Author: News Desk

Inihayag ng chief economic manager ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., na ang mabilis at determinadong pagkilos ng gobyerno para labanan ang inflation ang resulta ng malaking pagbaba ng presyo ng mga bilihin na naitala noong Oktubre. Pinuri ni Finance Secretary Benjamin E. Diokno ang 4.9 percent headline inflation na nairehistro noong nakaraang buwan, na itinatampok ang pagbaba ng average rates na nakita noong Setyembre at noong nakaraang taon. Bumaba rin aniya ang October inflation rate sa 5.1% hanggang 5.9% na itinakda ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP). “This positive deve­lopment is the result of the government’s decisive and timely…

Read More

Isa pang Filipino ang nasawi dahil sa pag-atake ng militanteng grupo na Hamas sa Gaza Strip sa Israel. Ito ang kinumpirma kahapon sa pulong balitaan sa Malakanyang ni Foreign Affairs Undersecretary Eduardo de Vega. Kinilala ang biktima na si Loreta “Lorei” Alacre, 49, caregiver at tubong Negros Occidental. Sumailalim umano sa DNA test ang labi ni Alacre. Huling nakita si Alacre ayon sa kanyang employer na si Noam Solomon noong Sabado ng umaga sa pagitan ng mga siyudad ng Netivot at Ashkelon sa Southern District ng Israel kung saan dito nagsagawa ng pag-atake ang Hamas. Binaril umano sa likuran ang…

Read More

Tumanggap na ng ayuda mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang pamilya ng dalawang OFW na nasawi sa karahasan sa Israel. Ayon sa DSWD Ilocos regional office, pinagkalooban ng ayuda ng ahensiya ang pamilya ng Pinay nurse na si Angelyn Aguirre nang puntahan ng social welfare staff ang pamilya nito sa kanilang bahay sa Binmaley, Pangasinan. Ayon kay Dean Arlu Javier ng DSWD Western Pangasinan satellite office, nagsagawa rin sila ng assessment sa pamilya ni Aguirre at nagkaloob ng food subsidy upang makatulong sa kanilang pagpunta sa Maynila para kunin ang bangkay ni Angelyn. Tumanggap ng P10,000…

Read More

Binuksan ng Lulu na nangungunang retail chain sa mga rehiyon ang ika-10 Hypermarket nito sa Gudaibiya. Ang 40,000 sq.ft. Na tindahan ay pinasinayaan ni Deputy PM H.E. Sheikh Khalid bin Abdulla Al Khalifa ngayon sa presensya ni Mr. Yusuffali M.A., ang Chairman at Managing Director ng LuLu Group International at mga ministro, dignitaryo at senior management ng LuLu Group. https://youtu.be/KMuUVUdswd0?si=C4Md1zITW3UH2Meq Ang tindahan, na matatagpuan sa makasaysayang lugar ng Gudaibiya, ay nakakalat sa dalawang antas. Ang bagong paglulunsad ay nagpapahiwatig ng muling pagpapasigla ng komersyal na aktibidad sa pangunahing daanan ng komunidad. Ang pananaw ni Yusuffali na patuloy na mamuhunan sa…

Read More

Iginiit ng organisasyong Regula, isang pioneer na internasyonal na organisasyon sa pagpapatunay at pag-verify ng ID at pasaporte, na ang e-passport ng Bahrain ay isa sa pinakamagandang pasaporte sa mundo. Ayon sa Regula, ang pasaporte ng Bahrain ay nangunguna sa listahan ng 12 pasaporte sa buong mundo, na kumakatawan sa isang visual na paglalakbay sa oras at space. Bagama’t nakikilala ang Middle East vibes na may galloping na kabayo at falcon, mayroon itong walang kapantay na istilo. Sinasaliksik din nito ang modernong pananaw ng Kaharian 2030. Ang ulat ay nagpapahiwatig na ang isa sa mga pinaka-kilalang tampok ng Bahraini passport…

