Author: News Desk

Tumindi pa ang pagbuga ng mga bato ng Bulkang Mayon, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs). Paliwanag ng ahensya, bukod sa 265 rockfall events, naobserbahan din ang limang pyroclastic density current (PDC) events sa nakalipas na 24 oras. Umabot din sa 1.5 kilometro ang lava na ibinuga ng bulkan. Naitala rin ng Phivolcs ang ibinuga ng Mayon Volcano na 889 tonelada ng sulfur dioxide nitong Hunyo 18. Umabot naman sa 600 metrong taas ng usok ang namataan sa bunganga ng bulkan. Dahil dito, nanawagan pa rin ang ahensya na iwasang pumasok sa 6-kilometer radius permanent danger zone (PDZ)…

Read More

Manama: Si Mohammed bin Thamer Al Kaabi, Ministro ng Transportasyon at Telekomunikasyon, ay tumanggap kay Anne Jalando-on Louis, Ambassador ng Pilipinas sa Bahrain. Tinalakay sa pulong ang mga larangan ng pagtutulungan ng dalawang bansa sa larangan ng transportasyon at komunikasyon. Binigyang-diin ng Ministro ang kahalagahan ng magkasanib na gawain sa pagitan ng Bahrain at Pilipinas gayundin ang pagpapahusay ng kooperasyon sa larangan ng transportasyon at komunikasyon. Pinagtibay ng Ambassador ang kahalagahan ng kooperasyon sa pagitan ng dalawang bansa at hinihiling ang patuloy na pag unlad ng Bahrain.

Read More

Hindi nasira ang siyam na airport sa Luzon sa kabila ng pagtama ng magnitude 6.3 na lindol sa Batangas nitong Huwebes ng umaga. Sa pahayag ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP), walang malaking pinsala sa gusali at equipment ng San Jose Airport sa Occidental Mindoro. Hindi rin nasira ang Calapan Airport, Jomalig Airport, Lubang Airport, Mamburao Airport, Pinamalayan Airport, Sangley Airport, San Jose Airport, Subic Airport, at Clark Tower. Paglilinaw naman ng Manila International Airport Authority (MIAA), hindi nakaapekto sa operasyon ng mga paliparan ang isinagawang inspeksyon sa mga airport terminal. Sinabi naman ng Philippine Institute of Volcanology and…

Read More

Nanawagan ang Commission on Human Rights (CHR) na tuluyan nang ipasa ang Sexual Orientation, Gender Identity, Gender Expression, or Sex Characteristics (SOGIESC) Equality Bill na kinakailangan umano para sa tunay na pagtataguyod ng pagkakapantay-pantay sa lipunan. Sa pahayag ng CHR nitong Huwebes, Hunyo 15, kinilala nito ang pag-apruba ng House Committee on Women and Gender Equality sa bagong nirebisang SOGIESC Equality Bill. Pinagsama-sama ng binagong panukalang batas ang mga kaparehong panukala, tulad ng House Bills No. 222, 460, 3418, 3702, 4277, 5551, 6003, at 7036, kung saan layon ng mga ito na ipagbawal ang lahat ng uri ng diskriminasyon batay…

Read More

Tinatayang 53% ng mga estudyante sa Catholic schools ang hindi sumasang-ayon sa mandatory Reserve Officers’ Training Corps (ROTC), ayon sa isinagawang survey ng Catholic Educational Association of the Philippines (CEAP). Sa survey na isinagawa nitong Abril, sa 53% mga estudyanteng tutol sa mandatory ROTC, 32% umano rito ay labis na hindi sumasang-ayon. Pagdating sa kadahilanan ng mga hindi sumasang-ayon, 54% umano ang nagsabing nakadaragdag lamang ang mandatory ROTC sa pasanin ng mga estudyante, 42% ang nagsabing dagdag lang ito sa gastusin ng kanilang pamilya, 32% ang naa-alarma sa banta ng karahasan at katiwalian, 17% ang nagsabing sumasalungat ito sa kanilang…

Read More

Nagtalaga na si Manila Mayor Honey Lacuna ng Goodwill Ambassadress ng lungsod sa People’s Republic of China (PRC). Mismong si Lacuna ang nag-anunsiyo nitong Huwebes ng appointment ni Chang Lai Fong, na siyang founding President ng Philippine Qipao Charity Association, Inc., sa nasabing posisyon. Ayon kay Lacuna, ang designasyon ni Chang ay nilagdaan niya mismo bilang alkalde, at attested naman ni City Administrator Bernie Ang. Layunin aniya nitong itaguyod, isulong at i-coordinate ang mutual cooperation, pagtutulungan at partnership sa pagitan ng kabisera at iba’t ibang lungsod, lalawigan at rehiyon ng People’s Republic of China. Dagdag pa ng alkalde, umaasa rin…

Read More

Lumikas ang mga pulis na nakatalaga sa Manila Police District (MPD) headquarters sa United Nations (UN) Avenue sa Maynila matapos maramdaman ang pagyanig nitong Huwebes ng umaga. Nagmamadaling lumabas sa MPD main building ang mga tauhan nito nang maramdaman ang Intensity IV dakong 10:19 ng umaga. Nauna nang natukoy ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ang sentro ng magnitude 6.3 na lindol sa Batangas, o 15 kilometro mula sa Calatagan. Bukod dito, pinalikas din ang mga senador mula sa Senate of the Philippines building sa Pasay City at mga alkalde naman ng Metro Manila na kasalukuyang nagpupulong sa…

Read More

Good news. This is because the independent group OCTA Research Group reported that the Covid-19 positivity rate in the National Capital Region (NCR) has returned to less than 10%. In the data shared by OCTA Research Fellow Dr. Guido David this Thursday, it was known that until Tuesday, June 13, the positivity rate of Covid-19 in the region has dropped to 9.4%. This is a significant decrease from the previous 14.6% on June 6. The positivity rate refers to the percentage of people who have tested positive for Covid-19, from the total number of individuals who have been tested. Meanwhile, David…

Read More

Iniutos na ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. na gawing 90 araw ang pamamahagi ng relief assistance sa libu-libong residenteng apektado ng pag-aalburoto ng Mayon Volcano. Ito ay kasunod na rin ng paniniyak ni Marcos na mabibigyan ng agarang tulong ang mga apektadong local government unit (LGU) sa lalawigan. “We will have to make up the difference for the continuing in terms of food, non-food items and all others that we have to make,” pahayag ni Marcos bilang tugon sa paglalahad ni Albay Governor Edcel Lagman na hanggang 14 araw lamang ang P30 milyong quick response fund (QRF) ng probinsya. “Let…

Read More

Niyanig ng magnitude 6.3 na lindol ang probinsya ng Batangas nitong Huwebes ng umaga, Hunyo 15, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs). Sa tala ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan bandang 10:19 ng umaga. Namataan ang epicenter nito 15 kilometro ang layo sa timog-kanluran ng Calatagan, Batangas, na may lalim na 119 kilometro. Naramdaman ang Intensity IV sa CITY OF MANILA; CITY OF MANDALUYONG; QUEZON CITY; CITY OF VALENZUELA; City of Malolos, BULACAN; Batangas City, Ibaan, Lemery, Nasugbu, at Talisay, BATANGAS; City of Dasmariñas, at City of Tagaytay, CAVITE; Tanay, RIZAL Intensity III naman sa…

Read More