Author: News Desk

Tumanggap na ng tulong pinansyal ang mga pamilyang may-ari ng mga bahay na nawasak ng bagyong Betty sa Ilocos at Cagayan Valley region, ayon sa pahayag ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) nitong Miyerkules. Sa report ng DSWD-Disaster Response Management Bureau (DRMB) nitong Mayo 30, nasa ₱150,157 halaga ng paunang humanitarian assistance ang naipamahagi na sa mga pamilyang naapektuhan ng bagyo sa dalawang rehiyon. Umabot na rin sa ₱484,972 na halaga ng ayuda ang tinanggap ng mga pamilyang naapektuhan ng southwest monsoon o habagat na pinaigting ng bagyong Betty. “Secretary Gatchalian has already instructed all DSWD Field Offices…

Read More

Nagbabala ang Bureau of Immigration (BI) nitong Miyerkules laban sa call center job scam na nagre-recruit ng mga Pinoy upang magtrabaho sa Myanmar at Thailand. Ang babala ay inilabas ng ahensya kasunod na rin ng pagpapauwi sa bansa ng siyam na Pinoy mula sa Myanmar at Thailand matapos mapeke sa inaaplayang trabaho. Paliwanag naman ni BI Commissioner Norman Tansingco, pawang professional ang siyam na biktima na nagtungo sa mga naturang bansa upang humanap ng magandang trabaho. “These latest batch of victims show that traffickers are using the same modus to recruit young professionals to seemingly-good call center jobs abroad… Only…

Read More

Para kay Senior Deputy Majority Leader at Ilocos Norte 1st district Rep. Sandro Marcos, ang mga Pilipino ay “mapalad na magkaroon ng pinuno” na kagaya ni Vice President Sara Duterte. Idineklara ito ng presidential son sa kanyang social media Miyerkules, Mayo 31, ang ika-45 na kaarawan ni Duterte. “Happy happy birthday madame VP, we are blessed to have a leader like you,” anang Marcos sa Kamara. Ang kanyang post ay may kasamang birthday pubmat na nilagyan ng berde — kulay na markado sa opisyal. “Thank you for being someone people can look up to and for being half of the…

Read More

Natagpuang patay ang isang 8-anyos na batang babae sa bakanteng lote sa Brgy. Gulang-gulang, nitong Miyerkules ng umaga, Mayo 31. Ang biktima, residente ng Brgy. Kalilayan Ibaba, Unisan, Quezon, ay pumunta sa Lucena kasama ang kaniyang ama para makipagpista noong Mayo 30, at nanatili sa compound ng Quezon Medical Center (QMC) para magpalipas ng gabi. Ayon sa ama ng biktima, inutusan ang bata na bumili ng kape bandang ala-1 o alas-2 ng madaling araw ngunit hindi na ito bumalik. Hinanap ang bata sa paligid ng nasabing barangay at nagtanong sa mga residente sa pamamagitan ng pagpapakita ng isang papel na…

Read More

Eksaktong 2:33 ng madaling araw ng Mayo 31, 2023, inaprubahan ng Senado sa ikatlong pagbasa ang Maharlika Investment Fund Bill of 2023. “Nagpapasalamat ako sa aking mga kapwa senador mula sa mayorya at minorya para sa mga amendment na kanilang inihain, sama-sama nating nagawa ang isang panukalang batas na pakikinabangan ng husto ng mga Pilipino,” sabi ni Villar. Umabot ng 12 oras ang Period of Amendments para sa Maharlika Bill bago ito naipasa sa ikatlong pagbasa na may 19 na pabor, 1 hindi pabor, at 1 hindi bumoto. “Isinulong natin ang panukalang batas na ito hindi lamang para sa positibong…

Read More

Apat na katao na umano’y sangkot sa iligal na pagbebenta ng GCash accounts ang arestado sa serye ng mga operasyon na isinagawa ng mga ahente ng National Bureau of Investigation-Cybercrime Division (NBI-CCD). Sa isang pahayag, kinilala ng NBI ang mga naaresto na sina Raul D. Malabon, Jerrica T. Sarmiento, Matthew Daniel Torres, at Alexis B. Alviento na pawang kinasuhan ng mga paglabag sa Republic Act No. 8484, ang Access Devices Regulations Act of 1998, kaugnay ng RA 10175, ang Cybercrime Prevention Act of 2012. “Ang serye ng mga operasyon ay nagmula sa impormasyon na ang ilang indibidwal ay nasa talamak…

Read More

Pinuri ni Manila Mayor Honey Lacuna nitong Martes ang Manila Police District -Special Mayor’s Reaction Team (MPD-SMaRT), sa pamumuno ni PMAJ Edward Samonte dahil sa matagumpay na muling pagkaaresto sa isang Koreano na una nang nakatakas sa Bureau of Immigration (BI) warden facility sa Bicutan, Taguig kamakailan, gayundin sa matagumpay na pagkakumpiska sa isang kilo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P6.8 milyon, sa nasabing operasyon. Ang naturang pugante, na kinilalang si Kang Juchun, alyas Junghon Nam, 38, isang computer engineer, ay iprinisinta kay Lacuna ni Samonte at mga kinatawan mula sa BI, sa pangunguna ni Bureau spokesperson Dana Sandoval…

Read More

Inaresto ng mga miyembro ng Pasay City Police Warrant and Subpoena Section (WSS) ang dalawang lalaking wanted sa kasong carnapping at panggagahasa sa magkahiwalay na manhunt operations. Kinilala ni Col. Froilan Uy, hepe ng pulisya ng lungsod, ang mga suspek na sina Romel Rico Leal, 25, at John Peter Gascon, 26. Sinabi ni Uy na si Leal, na nahaharap sa kasong carnapping, ay naaresto dakong ala-1:00 ng hapon noong Mayo 26 sa Pasadeña St. sa Pasay City sa bisa ng warrant na inisyu ni Judge Elenita Carlos Dimaguiba ng Pasay Regional Trial Court (RTC) Branch 298 noong Marso 23, 2023, na…

Read More

Isang 47-anyos na kasambahay ang natagpuang patay sa bahay ng kanyang amo sa Sampaloc, Maynila nitong Martes ng umaga, Mayo 30. Kinilala ang babae na si Daisy Palacio, residente ng Leo Street, Sampaloc, Maynila. Sinabi ng pulisya na ang babae ay stay-in housemaid ng isang pamilya sa Tuazon St., Sampaloc, Manila. Batay sa imbestigasyon ng Manila Police District (MPD) Samaloc Police Station (PS-4), dakong 9:15 ng umaga nang matagpuan ng kanyang amo ang bangkay ng babae sa loob ng banyo. Agad namang ini-report ng employer ang insidente sa MPD PS-4. Nagsasagawa pa ng malalimang imbestigasyon ang mga awtoridad sa kaso.

Read More

Sa gitna ng patuloy na pagsusuri sa basic education program ng bansa, itinuring ng isang advocacy group na “unfair” na tawaging bigo ang K to 12 program. “I think that we must really first look at and completely really do a comprehensive assessment of the system first,” saad ni Philippine Business for Education (PBEd) Executive Director Justine Raagas sa isang panayam sa gitna ng Annual Membership Meeting ng organisasyon nitong Lunes, Mayo 29. Sa isang event na ginanap sa Shangrila The Fort sa Taguig City, iniharap din ng PBEd ang State of the Education Report nito na naglalarawan sa mga…

Read More