Author: News Desk

Makikipagpulong ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa Huwebes, Mayo 25, kasama ang mga opisyal ng disaster management ng National Capital Region (NCR) para pag-usapan ang paghahanda sa posibleng masamang epekto ng super bagyong “Mawar”. Sinabi ni MMDA acting chairman Don Artes na ang pagpupulong ay naglalayong makabuo ng mga plano at istratehiya upang matiyak ang kaligtasan ng mga residente ng Metro Manila sa sandaling makapasok si “Mawar” sa area of ​​responsibility ng bansa. Kapag nakapasok na ito sa Philippine area of ​​responsibility posibleng sa weekend, si “Mawar” ay tatawaging Betty, ang pangalawang bagyong pumasok sa bansa ngayong taon. Bagama’t…

Read More

Ang tag-ulan na nauugnay sa southwest monsoon o kilala bilang “habagat” ay inaasahang aarangkada sa susunod na mga araw, ayon sa Climate Monitoring and Prediction Section (CLIMPS) ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) . Sa isang climate outlook forum nitong Miyerkules, Mayo 24, sinabi ni CLIMPS chief Ana Liza Solis na ang tag-ulan ay maaaring magsimula sa “susunod na dalawang araw,” lalo na sa mga lugar na nauuri bilang Climate Type 1. Ang Metro Manila, gayundin ang kanlurang bahagi ng Luzon at Visayas, ay may Type 1 na klima. Ang mga lugar na ito ay may dalawang…

Read More

Pinaplano na ng Commission on Elections (Comelec) na maglunsad ng online voting para sa mga Pinoy sa ibang bansa sa idaraos na May 2025 elections. Paliwanag ni Comelec chairperson George Garcia, hinimay na nila ang mga detalye ng plano at inihahanda na nila ang paglalaan ng budget para sa naturang hakbang. Layunin ng hakbang na tumaas ang overseas voter turnout dahil kalahati lamang ng 1.6 milyong registered voters sa ibang bansa ang nakaboto sa nakaraang 2022 elections. “If after the 2025 elections, we see that overseas voters patronized Internet voting and less have availed of the personal and postal voting,…

Read More

Binalaan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang publiko laban sa pekeng social media post na nag-aalok ng educational assistance mula sa naturang ahensya. “Nais ipagbigay-alam ng Kagawaran ng Kagalingan at Pagpapaunlad Panlipunan na huwag agad maniwala sa mga online post na hindi inilabas ng mga opisyal na social media account ng DSWD,” anang ahensya. Tinukoy ng ahensya ang kumakalat na post mula sa website na “Tescholarship.com” na may poster na nagsasaad ng “DSWD Educational Assistance Open Now to Apply.” “Nais linawin ng Kagawaran — WALA itong katotohanan. Ang DSWD ay HINDI pa tumatanggap ng mga aplikasyon para…

Read More

Itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. ang dating pangulo ng National Press Club (NPC) bilang bagong executive director ng Presidential Task Force on Media Security (PTFoMS). Sa isang pahayag, kinumpirma ng Presidential Communications Office (PCO) na inaprubahan ng Pangulo ang appointment ni Paul Gutierrez nitong Mayo 19, 2023. Si Gutierrez ang kasalukuyang kalihim ng NPC. Itinatag ang PTFoMS sa bisa ng Administrative Order No. 1 noong Oktubre 14, 2016 sa ilalim ng nakaraang administrasyon na may layuning protektahan ang lahat ng mamamahayag mula sa lahat ng uri ng pagbabanta. Ginagarantiyahan din nito ang kalayaan ng mga mamamahayag sa Pilipinas.

Read More

Nakapagtala na ang Negros Oriental ng unang kaso ng African swine fever (ASF) sa Barangay Maayong, Dauin kamakailan. Dahil dito, inaapura na ng mga awtoridad ang pagkontrol nito upang hindi na lumaganap sa lalawigan. Umabot na sa 265 na baboy ang kinatay dahil na rin sa virus. Isinapubliko naman ni Provincial Board Member Woodrow Maquiling, chairman ng committee on agriculture, patuloy pa rin silang nagsasagawa ng malawakang pagkatay sa mga baboy na sakop ng 500 metro mula sa mga lugar na apektado ng ASF. “Provincial Veterinary Office (PVO) chief Belinda Villahermosa said in a meeting this morning that around 265…

Read More

Tumanggap si Manila Mayor Honey Lacuna ng parangal mula sa National Bureau of Investigation (NBI) bunsod nang di matatawarang suporta nito sa ahensiya. Nabatid na ang alkalde ay pinagkalooban ng certificate of commendation at NBI badge ni NBI Assistant Director Rommel Papa, na siyang kumatawan kay NBI Director Atty. Medardo de Lemos, sa regular na flagraising sa Manila City Hall nitong Lunes ng umaga. Sa kanyang talumpati, nagpaabot rin si Papa ng taos-pusong pasasalamat sa buong NBI, kay Lacuna, Vice Mayor Yul Servo at City Administrator Bernie.“Since its inception, Manila had been the NBI’s home since 1936…and through the years,…

Read More

Umabot na ng halos isang araw ang pag-apula ng Bureau of Fire Protection (BFP) ang sunog sa Manila Central Post Office. “Maraming apoy pa at may mga baga pa, kasi ang yari ng kahoy sa post office ay mga lumang kahoy ng narra at molave so mahirap po talagang apulahin yung mga ganyang klaseng kahoy,” paliwanag ni BFP-NCR Chief Supt. Nahum Tarroza. Bandang alas-7:25 ng gabi ay inakyat pa ng mga bumbero ang pinakamataas na palapag ng post office upang apulahin ang pasulpot-sulpot na apoy. Sa report ng BFP, nagsimula ang sunog sa basement ng gusali bandang 11:41 ng gabi…

Read More

Nasunog ang isang residential area sa Barangay Old Capitol Site sa Quezon City Linggo ng hapon. Ayon sa inisyal na ulat, nagsimula ang sunog pasado alas-3 ng hapon. Itinaas ito sa ikatlong alarm bago idineklarang under control pasado alas-5 ng hapon. Sa kasalukuyan wala pang naiuulat na nasaktan o nasawi sa insidente. Patuloy pa ang imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection sa pinagmulan ng sunog at inaalam pa rin kung ilang residente ang naapektuhan nito.

Read More

Tumataas ang bilang ng COVID-19 admission sa mga pribadong ospital sa bansa, ayon sa pangulo ng Private Hospital Association of the Philippines Incorporated (PHAPI) na si Dr. Jose Rene de Grano. Ayon kay De Grano, ang pagiging kampante ng karamihan ang isa sa mga nakikita nilang rason sa bahagyang pagtaas ng kaso. “So far dumami talaga, although gradual naman ang pag-increase. Still napapansin natin na nagi-increase talaga ang number of COVID positive,“ ani de Grano. Isa pa sa mga nakikitang rason ni De Grano sa pagdami ng COVID-19 admission sa mga pribadong ospital ay ang pagbabiyahe papuntang ibang bansa ng…

Read More