Subscribe to Updates
Get the latest creative news from FooBar about art, design and business.
- Internet voting pinatitigil sa SC
- 3 Pinoy ‘spy’ inaresto sa China
- Pangulong Marcos, VP Sara trust ratings bumaba – SWS
- Mercado bagong PhilHealth Presidente.; Nerez itinalagang PDEA chief
- VP Sara: Halos 200 personnel, posibleng mawalan ng trabaho sa tapyas sa 2025 budget
- Durian ng Pinas planong dalhin sa New Zealand
- PhilHealth inalis na ‘single confinement policy’
- Senator Imee kumalas sa admin senatorial ticket
Author: News Desk
Iniulat ng independiyenteng OCTA Research Group nitong Martes na patuloy na sa pagbaba ang 7-day positivity rate ng Covid-19 sa National Capital Region (NCR). Sa datos na ibinahagi ni OCTA Fellow Dr. Guido David, nabatid na ang positivity rate ng rehiyon ay nasa 21.2% na lamang noong Mayo 28, 2023. Ito ay apat na puntos na pagbaba mula sa dating 25.2% noong Mayo 21. Samantala, maging ang reproduction number ng Covid-19 sa NCR ay bumaba na rin sa 0.97 o less than 1 noong Mayo 26. Ang positivity rate ay ang porsiyento ng mga pasyenteng nagpopositibo sa Covid-19, mula sa…
Patay ang isang 7-anyos na batang lalaki at tatlo pang katao sa apat na magkakahiwalay na insidente ng pagkalunod sa lalawigang ito, ayon sa ulat nitong Lunes, Mayo 29. Kinilala ang batang Biktima na si DA, residente ng Brgy. Sta. Lucia, Novaliches, Quezon City; Alejandro Delos Santos, 47, karpintero, at residente ng Brgy. Burol Main, Dasmariñas City, Cavite; Joshua Atienza, 18, binata, estudyante, at residente ng Tierra Monde, Sariaya, Quezon; at Jhoniebel Estaño, 26, binata, driver, at residente ng Judge Juan Luna 74 Quezon City, ayon sa ulat ng Batangas Police Provincial Office (BPPO). Base sa police report, si DA ay…
Dalawampung munisipalidad sa rehiyon ng Bicol ang nagsuspinde ng klase sa lahat ng antas nitong Lunes, Mayo 29, dahil sa epekto ng tropical cyclone na “Betty,” sabi ng Office of the Civil Defense (OCD)-Bicol. Sa isang 3 p.m. media advisory na inilabas ng OCD-Bicol, ang suspensyon ay nagkabisa noong Lunes ng umaga “hanggang sa tinanggal.” Ang mga munisipalidad na nagsuspinde ng klase sa Camarines Norte ay ang Vinzons, Paracale, Jose Panganiban, Capalonga, Talisay, Daet, Mercedes, at Basud. Sa Camarines Sur, Caramoan, Garchitorena, Lagonoy, Tinambac, at Siruma; at Bato, Caramoan, Viga, Gigmoto, Panganiban, Bagamanoc, at Pandan sa Catanduanes. Sinabi ng OCD-Bicol…
Pinag-iingat ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) nitong Lunes ang publiko laban sa altapresyon o high blood pressure, lalo na ngayong napakainit ng panahon. Ang paalala ay ginawa ng PhilHealth kaugnay ng pagdiriwang ng Hypertension Awareness Month ngayong Mayo. Ayon sa mga health expert, ang altapresyon ay ang labis na pagtaas ng blood pressure na dumadaloy sa mga ugat ng isang tao o kapag ito ay umabot o mas mataas sa 140/90 mmHg (millimeters of mercury). Kabilang sa mga maaaring dahilan ng pagkakaroon ng altapresyon ay edad, namana sa magulang, nakuha sa paninigarilyo, sobrang timbang, pagkain ng sobrang maalat at…
Umabot sa “danger” level ang heat index sa 22 lugar sa bansa nitong Lunes, Mayo 29, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA). Sa tala ng PAGASA, nagkaroon ng mapanganib na heat index sa mga sumusunod na lugar: Infanta, Quezon (47°C) Juban, Sorsogon (47°C) Clark Airport, Pampanga (45°C) NAIA, Pasay City (45°C) Sangley Point, Cavite (45°C) Borongan, Eastern Samar (44°C) Calapan, Oriental Mindoro (44°C) Iba, Zambales (44°C) Port Area, Manila (44°C) Roxas City, Capiz (44°C) Alabat, Quezon (43°C) Catarman, Northern Samar (43°C) Catbalogan, Western Samar (43°C) Daet, Camarines Norte (43°C) Davao City, Davao del Sur (43°C) Hinatuan,…
