Subscribe to Updates
Get the latest creative news from FooBar about art, design and business.
- VP Sara: Halos 200 personnel, posibleng mawalan ng trabaho sa tapyas sa 2025 budget
- Durian ng Pinas planong dalhin sa New Zealand
- PhilHealth inalis na ‘single confinement policy’
- Senator Imee kumalas sa admin senatorial ticket
- Alice Guo ‘spy’ ng China, iimbestigahan ng DILG-PNP
- 24 ex-PNP chiefs iniimbestigahan na – Marbil
- Ex-PNP chief ‘tumulong’ sa pagtakas ni Alice Guo
- P1.3 bilyong tinapyas ng Kamara sa pondo ni VP Sara
Author: News Desk
Matagumpay na natapos ng Department of Health (DOH) – Ilocos Region ang idinaos nilang Measles, Rubella and bivalent Oral Poliovirus Supplemental Immunization Activity (MR-bOPV SIA) na mayroong 91% na total vaccination coverage para sa measles-rubella at 85% coverage naman para sa oral polio vaccine sa ilang piling lugar sa rehiyon. Iniulat ni Regional Director Paula Paz M. Sydiongco nitong Miyerkules na batay sa unofficial quick count at mula sa datos na isinumite ng iba’t ibang local government units (LGU), umaabot sa 378,396 mula sa kabuuang 416,762 target na kabataan ang nakatanggap ng MR vaccination at 162,687 naman mula sa 190,603…
Inaresto ng Angeles City Police ang isang Chinese national na sangkot umano sa pagbebenta ng mga pekeng smartphone sa lungsod nitong Martes, Hunyo 20. Kinilala ni Police Regional Office 3 Director Brigadier General Jose Hidalgo Jr., ang nahuling Chinese national na si Zeng Yunshi, na pansamantalang naninirahan sa Metro Manila. Naaresto si Yunshi sa isinagawang entrapment operation ng Angeles City Station 3 sa harap ng Jaoville Compound, Brgy. Pandan, Angeles City para sa estafa. Lumalabas sa imbestigasyon na isang nagngangalang “Rachell” ang bumili ng bagong Iphone 14 Pro Max kay Yunshi na halagang P11,000. Nang suriin ng buyer, napag-alaman na…
Ginawaran ng Department of Health (DOH)– Ilocos Region ng ‘green stars’ ang 12 health facilities sa Pangasinan, Ilocos Sur at Ilocos Norte, na ikinukonsidera bilang regional awardees at sinertipikahan bilang ‘green, safe at climate-resilient hospitals.’ Sa isang kalatas nitong Miyerkules, nabatid na ang pagkilala ay ipinagkaloob base sa balidasyon ng isinumiteng Green Viability Assessment (GVA) Tool na isinagawa ng DOH – Health Facility Development Bureau (HFDB) at ng Regional Health Facility Development Unit (HFDU) mula Mayo 17 hanggang Hunyo 1, 2023. Kaugnay nito, nagpaabot din si Regional Director Paula Paz M. Sydiongco ng pasasalamat sa mga pagamutan na nakilahok sa…
Umabot na sa 2.5 kilometro ang ibinugang lava ng Mayon Volcano sa nakaraang 24 oras. Sa monitoring period ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) simula 5:00 ng madaling araw ng Martes hanggang 5:00 ng madaling araw ng Miyerkules, nakapagtala rin sila ng dalawang pagyanig, 299 rockfall events at pitong dome-collapse pyroclastic density current (PDC) events. Nasa 507 tonelada ng sulfur dioxide ang pinakawalan ng bulkan nitong Hunyo 20, bukod pa ang nakalalasong usok na umabot sa 800 metrong taas. Hindi pa rin nawawala ang pamamaga ng bulkan dahil sa patuloy na pag-aalburoto nito. Ipinaiiral din ang 6-kilometer radius…
Isang krus na sinusuot noon ni dating pope Benedict XVI sa kaniyang dibdib ang ninakaw umano sa isang simbahan sa southern Germany kung saan ito naka-display. Sa ulat ng Agence France-Presse, ibinahagi ng pulisya nitong Martes, Hunyo 20, na nakasilid ang naturang pectoral cross sa isang lagayan sa pader ng simbahan ng St. Oswald sa Traunstein, sa estado ng Bavaria, kung saan ginugol ni Benedict ang kaniyang pagkabata. Ipinamana umano ng dating papa ang krus sa parokya. “For the Catholic Church, the value of this sacred object cannot be quantified,” pahayag ng Bavarian police. Samantala, ayon din sa pulisya, nilusob…
