Author: News Desk

Lalo pang bumulusok at umabot na lamang sa moderate risk na 16.8% ang 7-day positivity rate ng Covid-19 sa National Capital Region (NCR) hanggang noong Hunyo 3. Sa datos na ibinahagi ni OCTA Research Fellow Dr. Guido David nitong Lunes, nabatid na ito ay malaking pagbaba mula sa 21.7% na positivity rate na naitala sa rehiyon noong Mayo 27. “#covid weekly testing positivity rate decreased in NCR from 21.7% on May 27 to 16.8% (moderate) on June 3 2023,” tweet pa ni David. Aniya pa, bukod sa NCR, bumaba rin at nasa moderate risk na ang positivity rates sa Bulacan (mula 22.1%…

Read More

Nakapagtala pa ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ng lima pang pagyanig sa Kanlaon Volcano sa nakaraang 24 oras. Sinabi ng Phivolcs, ang sunud-sunod na volcanic earthquake ay naitala nitong Linggo dakong 5:00 ng madaling araw hanggang Lunes, dakong 5:00 ng madaling araw. Nitong Sabado hanggang Linggo, tumindi pa ang pag-aalburoto ng bulkan matapos yumanig ng 34 na beses. Gayunman, naobserbahan ng ahensya ang mahinang usok na ibinuga ng bulkan sa nakalipas na 24 oras. Mahigpit pa ring ipinagbabawal ang pagpasok sa 4-kilometer radius permanent danger zone (PDZ) dahil sa inaasahang phreatic explosions. Kasalukuyang ipinaiiral ang Alert Level…

Read More

Dumating na sa Maynila si Israeli Foreign Minister Eliyahu “Eli” Cohen nitong Linggo ng gabi, Hunyo 4, para sa kaniyang 2-day visit na naglalayon umanong palakasin ang magandang relasyon sa pagitan ng Israel at Pilipinas. Ayon sa Israeli Embassy in the Philippines, layon din ng pagbisita ni Cohen na pahusayin ang kasalukuyang pakikipagtulungan ng dalawang bansa pagdating sa larangan ng agrikultura, tubig, inobasyon at teknolohiya, at kooperasyong pang-ekonomiya. Sa kaniyang pagbisita sa bansa, inaasahan umanong maganap ang courtesy call ni Cohen kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ang bilateral meetings kasama si Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Enrique Manalo,…

Read More

Isang taon pa lamang ang nakakaraan mula nang magtagumpay siya sa eleksyon noong 2022, ngunit may isang tiyak na sagot si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa legasiya na nais niyang iwan: ang maalala bilang taong tumulong sa mga ordinaryong Pilipino. Sinabi ito ni Marcos matapos niyang buksan ang Malacañang Heritage Tours, na nagpapakita sa buhay at legasiya ng mga namuno sa bansa. Sa kaniyang vlog, tinanong ang Pangulo tungkol sa kaniyang legasiya na gustong maalala sa kaniya ng mga Pilipino. “Kapag wala na ako, sana maalala ako na siya’y talagang tumulong sa pangkaraniwan na taong Pilipino,” ani Marcos. Gayunpaman,…

Read More

Ang mga online merchant ay dapat sumunod sa parehong tax requirement kagaya ng tradisyunal na mga operator ng tindahan at nagbebenta ng mga kalakal at serbisyo, sinabi ng Bureau of Internal Revenue (BIR). Sa panayam ng dzBB, nilinaw ni BIR Commissioner Romeo D. Lumagui, Jr. na ang paninindigan ng bureau ay naglalayong hikayatin ang libu-libong negosyanteng sangkot sa digital transactions na irehistro ang kanilang operasyon sa ahensya at tuluyang tuparin ang kanilang mga obligasyon sa buwis. Ipinaliwanag ni Lumagui na ang mga online na negosyo ay mananagot para sa mga buwis sa kita, value-added, at porsyento, na tinutukoy batay sa…

