Author: News Desk

Nagbigay na ng committment si Indonesian President Joko Widodo na muling rerepasuhin ang kasong illegal drugs na kinakaharap ni Mary Jane Veloso. Sinabi ni Presidential Communications Office (PCO) Sectetary Cheloy Garafil, na ginawa ni Indonesian President Joko Widodo ang pahayag nang makausap si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa tatlong araw na official visit sa bansa. Si Veloso ay nahaharap sa parusang kamatayan sa Indonesia matapos makumpiskahan ng 2.6 kilo ng heroin noong 2010. Subalit itinanggi ni Veloso na kanya ang nakuhang droga at sinabing ipinadala lang ito sa kanya ng recruiter na si Kristina Sergio. Ayon kay Garafil, pina­kinggan…

Read More

Nagtagumpay ang pamahalaan sa kampanya nito laban sa ilegal na droga, ayon sa pahayag ng Malacañang nitong Lunes, Enero 8. Pinagbatayan ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. ang nasamsam ng Philippine National Police (PNP) na mahigit sa ₱10.4 bilyong halaga ng illegal drugs sa sunud-sunod na operasyon noong 2023. “Na-ireport ng PNP na we have successfully confiscated an estimated 10.4 billion pesos worth of illegal drugs in 2023. Masasabi natin na 27,968 barangay ay naideklarang drug-cleared,” bahagi ng video message ng Pangulo. “Magandang progreso ito sa grassroots level dahil ang mga barangay ay ‘pag nasabi natin ay cleared ‘yan, madali nang i-monitor at…

Read More

Umabot na sa 161 ang bilang ng mga indibidwal na nasawi dahil sa magnitude 7.5 na lindol na yumanig sa bansang Japan noong Enero 1, 2024, ayon sa mga lokal na awtoridad nitong Lunes, Enero 8. Sa ulat ng Agence France-Presse, inihayag ng mga awtoridad sa Japan na mula sa 128 indibidwal na naitalang nasawi nitong Linggo, Enero 7, naging 161 na ito makalipas lamang ang isang gabi. Bukod dito, umakyat na rin daw sa 103 ang bilang ng mga nawawala. Matatandaang tumama ang magnitude 7.5 na lindol, unang itinaas sa magnitude 7.6, sa rehiyon ng Noto sa Ishikawa prefecture…

Read More

Ikinatuwa ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang naitalang pinakamababang antas ng inflation rate nitong Disyembre 2023. Iniulat ng Philippine Statistics Authority (PSA) na ang inflation para sa Disyembre 2023 ay lalong bu­magal sa 3.9 porsyento mula sa 4.1 porsyento noong Nobyembre 2023, na nagdala sa buong taon na ave­rage na inflation rate sa 6.0 porsyento. “Natutuwa akong ibinalita na bumaba pa ang inflation rate sa bansa noong Disyembre 2023 sa 3.9 percent—ang pinakamababa noong nakaraang taon, mula sa 4.1 percent para sa Nobyembre 2023,” pahayag ni Pangulong Marcos sa isang social media posting. “Patuloy ang pagsusumikap ng pamahalaan para…

Read More

Kapwa nagpahayag ng katapatan ang Armed Forces of the Philippines (AFP) at ang Philippine National Police (PNP) sa administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. bilang kanilang Commander-in-Chief. Ang pahayag ng AFP at PNP ay kasunod ng video post ni Ret. Brig Gen. Johnny Macanas Sr. sa social media na pagsuporta umano nina AFP Chief General Romeo Brawner Jr. at PNP Chief General Benjamin Acorda Jr. sa tangkang destabilisasyon sa pamahalaan. Ayon kay Brawner, mananatili ang kanilang katapatan sa Saligang Batas gayundin ang walang pasubaling pagganap sa kanilang mandato. Wala umanong basehan ang naging pahayag ni Macanas. Tiniyak ni Brawner…

Read More

Umakyat na sa 107 ang kabuuang “fireworks-related injuries”, 38% nito ay mula sa NCR, 11% mula sa Central Luzon, 11% sa Ilocos Region, 7% mula sa Soccsksargen, at 5% mula sa Cagayan Valley. Sa Fireworks Related Incident #9 ng Department of Health (DOH) mula Disyembre 29-30 ng umaga, nakapagtala ng 11 bagong kaso ng naputukan mula edad 6-72 taong gulang at karamihan (82%) ay mga lalaki. Kabilang dito ang 72-taong gulang na lolo mula sa NCR na naputukan ng kwitis na sinindihan ng iba, habang isang 19-taong gulang na lalaki mula sa Cagayan Valley naman ang naputulan ng kaliwang kamay…

Read More

Walong bata na sa bansa ang nabiktima ng mga ipinagbabawal na paputok higit isang linggo bago ang pagsapit ng Bagong Taon, ayon sa datos ng Department of Health (DOH). Sa Day 2 ng monitoring sa FWRI (Fireworks Related Injuries) ng DOH, apat na bagong kaso ang nadagdag nitong Disyembre 23 sa mga naputukan at nadagdag sa apat na biktima noong Disyembre 22. Lahat ng mga bagong kaso ay mga batang lalaki na may edad 8 hanggang 12 taon, at ­naging biktima ng illegal (3) at legal (1) na paputok, ayon sa DOH. Sa kabuuang bilang ng mga kaso, ang mga…

Read More

Hinikayat ni dating Supreme Court Senior Associate Justice Antonio Carpio ang gobyerno ng Pilipinas na dapat humingi na ng suporta sa Estados Unidos sa isinasagawang resupply missions sa West Philippine Sea. Sinabi ni Carpio na panahon na para samahan ng mga barko ng US ang PCG kapag nagsasagawa ng resupply mission upang hindi maging agrabyado. Dapat din umano na magtayo na ang Pilipinas ng mga sibilyang istruktura tulad ng lighthouse o marine reseach center sa Ayungin Shoal kung saan nakasadsad ang BRP Sierra Madre mula pa noong 1999. Kasunod ito ng mga agresyon ng mga barko ng China sa mga…

Read More

Nasakloklohan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang limang mangingisda matapos ang diumano’y pagsalpok ng isang foreign bulk carrier vessel sa bangka ng nauna malapit sa Paluan, Occidental Mindoro nitong Martes. Ayon sa PCG ngayong Huwebes, nangyari ang insidente bandang 4 p.m. nang banggain ng Chinese vessel na MV TAI HANG 8 ang FBCA RUEL J. “The PCG received information regarding the incident at 12NN yesterday, 06 December 2023. They immediately coordinated with the boat owner in Puerto Princesa City, Palawan,” wika ng PCG. “FBCA Joker, FBCA Precious Heart, and FBCA Jaschene conducted rescue and towing operations near Pandan Island, Sablayan,…

Read More

Matagumpay na naiuwi ng isang bagong milyunaryo mula sa Lungsod ng Quezon ang jackpot prize ng MegaLotto 6/45 matapos tumaya nang halos tatlong dekada — ang mga numero, galing daw sa mga birthday ng kanyang kamag-anak. Sa pahayag ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ngayong Miyerkules, sinabing inuwi ng isang 50-anyos na lalaki ang kanyang papremyo nitong ika-10 ng Nobyembre matapos tamaan ang winning combination na 13-31-16-01-25-10. “A devoted lotto patron for nearly 28 years, he initially harbored doubts about winning but remained committed to contributing to the PCSO’s charity fund to assist the less fortunate,” sabi ng PCSO kahapon. “He plans…

Read More