Subscribe to Updates
Get the latest creative news from FooBar about art, design and business.
- VP Sara: Halos 200 personnel, posibleng mawalan ng trabaho sa tapyas sa 2025 budget
- Durian ng Pinas planong dalhin sa New Zealand
- PhilHealth inalis na ‘single confinement policy’
- Senator Imee kumalas sa admin senatorial ticket
- Alice Guo ‘spy’ ng China, iimbestigahan ng DILG-PNP
- 24 ex-PNP chiefs iniimbestigahan na – Marbil
- Ex-PNP chief ‘tumulong’ sa pagtakas ni Alice Guo
- P1.3 bilyong tinapyas ng Kamara sa pondo ni VP Sara
Author: News Desk
Nasamsam ng Bulacan Provincial Police Office (BPPO) ang mahigit P1,000,000 halaga ng umano’y marijuana at naaresto ang limang nagbebenta ng droga at dalawampu’t dalawa pang lumabag nitong Sabado, Hunyo 10. Sa ulat na isinumite kay Col. Relly B. Arnedo, Bulacan police director, City Drug Enforcement Unit ng Malolos Police, nakumpiska ang P1,000,000 halaga ng umano’y marijuana mula sa tatlong hinihinalang nagbebenta ng iligal na droga. Kinilala ang mga naarestong suspek na sina Maribeth Melendez, Raffy Magpali, at Arwin Jae Meneses. Nakuwelyuhan ang mga ito dakong alas-10 ng umaga noong Sabado, sa Brgy. Sumapang Matanda, City of Malolos, Bulacan. Sa isa…
Sumugod si Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian sa Albay upang tiyaking handa na ang lahat ng tulong sakaling sumabog ang Mayon Volcano. “I’m here with the DSWD team to see to it that the instruction of the President to make sure everything is ready just in case things turn for the worst is carried out,” anang opisyal ng DSWD. “We are ready to handle all potential calamities. We want to make sure that we maximize our resources by ensuring that DSWD and the Provincial Local Government Unit of Albay complement each other and that there…
Agad na humingi ng dispensa si “Face 2 Face” host at Philippine Army reservist na si Karla Estrada matapos sitahin ng netizen dahil sa paggamit ng background music na “Bagong Hukbong Bayan” sa kaniyang reel, nang ibahagi niyang isa na siyang army reservist. Ayon sa Instagram post ni Karla, hindi siya aware na ang nabanggit na awitin ay “tumutukoy sa isang grupo na may paniniwalang salungat sa pamahalaan.” “Magandang Araw po sa inyong lahat. Ang mensahe ko pong ito ay patungkol sa musikang nakalapat sa isa sa aking video reel na ipinost ko sa aking social media accounts na akin ng binura…
Apat na bata sa Colombia ang natagpuang buhay nitong Biyernes matapos umano silang mawala sa loob ng 40 araw sa kagubatan kung saan bumagsak ang sinasakyang eroplano. Inanunsyo ang balita ni Colombian President Gustavo Petro. “A joy for the whole country! The 4 children who were lost 40 days ago in the Colombian jungle were found alive,” saad ni Petro sa kaniyang Twitter post kalakip ang larawan ng ilang indibidwal na nkasuot ng military fatigues, na nag-aalaga sa mga bata na nakaupo sa mga trapal sa gitna ng masukal na kagubatan. Sa ulat ng Agence France-Presse, ang apat na nawawalang…
Bahagyang kumalma ang Bulkang Mayon sa gitna ng patuloy na paglilikas ng mga residente na apektado ng pag-aalburoto nito, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs). Sinabi ng Phivolcs, bukod sa 59 rockfall events, nakapagtala na lamang sila ng isang pagyanig simula 5:00 ng madaling araw ng Biyernes hanggang 5:00 ng madaling araw ng Sabado. Nilinaw ng Phivolcs, mas mababa ang naturang rockfall events sa nakaraang 24 oras kumpara sa 199 na naitala nitong Hunyo 8-9. Nitong Biyernes ng gabi, naobserbahan ang crater glow sa Mayon Volcano. Nitong Hunyo 9, nasa 417 tonelada ng sulfur dioxide ang ibinuga…
