Subscribe to Updates
Get the latest creative news from FooBar about art, design and business.
- VP Sara: Halos 200 personnel, posibleng mawalan ng trabaho sa tapyas sa 2025 budget
- Durian ng Pinas planong dalhin sa New Zealand
- PhilHealth inalis na ‘single confinement policy’
- Senator Imee kumalas sa admin senatorial ticket
- Alice Guo ‘spy’ ng China, iimbestigahan ng DILG-PNP
- 24 ex-PNP chiefs iniimbestigahan na – Marbil
- Ex-PNP chief ‘tumulong’ sa pagtakas ni Alice Guo
- P1.3 bilyong tinapyas ng Kamara sa pondo ni VP Sara
Author: News Desk
Nagpahayag ng pagsuporta ang maimpluwensiyang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) sa panawagan ni Pope Francis na ihinto na ang paggamit at pamumuhunan sa fossil fuel. Ayon kay CBCP-Stewardship Office chairman, Taytay, Palawan Bishop Broderick Pabillo, malaking tulong ang pagsasantabi sa industriya ng fossil fuel upang mabawasan ang polusyon sa kapaligiran. Tinukoy ng obispo ang pagsusulong sa paggamit ng bisikleta at paglalakad na bukod sa makabubuti para sa kalusugan, ay magandang alternatibo rin sa mga sasakyang gumagamit ng gasolina at naglalabas ng mapanganib na usok. “Iyan po’y bahagi nga ng ating paninindigan sa environment na bawasan natin ang paggamit…
Inutusan ng Department of Justice (DOJ) si suspended Negros Oriental 3rd District Rep. Arnolfo “Arnie” A. Teves Jr. na sagutin ang reklamo para sa multiple murder, multiple frustrated murder, at multiple attempted murder na isinampa laban sa kaniya hinggil sa pagpaslang kay Gov. Roel R. Degamo at siyam na iba pa noong Marso 4. Kinumpirma ni Senior Deputy State Prosecutor Richard Anthony D. Fadullon na isang subpoena ang inilabas ng DOJ panel of prosecutors laban kay Teves para sagutin ang mga kaso. Pinamumunuan ang panel of prosecutors ni Senior Assistant State Prosecutor Mary Jane E. Sytat. Gayunpaman, hindi sinabi ni…
Bumaba sa 6.1% ang inflation nitong buwan ng Mayo mula sa 6.6% na naitala noong buwan ng Abril, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA) nitong Martes, Hunyo 6. Ayon sa PSA, ito ang ikaapat na magkakasunod na buwan ng deceleration sa headline inflation sa bansa. “Despite the decline, the inflation rate in May 2022 was still lower at 5.4 percent. The year-to-date average inflation rate, that is from January to May 2023, stood at 7.5 percent,” anang PSA. Sa 13 commodity group, nagbigay umano ng pinakamalaking kontribusyon sa naturang pagbaba ng inflation rate sa bansa ang transportasyon sa -0.5% mula…
Sinimulan ni Vice President Sara Duterte ang kaniyang talumpati sa isang event ng Office of the Vice President (OVP) sa pamamagitan ng pagpapahayag ng pagmamahal kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ngunit tumanggi siyang banggitin ang “middle initial” ng pangulo na may katumbas na “Romualdez.” Ito umano ang maaaring paraan ni Duterte upang ipahiwatig ang umano’y hidwaan sa pagitan niya at ng makapangyarihang angkan ng Romualdez. Romualdez ang middle name ni Marcos dahil sa nanay niyang si Imelda na tiyahin ni House Speaker Martin Romualdez, ang pinsan ng Pangulo. Habang pinasalamatan niya si Marcos para sa suporta nito sa OVP,…
Alinsunod sa pagdiriwang ng 125th Philippine Independence Day, ang pakikipag sosyo ay inilunsad sa pamamagitan ng paglagda ng dalawang kumpanya na ginanap sa Pinoy Independence Day Festival noong Biyernes, June 2 sa Dana Mall, Bahrain – ang palitan ng lagda ay nangyari sa pagitan ni Ginoo Sethuraj Sucheendran Chairman, Star Vision WLL at Bb. Cristina Fulgencio, CEO ng Brand Sync Co. WLL https://youtu.be/_cBHOHU3l2k Ang proyekto ay ang pinakabagong pakikipagsapalaran ng Star Vision, na nagmamay-ari ng Star Vision News sa – English, Arabic at Malayalam na mga wika at ngayon ay nagpapalawak ng mga balita sa wikang Filipino. Ang kauna-unahang balitang…
