Author: News Desk

Nanawagan ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa mga rider at iba pang motorista na huwag nang gamitin ang EDSA Carousel Bus Lane. Ito ay matapos masawi ang isang rider nang masalpok ng isang sports utility vehicle (SUV) habang ginagamit ng mga ito ang bus lane sa EDSA Shaw Boulevard tunnel (southbound) nitong Miyerkules, dakong 5:00 ng madaling araw. Ayon kay MMDA acting chairman Don Artes, nahagip ng kanilang closed-circuit television (CCTV) camera ang aksidente. Binanggit ni Artes, isang puting SUV ang bumangga sa motorsiklo ng rider na nasagasaan naman ng isang tanker sa kabilang lane. “It is with profound…

Read More

Ipinahayag ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) nitong Martes, Hunyo 13, na tinitingnan ng kagawaran ang pagkakaloob ng tulong na salapi sa mga pamilyang apektado ng patuloy na pag-aalburoto ng Bulkang Mayon sa Albay. Sa panayam ng ANC, ipinunto ni DSWD Secretary Rex Gatchalian na layon ng planong pamamahagi ng cash aid na palakasin ang mga indibidwal at pamilyang nawalan ng tirahan dahil sa aktibidad ng bulkan. Layon din umano nitong tulungan ang mga pamilyang makabili ng iba nilang pangangailangan na hindi kasama sa ipinagkakaloob na Family Food Packs (FFPs) ng DSWD. “We can empower them with the right to…

Read More

Nangako si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. nitong Lunes, Hunyo 12, na pangungunahan niya ang bansa sa pagharap sa mga hamon tungo sa isang daan ng pag-unlad para sa bawat Pilipino. Pinangunahan ng Pangulo ang pagdiriwang ng bansa sa ika-125 anibersaryo ng proklamasyon ng kalayaan ng Pilipinas na may temang, “Kalayaan. Kinabukasan. Kasaysayan.” “Today’s celebration has taken a whole new different meaning, as we mark this occasion with renewed hopes and spirited resolve to rise anew as a nation, not from political oppression but from economic scarring engendered by the crippling and lingering effect of the pandemic,” ani Marcos sa…

Read More

Nagtungo sa Maynila ang nasa 60 complainants at witnesses nitong Lunes, Hunyo 12, isangaraw bago ang paunang imbestigasyon ng Department of Justice (DOJ) sa pagpaslang kay Negros Oriental Gov. Roel Degamo. Kabilang ang asawa ng gobernador na si Pamplona, ​​Negros Oriental Mayor Janice Degamo sa mga complainant na umalis sa lalawigan. Dalawang batch umano silang sakay ng Philippine Air Force aircraft na umalis sa Dumaguete-Sibulan airport sa umaga at hapon. Sinabi sa notice of hearing ng DOJ na haharap ang mga nagrereklamo sa kaso para sa multiple murders, multiple frustrated murders, at multiple attempted murders sa ilalim ng Article 248…

Read More

Manama: Pinagtibay ng Labor Market Regulatory Authority (LMRA) ang pangako nitong paigtingin ang mga kampanya ng inspeksyon sa lahat ng mga gobernador para i-regulate ang Labor market at tugunan ang mga ilegal na gawi. Sinabi ni Noora Isa Mubarak, Acting Deputy Chief Executive ng LMRA para sa Pagpapatupad at Proteksyon, na ang pagpapanatili ng isang matatag na kapaligiran sa trabaho na nangangalaga sa mga karapatan ng lahat ay isang pangunahing priyoridad para sa LMRA. Binigyang-diin niya na ang mga paglabag ay hindi kukunsintihin, itinuturo ang patuloy na mga kampanya sa inspeksyon at mga pagbisita sa pakikipag-ugnayan sa mga kinauukulang katawan…

Read More

Manama: Tinanggap ni Deputy Prime Minister Shaikh Khalid bin Abdulla Al Khalifa ang embahador ng Pilipinas para sa kaharian ng Bahrain, Anne Jalando-on Louis, at pinuri ang patuloy na lumalagong relasyon sa pagitan ng dalawang bansa.Sa pagpupulong, ang Embahador ng Pilipinas ay nagpahayag ng pasasalamat sa Deputy Prime Minister para sa mainit na pagtanggap at magiliw na pakikitungo, na idiniin ang patuloy na pagsisikap na palakasin ang bilateral na relasyon ng daalwang bansa.

Read More

Umabot na sa 5,000 na magsasaka ang apektado ng patuloy na pag-aalburoto ng Mayon Volcano. Ayon kay provincial agriculturist Cheryl Rebeta, ang nasabing bilang ay mula sa mga lugar na sakop ng 6-kilometer radius permanent danger zone (PDZ) mula sa bulkan. Ang mga lugar na nasa PDZ ay kinabibilangan ng Camalig, Daraga, Guinobatan, Ligao City, Malilipot, Tabaco City, Sto. Domingo, Bacacay at Legazpi City. Madadagdagan pa aniya ang bilang ng mga magsasakang mawawalan ng pagkakakitaan sakaling itaas pa ang alert level status ng bulkan. Aniya, malaking bahagi ng sakahan ang maaaring maapektuhan kapag sumabog ang bulkan. Sa ngayon aniya, nagsasagawa…

Read More

Nagpatulong si European Union Ambassador to Manila Luc Veron sa mga Pilipino hinggil sa kaniyang susuotin sa pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan sa Lunes, Hunyo 12, upang masiguro umanong masasalamin ito sa mayamang kultura at tradisyon ng Pilipinas. Sa isang Twitter post nitong Sabado, Hunyo 10, nagbahagi si Veron ng dalawang larawan kung saan nakasuot siya ng dalawang magkaibang Barong Tagalog. Doon ay naglagay ang ambassador ng poll para makaboto umano ang mga Pinoy kung aling Barong Tagalog ang mas bagay at mas maganda para sa kaniya. “ Attention, all Filipinos! Help me choose a Barong Tagalog to wear on…

Read More

Todo-depensa si Department of Finance (DOF) Secretary Benjamin Diokno sa mga petisyong inaprubahan ng gobyerno para sa dagdag na toll o singil sa North Luzon Expressway (NLEX). Pagdidiin ni Diokno nitong Linggo, pinag-aralang mabuti ng pamahalaan ang mga petisyon bago ito inaprubahan. Reaksyon ito ni Diokno sa anunsyo ng NLEX Corporation kamakailan na sisimulan na nilang ipatupad ang toll increase sa Hunyo 15. “The NLEX rate increase is for staggered implementation — not a one-time implementation. It is staggered over several years.The (petitions to) increase (toll fees) piled up because of the inaction of previous administrations. The Ferdinand Marcos, Jr.…

Read More