Subscribe to Updates
Get the latest creative news from FooBar about art, design and business.
- VP Sara: Halos 200 personnel, posibleng mawalan ng trabaho sa tapyas sa 2025 budget
- Durian ng Pinas planong dalhin sa New Zealand
- PhilHealth inalis na ‘single confinement policy’
- Senator Imee kumalas sa admin senatorial ticket
- Alice Guo ‘spy’ ng China, iimbestigahan ng DILG-PNP
- 24 ex-PNP chiefs iniimbestigahan na – Marbil
- Ex-PNP chief ‘tumulong’ sa pagtakas ni Alice Guo
- P1.3 bilyong tinapyas ng Kamara sa pondo ni VP Sara
Author: News Desk
Inaprubahan na ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. ang ₱5.768 trilyong national budget para sa 2024. Ito ang isinapubliko ni Department of Budget and Management (DBM) Amenah Pangandaman nitong Biyernes at sinabing isinagawa ng Pangulo ang hakbang sa ginanap na pagpupulong ng mga miyembro ng Gabinete nitong Huwebes. Sinabi ni Pangandaman na mataas ito ng 9.5 porsyento kumpara sa ₱5.268 trilyong budget ngayong taon. Nakatuon aniya ang naturang badyet sa mga gastusin para pag-unlad ng ekonomiya ng bansa at pagbibigay-aksyon sa epekto ng inflation ng bansa. “Guided by our Medium-Term Fiscal Framework, the proposed national budget will continue to prioritize expenditures outlined…
Patay ang isang buntis sa United States at kaniyang hindi pa isinisilang na supling matapos umano siyang aksidenteng mabaril ng kaniyang dalawang taong gulang na anak sa likod gamit ang isang handgun na naiwan sa kanilang bahay. Sa ulat ng Agence France-Presse, sinabi ng hepe ng pulisya na si David Smith noong Martes, Hunyo 20, na tumawag ang 31-anyos na si Laura Ilg sa 911 noong Hunyo 16 ng hapon para ipaalam na aksidente siyang nabaril sa likod ng 2-anyos niyang anak gamit ang isang firearm. Agad naman umanong nagtungo ang mga pulis sa tahanan nina Ilg sa Norwalk, Ohio,…
Idineklara ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. nitong Huwebes, Hunyo 22, ang Hunyo 20 ng bawat taon bilang National Refugee Day. Ayon sa Proclamation No. 265 na nilagdaan ng Pangulo, nakasaad sa Section 11, Article II ng Konstitusyon na isang State policy ang pahalagahan ang dignidad ng bawat indibidwal at igalang ang kanilang karapatan. Ang “World Refugee Day” ay itinalaga umano ng United Nations (UN) tuwing Hunyo 20 kada taon bilang pagbibigay-pugay sa katatagan ng mga tao na umalis sa giyera, karahasan, o pagkakakulong, at tumawid sa international border para humanap na kaligtasan sa ibang bansa. “The Philippines has a…
Inanunsyo ni Manila Mayor Honey Lacuna nitong Huwebes na may kabuuang 576 na empleyado ng Manila City Hall ang binigyan ng pagkilala sa kanilang mahabang taon ng serbisyo bilang bahagi ng isang buwan na selebrasyon sa paggunita sa anibersaryo nang pagkakatatag ng lungsod sa Sabado, Hunyo 24. Ayon kay Lacuna, ang mga empleyado na nakapagbigay ng ‘di matatawarang serbisyo para sa lungsod at sa mamamayan nito ay binigyan ng “City Service Loyalty Awards” nitong Miyerkules. Mismong si Lacuna ang nanguna sa seremonya na kumikilala sa mga kawani na nakapaglingkod sa pamahalaang lungsod sa loob ng 25, 30, 35, 40 at…
Inayudahan na ang mga pamilyang naapektuhan ng pagbaha sa Cotabato kamakailan. Sa social media post ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) nitong Huwebes, nasa 1,829 na pamilya mula sa Kabacan ang tumanggap na ng family food packs (FFPs) mula sa Disaster Response Management Division ng ahensya. Sinabi ni DSWD Field Office XII Director Loreto Cabaya, Jr., napinsala ang mga bahay at nawalan pa ng pagkakakitaan ang mga nasabing pamilya nang magkaroon ng pagbaha sa lugar dulot ng matinding pag-ulan. “We are fully committed to providing immediate assistance to our fellow citizens in times of crisis,” anang opisyal. Aniya, isinagawa ang pamamahagi…