Itinalaga ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. si Ted Herbosa bilang bagong kalihim ng Department of Health (DOH). Isinagawa ni Marcos ang appointment halos isang taon matapos iwanang bakante ang puwesto. Inanunsyo ng Malacañang ang appointment matapos makapanay ng Pangulo sina Herbosa at Health Undersecretary Ma. Rosario Vergeire sa isang pagpupulong sa Malacañang nitong Lunes ng hapon, Hunyo 5. Si Herbosa, isang doktor sa propesyon, ay nagsilbi bilang isang espesyal na tagapayo ng National Task Force laban sa Covid-19. Naglingkod din siya bilang DOH Undersecretary mula 2010 hanggang 2015, na nag-ambag sa iba’t ibang mga inisyatiba tulad ng Hospital Accreditation…
Nakatakdang ipatupad sa Martes, Hunyo 6, ang katiting na bawas-presyo sa produktong petrolyo sa Martes, Hunyo 6. Sa abiso ng Shell, Caltex, Seaoil, Clean Fuel at Petro Gazz, magkakaroon ng rollback na ₱.60 sa presyo ng kada litro ng gasolina at ₱.30 naman ang ibabawas sa presyo ng kada litro ng diesel. Itinakda rin ng Shell, Caltex at Seaoil ang bawas na ₱.60 sa presyo ng bawat litro ng kerosene. Ang naturang hakbang ng mga kumpanya ng langis ay resulta ng paggalaw sa presyo ng produkto sa pandaigdigang merkado.
Nasa blue alert status ang Office of the Civil Defense (OCD)-Bicol matapos itaas ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) sa Alert Level 2 ang alert status ng Bulkang Mayon sa Albay nitong Lunes, Hunyo 5. Ayon kay OCD-Bicol Assistant Regional Director Jsar Adornado, nakaantabay ang lahat ng unit bilang paghahanda sa posibleng pagsabog sa ilalim ng blue alert. Binanggit din ni Adornado na isinasagawa na ang mahigpit na koordinasyon sa pamahalaang panlalawigan ng Albay at Phivolcs. “Hihingi kami ng contingency plan ng lalawigan ng Albay kung saan ilalagay ang evacuation centers,” ani Adornado. Samantala, inabisuhan ng Legazpi City…
Hinikayat ni Manila Mayor Honey Lacuna ang mga opisyal at empleyado ng Manila City Hall na makiisa sa month-long activities na ikinasa ng pamahalaang lungsod para sa pagdiriwang ng ika-452 anibersaryo ng Araw ng Maynila sa Hunyo 24. Ang paghikayat ay ginawa ng alkalde sa regular na flag raising ceremony sa Manila City Hall nitong Lunes. Kasabay nito, inilatag na rin ni Lacuna ng mga nakalinyang aktibidad para sa Araw ng Maynila. Kabilang dito ang pagpaparangal ng local government employees na nakapaglingkod ng matagal at ginugol ang kanilang panahon sa paglilingkod sa lungsod, pagkilala sa mga residente ng lungsod na…
Inanunsyo ng Israel nitong Lunes, Hunyo 5, ang pagpapalawak ng embahada nito sa Pilipinas bilang pagdiriwang umano sa lumalagong relasyon ng dalawang bansa. “We’re thrilled to announce the expansion of our Embassy, reflecting the growing and flourishing relations between Israel and the Philippines,” pahayag ng Embassy in the Philippines. Pinasinayaan umano ni Israeli Foreign Minister Eliyahu “Eli” Cohen ang mga bagong tanggapan ng embahada sa kanyang pagbisita sa Maynila. Matatandaang dumating sa Maynila si Cohen nitong Linggo ng gabi, Hunyo 4, para sa kaniyang 2-day visit na naglalayon umanong palakasin ang magandang relasyon sa pagitan ng Israel at Pilipinas. Sa…