Matapos ang tila pag-amin ng basketbolista/celebrity na si Ricci Rivero na hiwalay na sila ni Kapamilya actress Andrea Brillantes, muling naungkat ng mga netizen ang naging pahayag noon ng huli, na marami siyang nakitang “red flags” sa una. Ang “red flags” ay tumutukoy sa mga “warning signs” sa isang tao, katulad na lamang ng pagiging “manloloko,” kaya kailangang doble ingat. Mapapanood sa isa sa “couple vlog” ni Andrea noong Oktubre 4, 2022 ang tungkol sa naging diretsahang pag-amin niyang nakitaan niya ng red flags si Ricci, sa harap nito mismo. Sinagot ni Blythe ang tanong sa kaniya ng netizens na…
Arestado ang isang construction worker na sinampahan ng kasong panggagahasa ng kanyang stepdaughter sa manhunt operation ng pulisya nitong Huwebes ng umaga, Hunyo 8, sa lungsod na ito. Ang Tanauan City police, sa kanilang ulat kay Batangas police provincial director Police Col. Rainerio de Chavez, ay kinilala ang suspek na si Michael Siman, 39, residente ng Tanauan City. Siya ay inaresto batay sa warrant of arrest para sa krimen ng panggagahasa na inisyu noong Mayo 30, ng Regional Trial Court, Branch 6, Tanauan City, na walang inirekomendang piyansa. Siya ay naaresto dakong 10:50 a.m. Ayon sa Batangas Provincial Police Office…
Kinansela muna ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang pagpapatupad ng expanded number coding scheme sa Lunes, Hunyo 12 na isang regular holiday. Ito ay bilang pakikiisa ng ahensya sa pagdiriwang ng ika-125 anibersaryo ng Araw ng Kalayaan sa Pilipinas. Dahil dito, ang mga sasakyang may registration plate ending na 1 at 2 ay pinapayagan munang bumiyahe sa Metro Manila sa Lunes. Pinayuhan din ng MMDA ang mga motorista na sumunod sa batas-trapiko at mag-doble-ingat sa pagmamaneho upang maiwasan ang anumang aksidente ngayong long weekend.
Ikinatuwa ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. nitong Martes, Hunyo 6, ang pagbaba ng inflation rate sa bansa nitong Mayo, at sinabing tanda ito na nasa tamang direksyon ang administrasyon patungo sa mas abot-kayang presyo ng mga bilihin. Ibinahagi ng Philippine Statistics Authority (PSA) nitong Huwebes na bumaba sa 6.1% ang inflation nitong buwan ng Mayo mula sa 6.6% na naitala noong buwan ng Abril. “Batid namin ang inyong hangarin na magkaroon ng mas maginhawang pamumuhay, kaya’t patuloy nating pinalalakas ang mga pang-ekonomiyang hakbang ng pamahalaan,” ani Marcos sa kaniyang Twitter post. “Unti-unti nating nakakamtan ang kaginhawaang ito sa pagbaba…
Lumagda ng isang memorandum of understanding (MOU) sina Manila Mayor Honey Lacuna at Guangzhou, China Mayor Guo Yonghang, na ang layunin ay i-renew ang 40-year sister-city relations ng dalawang lungsod. Nabatid nitong Martes na nag-courtesy visit ang Guangzhou delegation kay Lacuna, na sinamahan nina city administrator Bernie Ang, Manila-China Affairs Coordinating Office (MCACO) officer Anna Sy Lim at Manila Chinatown Development Council (MCDC) liaison officer Owen So. Sila, kasama ang ilan pang city officials na sina Manila Sports Council (MASCO) head Roel de Guzman, permits bureau chief Levi Facundo, tourism chief Charlie Dungo, Universidad de Manila president Ma. Felma…