Read More

Natanggap na ng pamahalaan ng Pilipinas ang halos 400,000 doses ng Pfizer bivalent COVID-19 vaccines na donasyon mula sa Lithuanian government. Ito ang kauna-unahang bivalent vaccines na dumating sa bansa. Nabatid na ang naturang mga bakuna ay dumating nitong Sabado ng gabi, Hunyo 3, sa Terminal 3 ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA). Personal itong tinanggap ng mga opisyal ng pamahalaan, sa pangunguna ni Department of Health (DOH) Assistant Secretary Leonita Gorgolon, sa isang seremonya, na dinaluhan rin ng Honorary Consul ng Republic of Lithuania, na si Julia Netta Vildzius Peña at ng Deputy Head ng Mission of the European…

Read More

Bumaba pa sa 18.6% na lamang ang nationwide COVID-19 positivity rate nitong Sabado, Hunyo 3. Ito ay ayon sa datos na ibinahagi ni Dr. Guido David ng independent OCTA Research Group sa kanyang Twitter account nitong Sabado ng gabi. Ayon kay David, bumulusok pa sa 18.6% ang positivity rate ng COVID-19 sa bansa mula sa dating 19.4% na naitala noong Hunyo 2. Dagdag pa ni David, nakapagtala rin ang bansa ng 1,337 bagong COVID-19 cases sa buong bansa, kabilang ang 389 na naitala sa National Capital Region (NCR). Dahil sa mga bagong kaso, ang total COVID-19 cases sa Pilipinas ay…

Read More

Itinalaga si Senate Majority Leader Joel Villanueva bilang caretaker ng Senado simula Hunyo 3 hanggang 15. Ito ay matapos lagdaan ni Senate President Juan Miguel “Migz” Zubiri ang Special Order No. 2023-020 (OSP) noong Hunyo 1, na nagtalaga kay Villanueva bilang Officer-In-Charge ng Senado bilang kapalit ng absence ng Senate President. “Part of our role as majority leader is to step up when the leadership calls for it,” ani Villanueva. “Business as usual po tayo dito sa Senado kahit nag-adjourn na po tayo sine die nitong Miyerkules,” saad pa niya. Ang pagtatalaga kay Villanueva ay alinsunod umano sa Rule IV…

Read More

Nananawagan si Manila Mayor Honey Lacuna sa National Historical Commission of the Philippines (NHCP) na maglagay ng mas maraming historical markers bilang pagkilala sa lahat ng iba pang mga bayani at sa kanilang naiambag sa kalayaang tinatamasa ngayon ng mga Filipino. Ang panawagan ay ginawa ni Lacuna nang pangunahan ang 452nd Anniversary ng Kagitingan ng Bangkusay sa Moriones Plaza, Tondo, Manila nitong Sabado, Hunyo 3. Ayon kay Lacuna, “Maisaalang-alang na rin sana ang pagkakaroon ng mga panandang kasaysayan na magpapanatili sa alaala ng mga bayaning tulad nila Raha Soliman, Raha Matanda, Lakan Dula at iba pa. Ang kanilang kagitingan, katapangan, at malasakit…

Read More

Inihain ni Senador Cynthia Villar ang Senate Bill 2228 o ang “Graduating Students for Reforestation Act of 2023” na naglalayong gawing mandato sa bawat estudyanteng magsisipagtapos sa Senior High School (SHS) at kolehiyo ang pagtatanim ng dalawang puno upang maprotektahan umano ang kalikasan. Sa kaniyang explanatory note, binanggit ni Villar na nakasaad sa konstitusyon na mahalaga ang papel ng kabataan at kalikasan sa bansa. “It outlines the youth’s crucial role in nation-building and their holistic development, alongside the State’s commitment to secure a balanced and healthful ecology in accord with the rhythm and harmony of nature,” ani Villar. Upang matupad…

Read More