Author: News Desk

Umaasa ang isang grupo sa pagkakaroon ng “mas transparent na automated elections” sa pagkakadiskwalipika ng Smartmatic — bagay na posibleng makapagpanumbalik daw sa tiwala ng publiko sa proseso ng halalan. Miyerkules nang ianunsyo ni Comelec chairperson George Garcia ang pagkakadiskalipika ng technology provider mula sa kanilang procurement process matapos makwestyon sa isang petisyon ang kanilang integridad. “This move is seen as a chance to not only to address the public’s concern on the efficiency of the vote counting machines. Technical glitches have always marred the conduct of automated elections,” wika ni Digital Pinoys national campaigner Ronald Gustilo, Huwebes. “This shift is viewed as crucial…

Read More

Sinaklolohan ng mga otoridad ang isang lalaki sa Lungsod ng Marikina matapos umakyat ng poste ng kuryente at magpasirko-sirko sa mga kawad nito simula pa kahapon, Martes. Inabot ngayong Miyerkules sa ibabaw ng 60-feet na poste ang lalaki sa Brgy. Calumpang, bagay na inabot ng 27 oras bago makumbinsing bumaba ng rescue team, ayon sa ulat ng dzRH. Nagdulot ng power interruption ang lalaki sa ilang bahagi ng Marikina habang sinisibukang i-rescue. Ayon sa mga ulat, bandang 10 a.m. pa kahapon nang pumanik ang lalaki. Aniya, pahirapang kunin ang lalaki sa hawak nitong bakal. Kinaumagahan kanina, mas gumitna pa raw ang nabanggit. Isang “cushion…

Read More

Halos 20 Pilipinong mandaragat ang binihag ng grupong Houthi mula Yemen matapos pasukin ng huli ang isang cargo ship sa timog bahagi ng Red Sea, pagkukumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) ngayong Miyerkules. Ayon pa kay Foreign Affairs Undersecretary Eduardo de Vega, posibleng may koneksyon daw ang naturang aksyong ito sa digmaang nangyayari sa pagitan ng mga militanteng Palestino at Israel. “May 17 na Pilipino ayon sa manning agency… kasama iba’t ibang dayuhan,” wika ni De Vega sa panayam ng GMA News kanina. “Nababahala tayo dito. This is not the first time na may na-hostage na ganyan. Meron itong koneksiyon sa…

Read More

Dahil sa epektibong pagtugon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa kahirapan, nagkaroon ng bahagyang pagbaba ang hunger rate sa bansa sa ikatlong bahagi ng taong 2023. Batay sa survey na isinagawa ng Social Weather Stations (SWS), lumilitaw na ang bilang ng mga pamilyang Pinoy na nahaharap sa invo­luntary hunger, o yaong nakaramdam ng gutom at walang kahit anong makain ng kahit minsan lang sa isang buwan, ay bumaba ng 9.8% noong Setyembre 2023. Ang September 2023 Hunger figure ay mas mababa sa 10.4% na naitala nong Hunyo 2023 at kapareho naman sa 9.8% noong Marso 2023. Ayon sa SWS,…

Read More

Kinilala ang mahalagang papel ng mga barangay officials sa Pilipinas, sa isinagawang pag-aaral ng HKPH Public Opinion and Research Center, kasama ang Asia Research Center na nakabase sa Hong Kong. Sa isang survey na ginawa mula Nobyembre 3-10, 2023, nasa 70% ang nagpahayag ng kasiyahan sa kontribusyon ng mga brgy. officials sa istraktura ng pamamahala ng Pilipinas, na binibigyang-diin ang kanilang kahalagahan sa pagtugon sa mga pangangailangan at inaasahan ng komunidad. Sa isang mahalagang pag-endorso sa liderato sa sektor na ito, si Eden Chua-Pineda, Pambansang Pangulo ng Liga ng mga Barangay sa Pilipinas, ay nakatanggap ng malakas na suporta mula…

Read More

Itinaas pa ng Senate Committee on Finance ang budget ng Commission on Elections (Comelec) sa P27.6 billion para sa susunod na taon. Sa budget deliberation, tinukoy ni Senate Minority Leader Koko Pimentel na mula sa P27.3 billion na proposed 2024 budget ng Comelec sa ilalim ng National Expenditure Program (NEP), binawasan pa ito sa bersyon ng Kamara ng P200 million subalit ang Senado naman ay binigyan ang komisyon ng P500 million na dagdag sa kanilang pondo. Sinabi naman ni Sen. Imee Marcos, sponsor ng Comelec budget sa plenaryo, na umaasa ang komisyon na ma-i-restore sa pondo kahit ang P5.96 billion…

Read More

Hindi pabor si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na ma-impeach o mapatalsik sa puwesto si Vice President Sara Duterte. Naniniwala si Marcos na hindi deserve ni Duterte na maalis sa puwesto. Sinabi rin ni Marcos na “excellent” ang kanilang relasyon ng Bise Presidente. Ginawa ni Pa­ngulong Marcos ang pahayag sa gitna ng ugong na may nilulutong impeachment ang Kamara. Tiniyak din ni Marcos na binabantayang mabuti ng kanilang hanay ang sitwasyon sa Kamara. Sabi ng Pangulo, lahat naman sila ay mayroong mga detractors at hindi na bago ito. Hindi narin umano ito nakababahala para sa katulad nilang may mataas na…

Read More

Bumaba ang crime rate sa buong bansa matapos paigtingin ng Philippine National Police (PNP) ang anti-criminality campaign nito partikular na sa pagpasok ng ‘ber months’. Ayon kay PNP spokesperson P/Col. Jean Fajardo, nakapagtala ng 31,864 insidente ng krimen laban sa tao at mga ari-arian mula Enero hanggang Oktubre ng 2023. Bumaba ito ng 2,838 insidente kumpara sa kaparehong period noong 2022. Sa rekord ng PNP, karaniwang tumataas ang krimen habang nalalapit ang pagdiriwang ng kapaskuhan. Nakatulong din anya ang mga force multipliers gaya ng mga barangay tanod at security guard na nagbabantay sa mga komunidad at maigting na nakikipagkoordinasyon sa…

Read More

Kapantay ng ilang Asian “first world countries” ang Pilipinas pagdating kaligtasan at pagpapatupad ng batas, ayon sa pag-aaral ng isang international research organization. Ito ang lumabas sa kalilimbag lang na 2023 Global Law and Order report ng Gallup ngayong Miyerkules, bagay na sumusukat sa “sense of personal security” at karanasan ng publiko sa krimen at law enforcement. “Just over seven in 10 adults worldwide (72%) said in 2022 that they have confidence in their local police. The results vary significantly by region, from a low of 52% in Latin America and the Caribbean to a high of 84% in Southeast Asia,” paliwanag…

Read More

Tuloy ang pag-arangkada ng Public Utility Vehicle (PUV) Modernization program ng pamahalaan sa Disyembre 31, 2023. Ayon kay Department of Transportation (DOTr) Secretary Jaime Bautista, wala nang makapipigil pa sa deadline para sa pagbuo ng kooperatiba o korporasyon ng mga jeepney drivers, bilang bahagi ng naturang programa. Ito’y sa kabila ng mga kontrobersiyang kinasangkutan mismo ni Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Teofilo Guadiz III. Mariin ding pinabulaanan ni Bautista ang mga akusasyon laban sa LTFRB na umano’y nagkakaroon ng bilihan ng ruta ng jeepney, dahil kasama rin aniya sa pagkakaloob ng ruta ang plano rito ng mga…

Read More