Inanunsyo ng lokal na pamahalaan ng Maynila nitong Huwebes na magpapatupad sila ng pansamantalang road closures o pagsasara ng ilang kalsada sa Sabado, Hunyo 24. Bunsod na rin ito nang isasagawang Civic Military Parade, kaugnay sa pagdiriwang ng “Araw ng Maynila.” Sa abiso ng Manila Public Information Office (PIO), nabatid na sisimulan ang pansamantalang pagsasara ng mga kalsada mula alas-6:00 ng umaga sa Sabado. Kabilang dito ang kahabaan ng Moriones St., mula sa Mel Lopez Blvd. hanggang N. Zamora St.; kahabaan ng J. Nolasco St. mula Morga St. hanggang sa Concha St.; at kahabaan ng Sta. Maria St. mula Morga…
Tiniyak ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. na malapit na niyang pirmahan ang panukalang batas na lilikha sa Maharlika Investment Fund (MIF). “I will sign it as soon as I get it,” paniniyak ng Pangulo sa mga mamamahayag. Gayunman, ipinaliwanag ng Pangulo na kailangan pa niyang himayin ang mga pagbabago sa approved version ng panukalang sovereign wealth fund ng Kongreso kung saan dapat ay hindi nakokontrol ng gobyerno upang magtagumpay. “We have made sure that it is not a government, it is independent from the government. One of the changes that even I proposed to the House is to remove the President as part of…
Nagbuga muli ng lava ang Bulkang Mayon na umabot sa 2.5 kilometro sa nakaraang 24 oras. Sinabi ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), ang nasabing lava flow ay umabot hanggang Mi-isi Gully. Umabot naman sa Bonga Gully ang isa pang pagragasa ng lava na umabot sa 1.8 kilometro. Naitala rin ng Phivolcs ang 299 rockfall events at walong dome-collapse pyroclastic density current (PDC) events. Nitong Hunyo 21, nasa 574 tonelada ng sulfur dioxide ang ibinuga ng bulkan, bukod pa ang 750 metrong taas ng usok na tinangay ng hangin pa-timog kanluran. Ayon sa ahensya, ipinaiiral pa rin nila ang 6-kilometer…
Pormal nang inilunsad ng Department of Health (DOH) nitong Miyerkules ang bivalent Covid-19 vaccine para sa mga priority groups, alinsunod na rin sa direktiba mismo ni Pang. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.. Sa pamumuno nina Pangulong Marcos at DOH Secretary Ted Herbosa, isinagawa ang kick-off ceremony sa Philippine Heart Center (PHC), Quezon City, sa pamamagitan ng ceremonial vaccination para sa mga healthcare workers na kabilang sa A1 category at senior citizens na nasa A2 category naman. “We are always grateful for the strong support of no less than the President. He continues to care for our people’s welfare through the national Covid-19 vaccination program. Under…
Pumalag ang Philippine National Police (PNP) sa alegasyon ng isang opisyal ng Department of Justice (DOJ) na kaya mahirap dakpin si dating Bureau of Corrections (BuCor) chief Gerald Bantag dahil sa koneksyon umano nito sa pulisya. Paglilinaw ni PNP chief information officer Brig. Gen. Redrico Maranan, hindi naging miyembro ng pulisya si Bantag salungat sa pahayag ni DOJ spokesperson Mico Clavano. “The Philippine National Police would like to clarify that Mr. Gerald Bantag has never been a member of the Philippine National Police, based on record, he used to be a Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) officer before his…