Read More

Si Dr. Ramzan bin Abdulla Al Noaimi, Ministro ng Impormasyon, ay nagpahayag na ang sinehan ay isa sa mga promising sector ng creative economy, na nangangailangan ng pagbibigay dito ng kaalaman at pagbibigay kapangyarihan sa mga kilalang mahuhusay na Bahrainis sa lahat ng larangan ng industriya ng pelikula upang isulong ang lokal na produksyon. na sumasalamin sa kultura, pagkakakilanlan at makasaysayang pamana ng Kaharian. https://youtu.be/KHzo2xwuwmM?si=Rs1D8YuxUN1KvPQX Ang ministro ay nagsasalita habang sinisimulan ang ikatlong edisyon ng Bahrain Film Festival, na may temang “Celebrating the Art of Film-making”, sa presensya ng ilang matataas na opisyal, media personnel, artist at isang grupo ng…

Read More

Dalawang lalaking miyembro ng Batang City Jail (BCJ) gang ang inaresto ng mga otoridad sa isang buy-bust operation sa Port Area, Manila kahapon ng madaling araw. Ang mga suspek ay nakilalang sina King ­Diocton alyas “Bibi”, 20-anyos, at John Rong­cales, 46; kapwa residente ng Baseco Compound, Port Area, Manila. Batay sa ulat ni PStaff Sgt. Bob John Lolong ng Baseco Police Station (PS-13) ng Manila Police District (MPD), dakong alas-5:00 ng madaling araw nang maaresto ang mga suspek sa Block 15A sa Baseco Compound. Nauna rito, nakatanggap ng tip ang mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU), sa pangunguna…

Read More

Tatanggap na muli ng mahigit 6,000 pulis ang Philippine National Police (PNP) alinsunod sa kanilang quota sa ilalim ng PNP 2023 Recruitment Program. Nabatid na aprubado na ng National Police Commission (NAPOLCOM) ang pag-recruit ng mga bagong pulis. Nangangailangan ang PNP ng 6,501 na bagong pulis. Sa hanay ng NCRPO, kailangan nito ng 2,101 na bagong pulis, 600 naman sa Provincial Regional Office 3(PRO3) at 400 sa Region 4A. Para sa mga nais mag-apply na maging pulis, ilan sa mga requirements ay ang pagkakaroon ng college degree at eligibility kabilang na ang PNP Entrance Examination (NAPOLCOM); Career Service Professional (Civil Service Commission);R.A. No.…

Read More

Pinalaya na ng Pa­rañaque City Police ang apat na Chinese national na inaresto at ikinulong matapos na maberipika at makapagpakita ng kanilang mga pasaporte at iba pang legal na dokumento. Ayon kay Southern Police District Director PBrig. Gen. Roderick Mariano, kinailangan muna nilang makita ang mga dokumento ng mga dayuhan bago palayain at ito ay alinsunod lamang sa kanilang sinusunod na proseso. Sinabi ni Mariano na ginawa lamang ng kanyang mga pulis ang kanilang trabaho at sa katunayan ay ni-rescue nila ang mga Chinese mula sa umano’y prostitution. Aniya, kung agad na nakapagpakita ng dokumento ang mga inares­tong Chinese ay hindi na nila sila ikukustodya. Nabatid na umalma ang abogado ng mga Chinese na si Atty. Irish Bonifacio sa pagsasabing illegal…

Read More

Tila hindi natatapos ang panggigipit at pangbu-bully ng China nang maglatag naman ng rubber boats sa paligid ng Panatag Shoal ang Chinese Coast Guard upang mapigilan ang mga mangingisda na makapasok. Ayon kay Bigkis ng mga Mangingisda Federation in Masinloc, Zambales Spokesperson Henrelito Empoc, mas tumitindi ngayon ang pagbabantay ng Chinese vessels sa Panatag Shoal. Sinabi ni Empoc na naka-standby lang ang mga Chinese Coast Guard habang ang mga Chinese rubber boats ang siyang nagpapatrolya sa luguar at pinagbabawalang makapangisda ang mga Filipino sa lagoon. Nabatid na agad na sinusundan ng mga Chinese rubber boats ang mga mangingisda sa tuwing…

Read More