Author: News Desk

Kinondena ni Quezon City Mayor Maria Josefina Tanya “Joy” Belmonte ang pananambang kay Remate online photojournalist Joshua Abiad at sa mga kaanak nito sa Barangay Masambong nitong Huwebes ng hapon. “On behalf of the entire Quezon City Local Government Unit, the Quezon City Police Department, and all peace-loving QCitizens, I would like to express my outrage and condemnation of the shooting incident that happened in Barangay Masambong,” pahayag ng alkalde. “Although we are greatly relieved that the victim, photo-journalist Joshua Abad, has now been declared out of danger, this has not diminished our determination to bring his cowardly attackers to justice,” sabi…

Read More

Nagbuga ng 2.23 kilometrong lava ang Bulkang Mayon sa nakaraang 24 oras, ayon sa pahayag ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs). Sinabi ng Phivolcs, ang naturang lava flow ay umabot sa Mi-isi Gully. Tinabunan naman ng 1.3 kilometrong lava ang Bonga Gully. Naitala rin ang dalawang pagyanig, 284 rockfall events at pitong dome-collapse pyroclastic density current (PDC) events mula Huwebes ng madaling araw hanggang Hunyo 30 ng madaling araw. Nasa 2,500 metrong taas ng usok ang pinakawalan ng bulkan at ito ay tinangay ng hangin pa-hilaga-hilagang silangan. Naobserbahan pa rin ang ground deformation o pamamaga ng bulkan. Mahigpit…

Read More

Viral ngayon sa social media ang isang video na nagpapakitang pinosasan ang komedyanteng si Awra Briguela sa isang bar sa Makati nitong Huwebes, Hunyo 29, matapos ang isang kaguluhan. Makikita sa video ang pagresponde ng Makati City police sa kaguluhan sa labas ng Bolthole Bar in Poblacion, Makati City, at maging ang pagposas kay Awra, 19. Sa ulat ng ABS-CBN News, ayon umano sa inisyal na imbestigasyon ng Makati PNP, iginiit ng lalaking nakaalitan ni Awra na sinabihan siya ng grupo nitong alisin ang kaniyang damit pang itaas. Kuwento pa umano ng lalaki, tumanggi siya sa nais ng grupo ni Awra saka…

Read More

Nagpadala si Vice President Sara Duterte ng saku-sakong bigas sa Victoria, Oriental Mindoro nitong Martes upang matulungan ang libu-libo residente. Nasa 155 pamilya ang binigyan ng tig-isang sakong bigas ng Office of the Vice President (OVP) sa pamamagitan ng Disaster Operations Center nito. Sa kanyang social media post, ipinaliwanag ni Duterte na tinugunan lamang niya ang natanggap na liham ng isang lider ng tribung Mangyan nang bumisita ito sa Naujan, Oriental Mindoro kamakailan. Bukod dito, humiling din ng pabahay at maliit na negosyo ang tribo. Nakikipagtulungan pa ang Office of the Vice President (OVP) sa mga local government unit (LGU), Department of…

Read More

Muling nanawagan ang isang obispo ng Simbahang Katolika upang mabigyan ng clemency at mapalaya si Mary Jane Veloso, ang Pinay na nasa death row sa Indonesia matapos na masangkot sa drug trafficking. Ikinatwiran ni Balanga Bishop Ruperto Santos, vice chairman ng Episcopal Commission for the Pastoral Care of Migrants and Itinerant People ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP), matagal na ang naging pagdurusa ni Veloso sa bilangguan. Umapela rin ang obispo sa mamamayan na manalangin upang kaawaan ng Indonesian government si Veloso. “Let us pray hard that, in the name of mercy, the Indonesian government would grant clemency…

Read More

Sapat pa ang suplay ng bigas ng bansa sa pagpasok ng ikatlong bahagi ng taon, ayon sa pahayag ng Department of Agriculture (DA). Pinagbatayan ni DA Undersecretary Leo Sebastian, ang Masagana Rice Industry Program (MRIP) ng ahensya at ang masaganang ani nitong Enero at ang panahon ng pagtatanim ngayong buwan na inaasahang magpapaangat sa produksyon ng bansa. Binanggit din ng opisyal ang datos ng Philippine Rice Research Institute (PhilRice)-Philippine Rice Information System (PRISM) kung saan tinatayang aabot sa 8.605 milyong metriko tonelada ang palay production ngayong taon, katumbas ng 5.6 milyong metriko toneladang bigas. Magsisilbi aniya itong dagdag sa carry-over stock…

Read More

Dinisbar na ng Supreme Court ang kontrobersyal na abogado na si Larry Gadon kaugnay sa kanyang video sa social media kung saan pinagmumura nito ang mamamahayag na si Raissa Robles noong Disyembre 2021. Gayunman, tiniyak ni Gadon na hindi makaaapekto sa kanyang trabaho bilang Presidential Adviser for Poverty Alleviation ang naturang hakbang ng Korte Suprema. “I will just approach this issue (as) a personal concern, file a motion for reconsideration and proceed in facing the challenges of the job and aim to serve the public in my best capability,” banggit ni Gadon. “Anyway, I have a new mandate now. I am…

Read More

Pormal na inanunsyo ng Malacañang na ang araw ng Hunyo 28 ngayong 2023 ay isang pambansang holiday alinsunod sa pagdiriwang ng “Eid’l Adha” o Sakripisyong Alay (Feast of Sacrifice). Para sa kaalaman, may dalawang pinakamahalagang pagdiriwang ang mga Muslim sa loob ng isang taon. Una ang “Eid ul Fitr” bilang pagtatapos ng banal na buwan ng Ramadan at pangalawa naman ay ang “Eid’l Adha” kung saan para sa banal na araw ng pagsasakripisyo at pag-aalay ng kakataying hayop na magmumula sa tulad ng kambing, tupa, baka o kamelyo. Ang “Eid’l Adha” o pagdiriwang ng “Sakripisyong Alay,” ay ang panahon kung…

Read More

Mula sa “It’s more fun in the Philippines,” inilunsad ng Department of Tourism (DOT) ang bagong tourism slogan ng bansa na “Love the Philippines” nitong Martes, Hunyo 27. Ang paglulunsad ng “Love the Philippines” campaign ang nagsilbing highlight ng naging pagdiriwang ng ika-50 anibersaryo ng DOT sa Manila Hotel na dinaluhan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., kasama ang iba pang opisyal ng pamahalaan. Sa kaniyang pahayag, inilarawan ni Tourism Secretary Christina Frasco ang bagong tourism slogan na “Love the Philippines” tourism slogan bilang isang innovative brand enhancement na naglalayon umanong mapagkaisa ang mga Pilipino sa pagtataguyod at pagpapakita ng…

Read More

Dalawang sinaunang bomba na ginamit pa umano noong World War II ang aksidenteng nahukay ng mga awtoridad sa compound ng National Museum of the Philippines sa Maynila nitong Lunes, Hunyo 26, ayon sa Manila Police District (MPD). Ayon sa MPD-District Explosive and Canine Unit (MPD-DECU), nakatanggap ito ng tawag mula sa isang security officer ng National Museum Complex bandang 6:00 ng gabi nitong Lunes, na humihiling ng tulong hinggil sa explosive ordinance disposal (EOD). Agad namang nakipag-ugnayan ang mga rumespondeng opisyal ng MPD sa security team ng National Museum at sa backhoe operator ng 401 Construction and Development Corporation para…

Read More