Author: News Desk

Pinangunahan mismo nina Manila Mayor Honey Lacuna at Sta. Ana Hospital (SAH) Director Dr. Grace Padilla ang inagurasyon ng isang state-of the art na blood bank na magkakaloob ng libreng dugo para sa mga indigent na pasyente sa Maynila, na mangangailangan nito. Ayon kay Lacuna, na isa ring doktor, ang naturang bagong blood bank ay matatagpuan sa isang dalawang palapag na gusali sa grounds ng SAH. Ito aniya ang tugon sa pang-araw-araw na problema ng lungsod kung saan kukuhanin ang dugo para sa mahihirap na pasyente, na sumailalim sa operasyon o delivery, gayundin yaong may mga kondisyong nangangailangan ng dugo,…

Read More

Nagbabala ang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) sa publiko hinggil sa mga nagbebenta ng pekeng national certificates (NCs) at sinabing hindi “for sale” ang naturang dokumento. Ang naturang babala ng TESDA ay matapos maiulat kamakailan ang pag-aresto sa isang lalaki sa Cotabato City na nagbebenta ng mga pekeng NC at driver’s license. Sa isang pahayag, ipinaliwanag ni newly appointed TESDA Director General, Secretary Suharto Mangudadatu, na ibinibigay lamang ng mga tanggapan ng TESDA ang NC sa mga kwalipikadong indibidwal na nakapasa sa assessment para sa kani-kanilang kwalipikasyon. “When issued, these NCs are valid for five years,” anang TESDA.…

Read More

Nakapagtala ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ng 241 rockfall events at 107 pagyanig sa Bulkang Mayon sa Albay sa nakalipas na 24 oras. Sa tala ng Phivolcs nitong Martes, Hunyo 27, nagkaroon din ng 17 Dome-collapse pyroclastic density current events. Namataan din umano ang mabagal na pagdaloy ng lava na may haba na 1.6 kilometro sa Mi-isi Gully at 1.2 kilometro sa Bonga Gully at pagguho ng lava hanggang 3.3 kilometro mula sa crater ng bulkan. Samantala, naiulat ngayong araw ang pagkakaroon ng katamtamang pagsingaw ng usok na may taas na 750 metro na napadpad sa gawing…

Read More

Pormal nang sinimulan ng Department of Transportation (DOTr) nitong Martes, Hunyo 27, 2023, ang kanilang bike lane project sa San Fernando, Pampanga. Mismong si DOTr Assistant Secretary for Road Transport and Infrastructure na si James Andres Melad ang nanguna sa ground breaking ceremony sa proyekto. Ayon kay Melad, bago tuluyang matapos ang taong ito ay target nilang makapagtayo ng kabuuang 470 kilometrong protected bike lanes at pedestrian infrastructure sa buong bansa, partikular na sa sa National Capital Region (NCR), gayundin sa Regions 1, 3, 4A, 5, 6, 7, 8 at 11. Nabatid na sa San Fernando, ang itatayong aktibong transport…

Read More

Arestado ng PDEA Central Luzon, PDEA-NCR at lokal na pulisya sa North Edsa, Quezon City nitong Lunes ng gabi, Hunyo 26, ang isang live-in-partner na umano’y sangkot sa bultong pamamahagi ng shabu sa Metro Manila at mga kalapit na bayan ng Bulacan. Nasa ₱680,000 halaga ng crystal meth (shabu) ang nasabat ng mga anti-narcotic operatives sa isang buy-bust operation sa isang mall parking lot. Halos isang buwan nang naka-surveillance ang PDEA Central Luzon bago naaresto ang mga suspek na kinilalang sina Arnel Capulong at Neralyn Ocampo. Narekober sa isinagawang operasyon ang nasa 100 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng ₱680,000.00…

Read More

Tinatayang 65% ng mga Pilipino sa bansa ang naniniwalang mapagkakatiwalaan ang mga kapatid na Muslim tulad ng ibang mga Pinoy, ayon sa Social Weather Station (SWS) nitong Biyernes, Hunyo 23. Sa talaga ng SWS, sa 65% mga Pilipinong sang-ayon na mapagkakatiwaan ang mga kapatid na Muslim, 28% dito ang lubos na sumasang-ayon, habang 37% ang medyo sumasang-ayon. Samantala, 7% umano ang medyo hindi sumasang-ayon na mapagkakatiwalaan ang mga kapatid na Muslim gaya ng ibang Pinoy, at 5% ang lubos na hindi sumasang-ayon. Nasa 22% naman, ayon sa SWS, ang hindi nagbigay ng saloobing hinggil sa usapin. Dahil dito, nagkaroon umano…

Read More

Pinasalamatan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. si United Arab Emirates (UAE) President Sheikh Mohamed Bin Zayed Al Nahyan dahil sa paggawad umano nito ng pardon sa tatlong Pilipinong nahatulan sa UAE, ayon sa Presidential Communications Office (PCO) nitong Biyernes, Hunyo 23. Sa ulat ng PCO, ibinahagi nito na nagpasalamat si Marcos kay Sheikh Mohamed sa pamamagitan ng telephone call matapos nitong pagbigyan ang kaniyang kahilingang dalawang buwan na ang nakararaan na bigyan ng pardon ang tatlong Pinoy. Tulad ng hiling ni Marcos, pinagkalooban umano ng humanitarian pardon ang tatlong Pilipino, kung saan dalawa rito ang hinatulan ng kamatayan dahil…

Read More

Magkakaroon na naman ng taas-presyo sa produktong petrolyo sa Martes, Hunyo 27. Ipinaliwanag ni Department of Energy (DOE)-Oil Industry Management Bureau chief Rino Abad na resulta ito ng pagbabawas ng produksyon ng Saudi Arabia. “Ang estimate po natin sa apat na araw, ang diesel ay baka lumagpas ng ₱1 at ang kerosene ay lagpas din ng ₱1. Ang gasoline ay mukhang hindi lalagpas ₱0.50 unless naapektuhan pa po ito talaga ng Friday trading,” pahayag ni Abad. Posible ring makontra ang sunud-sunod na pagtaas ng presyo ng petrolyo dahil sa interest hike ng United Kingdom at posibleng sumunod dito ang Amerika…

Read More

Ipinahayag ni Department of Health (DOH) Secretary Teodoro “Ted” Herbosa nitong Biyernes, Hunyo 23, na isang “nursing assistant” position na may salary grade nine o ₱21,129 ang iminungkahi para sa mga nurse na hindi pa nakakapasa sa Nursing Licensure Examination. “There is now an opening for unlicensed where unlicensed nurses…we’re offering already a salary grade nine and so now we call a nursing assistant. So that’s been approved by the execom [executive committee] last Monday or Tuesday,” saad ng health chief sa isang media conference. Sinabi rin ni Herbosa na hindi lubos na tutol ang Professional Regulation Commission sa pagkuha…

Read More

“Please continue to keep the departed souls and our family in your prayers during this difficult period of mourning.” Ito ang panawagan ng pamilya ng mag-amang British-Pakistani na sina Shahzada Dawood, 48, at anak niyang si Suleman, 19, na kasama sa limang nasawi sakay ng submarine na nagtungo sa pinaglubugan ng Titanic. Inanunsyo ng US Coast Guard nitong Huwebes, Hunyo 22, ang pagkasawi ng lahat ng limang sakay ng submarine matapos umanong sapitin ng kanilang sinasakyan ang isang “catastrophic implosion” sa ilalim ng karagatan. “It is with profound grief that we announce the passing of Shahzada and Suleman Dawood,” pahayag…

Read More