Inirekomenda ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang pagpapanatili ng fishing ban sa tatlong lugar sa Oriental Mindoro dahil sa epekto ng oil spill na dulot ng paglubog ng MT Princess Empress kamakailan. Tinukoy ng BFAR ang Pola, Pinamalayan, at Naujan. Idinahilan ng ahensya, nakitaan pa rin ng bakas ng langis ang karagatang sakop ng mga naturang bayan. “The latest analyses of the DA-BFAR showed that traces of oil and grease in water samples slightly increased in all sampling sites in comparison to the baseline data, but these were still within the standard limit of <3.0 mg/L for…
Isang “mas mahigpit na aksyong pandisiplina” ang naghihintay kay Negros Oriental 3rd district Rep. Arnolfo “Arnie” Teves Jr. para sa kaniyang patuloy na pagliban nang walang opisyal na leave, ayon sa House Committee on Ethics and Privileges nitong Lunes ng hapon, Mayo 29. Hindi pa naman tinukoy ng komite kung ano ang nasabing mas mabigat na parusa labas kay Teves. “The Committee on Ethics and Privileges, unanimously decided to recommend to the plenary the imposition of a stiffer disciplinary action to our colleague Arnolfo A Teves Jr. for violation of the Rules of the House of Representatives particularly Rule 20…
Sa unang pagkakataon, magsasagawa ang Philippine Coast Guard (PCG) ng trilateral maritime exercise kasama ang United States Coast Guard (USCG) at Japan Coast Guard (JCG) sa kalapit na karagatan sa Mariveles, Bataan mula Hunyo 1 hanggang Hunyo 7 ngayong taon. Sa ulat ng PCG nitong Lunes, Mayo 29, layon ng PCG-USCG-JCG maritime exercise na palakason ang “interoperability” ng bawat bansa sa pamamagitan ng communication exercises, maneuvering drills, photo exercises, maritime law enforcement training, search and rescue (SAR), at passing exercises. “Participating Coast Guard personnel will demonstrate a scenario involving a suspected vessel involved in piracy. The joint law enforcement team…
Iniulat ng Department of Health (DOH) na mula Mayo 22 hanggang 28 ay nakapagtala sila ng 11,667 bagong kaso ng Covid-19 sa bansa. Batay sa national Covid-19 case bulletin na inilabas ng DOH nitong Lunes, nabatid na ang average na bilang ng bagong kaso ng sakit kada araw ngayong linggo ay nasa 1,667. Ito anila ay mas mababa ng 6% kumpara sa mga kasong naitala noong Mayo 15 hanggang 21. Anang DOH, sa mga bagong kaso, 105 ang may malubha at kritikal na karamdaman. Ang magandang balita ay wala namang naitala ang DOH na pumanaw dahil sa sakit mula Mayo…
Hinikayat ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marco Jr. ang mga Cebuano na maging katuwang ng pambansang pamahalaan sa pagdating sa nation-building. Sa pagsasalita sa harap ng maraming tao sa Office of the Presidential Assistant for the Visayas (OPAV) sa Cebu City nitong Sabado, Mayo 27, sinabi niyang huwag silang mag-atubiling makipag-ugnayan sa kaniya kung sa tingin nila ay kailangan ang kaniyang interbensyon sa ilang mga isyu. Binigyang-diin din ni Marcos ang kahalagahan ng bawat indibidwal sa pagsusulong ng iba’t ibang pambansang agenda. “Nandiyan pa rin kayo at inaasahan namin kayo na you’re still our partners in all that we are doing…