Arestado ang nasa kabuuang 420 katao sa isinagawang week-long anti-criminality campaign ng Central Luzon police mula Hunyo 12 hanggang 18. Sa bilang ng mga naaresto, nasa 137 ang may warrant of arrest sa kasong pagpatay, rape, at frustrated murder. Nasa 149 naman ang naaresto dahil sa iligal na droga, 114 ang naaresto dahil sa illegal gambling, 15 ang nahuli dahil sa illegal possession of firearm, at lima naman ang naaresto para sa paglabag ng iba pang special laws. Samantala, ayon kay Police Regional Office 3 Director Brigadier Gen. Jose Hidalgo Jr., nakumpiska ang 62 sari-saring baril ang nakumpiska kabilang din…
Sa pagpapahayag ng kaniyang pakikiisa sa international community sa pagtataguyod para sa karapatan ng bawat indibidwal sa impormasyon, nangako si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. nitong Lunes, Hunyo 19, na lalabanan ng pamahalaan ang paglaganap ng “fake news” sa bansa at palalakasin ang Freedom of Information (FOI) bill. Sa pagsasalita sa opening ceremony ng 14th Edition ng International Conference of Information Commissioners (ICIC) sa Philippine International Convention Center (PICC) sa Pasay City, muling pinagtibay ng Pangulo ang pangako ng Pilipinas na itaguyod ang “basic human right.” “It (right to information) remains indelibly etched in our fundamental law,” ani Marcos. “We…
Nabagbag ang damdamin ng mga netizen sa viral Facebook post ng isang nagngangalang “Cath-Cath Orcullo” matapos niyang i-post ang napitikang motorcycle rider na may makatawag-pansin at makabagbag-damdaming paskil sa kaniyang likod. Mababasa kasi sa paskil na umaapela ng tulong ang nabanggit na rider para sa kaniyang kapatid na may malubhang sakit. Ang kaniyang kapatid daw ay nakikipaglaban sa stage 3 breast cancer. Ayon sa panayam kay Cat-Cath, pauwi na raw sila ng mister niya nang makasabayan nila sa stoplight ang naturang rider. Nahagip ng kaniyang mga mata ang nakasulat sa likuran nito. Hindi raw siya nangiming picturan ito at i-post…
Dumating na sa Albay ang walong truck ng relief goods na donasyon ng China para sa mga residenteng inilikas sa gitna ng pag-aalburoto ng Bulkang Mayon. Ang relief goods ay nai-turnover ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Bicol Director Norman Laurio kay Albay Governor Edcel Lagman sa Provincial Capitol nitong Lunes, Hunyo 19. Dahil dito, pinasalamatan ni Lagman sina Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., DSWD Secretary Rex Gatchalian, Undersecretary Diana Rose Cajipe, at Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian. Tiniyak naman ni Lagman na pakikinabangan ng mga evacuee ang nasabing donasyon. Kamakailan, inilikas ng gobyerno ang libu-libong residente mula sa 6-kilometer radius…
Umabot na sa ₱71.5 milyong halaga ng tulong ng pamahalaan ang naipamahagi na sa mga residente na lumikas dahil sa patuloy na pag-aalburoto ng Mayon Volcano. Sinabi ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) nitong Lunes na kinuha rin sa naturang halaga ang ayuda at iba pang tulong katulad ng tubig, pagkain, assorted na tolda, hygiene kit at iba pa. Nasa 10,146 pamilya na ang apektado sa patuloy na pag-aalburoto ng bulkan batay na rin sa datos ng NDRRMC nitong Hunyo 16. Katumbas ng nasabing bilang ang 38,892 residente na mula sa 26 barangay sa Bicol Region. Nasa 5,466…