Author: News Desk

Isasagawa na ng Pilipinas, United State at Japan Coast Guards ang kanilang maritime exercise sa karagatang sakop ng Mariveles, Bataan nitong Hunyo 1. Ilalabas ng Philippine Coast Guard (PCG sa nasabing pagsasanay ang BRP Melchora Aquino (MRRV-9702), BRP Gabriela Silang (OPV-8301), BRP Boracay (FPB-2401), at isang 44-meter multi-role response vessel. Gagamitin naman ng US Coast Guard ang kanilang USCGC Stratton (WMSL-752) habang isasabak naman ng Japan CG ang Akitsushima (PLH-32) nito. Sa pahayag ng PCG, layunin ng trilateral maritime exercise na mapatatag ang kanilang interoperability sa pamamagitan ngcommunication exercises, maneuvering drills, photo exercises, maritime law enforcement training, search and rescue…

Read More

Tinatayang 45% ng mga Pilipino ang nagsabing bubuti ang kalidad ng kanilang pamumuhay sa susunod na 12 buwan, ayon sa Social Weather Stations (SWS) nitong Huwebes, Hunyo 1. Sa tala ng SWS, 42% naman umano ang naniniwalang hindi magbabago ang kalidad ng kanilang pamumuhay sa susunod na 12 buwan, habang 6% naman ang nagsabing lalala pa ang kanilang pamumuhay sa susunod na 12 buwan. Samantala, 7% umano ang hindi nagbigay ng sagot sa nasabing usapin. Tinawag ng SWS na “Optimists” ang mga naniniwalang bubuti ang kalidad ng kanilang pamumuhay habang tinatawag nitong “Pessimists” ang mga nagsabing lalala ang kanilang pamumuhay…

Read More

Namahagi ang Philippine Red Cross (PRC) ng mga personal hygiene products para sa mga elderly patients ng National Center for Mental Health (NCMH) kamakailan. Sinabi ng PRC nitong Huwebes na mismong sina PRC Secretary General Dr. Gwen Pang at PRC Board of Governors Vice Chairperson Corazon Alma De Leon ang nanguna sa distribusyon ng may 150 hygiene kits para sa elderly inpatients ng Female Aged Care and Wellness Unit ng NCMH noong Mayo 30. Anang PRC, ang mga ipinamahaging kit ay naglalaman ng mga bar soap, soap dish, hand towel, shampoo, toothbrush, at toothpaste. Ipinaliwanag ni Dr. Pang, na isang…

Read More

Siniguro ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. Miyerkules, Mayo 31, na nakatuon ang pamahalaan na suportahan ang mga bagong Certified Public Accountants (CPAs). Sa kaniyang social media post, shinare ni Marcos ang resulta ng nakaraang CPA licensure exams kung saan nakasaad dito na 30.36% o 2,239 sa 7,376 examinees ang pumasa. “Congratulations to our new certified public accountants! “May this feat inspire more of our countrymen to join this vital profession and make a significant impact on our workforce,” ani Marcos. “Our government is committed to supporting you,” saad pa niya. Isinagawa umano ang naturang licensure exam mula Mayo 21…

Read More

Pinayuhan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang publiko na puwede nang magtungo sa mga satellite office ng ahensya na malapit sa kani-kanilang lugar upang kumuha ng ayuda kaugnay ng anti-poverty program ng pamahalaan. “Beginning today, June 1, Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS) clients should go to the DSWD satellite office nearest their areas of residence as this will be more convenient and economical for them,” pahayag ni DSWD Spokesperson, Assistant Secretary Romel Lopez nitong Huwebes. Kamakailan, iniutos ni DSWD Secretary Rex Gatchalian ang pagtatatag ng AICS satellite processing areas alinsunod na rin sa direktiba ni…

Read More

Nilagdaan na ni Ugandan President Yoweri Museveni nitong Lunes, Mayo 29, bilang batas ang kontrobersyal na anti-gay bill, ayon sa kaniyang tanggapan at ng parlyamento ng bansa. Sa ulat ng Agence France-Presse, sinang-ayunan ni Museveni ang Anti-Homosexuality Bill 2023 na ngayon ay tinawag nang Anti-Homosexuality Act 2023. Sa isang Twitter post, sinabi ng parliament ng Uganda na pumayag si Museveni sa isang bagong draft ng batas na inaprubahan ng mga mambabatas noong unang bahagi ng buwang ito. Sa bagong bersyon ng batas, nilinaw na ang pagkilala bilang “gay” ay hindi magiging krimen, ngunit ang “pag-engage sa mga gawa ng homosexuality”…

Read More

Iniutos ng Sandiganbayan na arestuhin ang isang dating alkalde ng Rizal kaugnay ng kinakaharap na kasong graft dahil sa mga transaksyon nito noong 2000. Bukod kay dating Cainta, Mayor Nicanor Felix, ipinaaaresto rin ng 6th Division ng anti-graft court ang mga kasamahang akusado na sina municipal treasurer Herminia Mendoza Cruz, municipal accountant Ophelia Cruz De Guzman at private individual na si Ariel Bautista. Inilabas ng hukuman ang warrant of arrest matapos mahatulang makulong ng hanggang 26 taon ang tatlo pang akusado sa kaso na sina municipal budget officer Privada Gonzales, municipal bidding committee member Marciano Doroteo, at budget officer Glady…

Read More

Nasabat ang mga kahon ng pekeng sigarilyo na nagkakahalaga ng P700,000 sa buy-bust operation sa Danao City, northern Cebu noong Martes, Mayo 30. Nakuha ang mga pekeng sigarilyo sa bahay ng 59-anyos na si Fernando Beduya sa Barangay Looc pasado alas-7 ng gabi. Si Beduya ay inaresto ng mga ahente ng Criminal Investigation and Detection Group-Regional Field Unit 7 matapos itong mahuli na nagbebenta umano ng mga pekeng sigarilyo. Nasa paligid ang mga opisyal ng Bureau of Internal Revenue at Philip Morris Fortune Tobacco Co. Nasamsam sa operasyon ang iba’t ibang tatak ng sigarilyo na tinatayang nasa P700,000 ang halaga.…

Read More

Patay ang isang babae matapos mahulog mula sa ika-14 na palapag ng condominium sa Malate, Maynila nitong Miyerkules, Mayo 31. Sa ulat ng Manila Police District (MPD), humingi ng tulong sa pulisya si Barangay Chairwoman Divina Gracia dakong alas-9:20 ng umaga matapos mahulog ang isang babae mula sa ika-14 na palapag ng condominium sa Taft Avenue corner Malvar St. sa Malate district. Nalaman ng mga rumespondeng police investigator mula sa security guard ng condo na nahulog ang babae sa bandang 9:15 a.m. Hindi pa nakikilala ng pulisya ang biktima.

Read More

Ikinalungkot ng GMA Kapuso Network ang hindi inasahang pamamaalam ng iconic Tito, Vic, at Joey sa TAPE Inc ng pamilya Jalosjos nitong Miyerkules, Mayo 31. Sa isang pahayag, hiniling ng network ang resolusyon sa mga isyung nakapalibot sa dalawang panig at ng higit apat na dekadang Eat Bulaga. “We are saddened by today’s unexpected turn of events with regard to Eat Bulaga. GMA has been the home of Eat Bulaga for many years and we still have a block time agreement with TAPE until the end of 2024 for the noontime slot,” anang TV network. “Together will all the Filipino…

Read More