firm na Gallup. Nabatid na nakakuha ang Pilipinas ng law and order index score na 86. Nanguna naman sa survey ang Vietnam na may score na 92 at pangalawa ang Indonesia, 90. Batay sa pag-aaral, tinanong ang mga respondent hinggil sa kumpiyansa nila sa local police force at pakiramdam kung ligtas habang naglalakad nang mag-isa sa gabi. Pagdating naman sa buong mundo, nakapasok ang Pilipinas sa ika-33 bansa na may mataas…

Read More

Pinalakas ng Marcos administration ang laban sa internal security threats kaya’t ito ay naging matagumpay na nagresulta sa pagkapilay ng New People’s Army (NPA). Pinuri ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.sa kanyang social media accounts, ang mga law enfor­cers sa pagganap sa kanilang mga papel at tungkulin sa pagsisikap ng gobyerno para kontrahin ang internal security threats. Anya,“as of December 2023”, na neutralized ng gob­yerno ang 1,399 miyembro ng komunista at local terrorist groups na kung saan ay nasamsam ng gobyerno ang 1,751 firearms. Kaya’t sinabi ni Pangulong Marcos na hindi ititigil ng pamahalaan ang anti-insurgency campaign nito. Pinuri rin ng…

Read More

Patuloy na nag-o-o­perate sa Pilipinas ang mga sindikato na nagpro-prodyus at nagsasabwatan sa pagpapalabas ng mga pekeng “travel documents” na ginagamit ng mga dayuhan at Pilipino na may transaksyon sa Bureau of Immigration (BI). Inihayag ni Bureau of Immigration (BI) Commissioner Norman Tansingco na base sa ulat sa kaniya ng Anti-Fraud Section, nasa kabuuang 241 pekeng dokumento ang kanilang naeksamin nitong nakalipas na 2023. Kabilang sa mga ito ang mga pekeng birth at marriage certificates na gamit sa aplikasyon para sa visa, pasaporte, visas, at immigration stamps na gamit naman para sa internasyunal na biyahe. Ikinalungkot ni Tan-singco ang pama-mayagpag…

Read More

Nakikipag-ugnayan na ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa embahada ng Iran para sa agarang pagpapalaya sa 18 Filipino crewmen na sakay ng isang American tanker na St. Nicolas na kinumpiska ng Iran sa Gulf of Oman. Sinabi ni Foreign Affairs Undersecretary for Migrant Workers Affairs Eduardo De Vega na wala namang indikasyon na sinaktan o minaltrato ang mga Pinoy na sakay ng barko, subalit sa ngayon ay wala pa rin silang natatanggap na official report mula sa embahada sa Tehran kung ano ang tunay na kalagayan ng mga Pinoy doon. Iba umano ang sitwasyon ngayon dahil ang tunay na…

Read More

Nagpaabot ng pakikiramay ang gobyerno ng Pilipinas sa sinapit ng Filipino-American couple na sina Ryan at Jennifer Ambrosio matapos salpukin ng isang truck na tumatakas mula sa kapulisan sa Michigan. Ayon sa GMA News, hinahabol aniya ng Michigan Police ang diumano’y nakaw na pickup truck na minamaneho aniya ng isang Angel Melendez-Ortiz nang banggain ang SUV na sinasakyan ng mga Ambrosio. “The Commission on Filipinos Overseas would like to convey its deepest sympathy and sincerest condolences to the bereaved family and loved ones of Ryan and Jennifer Ambrosio, a Filipino couple from Michigan, USA who perished in a fatal head-on collision…

Read More