Author: News Desk

Lusot na sa House Committee on Ways and Means ang panukalang maitaas sa 15 porsiyento ang diskwento ng mga senior citizen na may bayarin sa tubig at kur­yente. Sinabi ni Senior Citizen party-list Rep. Rodolfo Ordanes ang mga residente na ang konsumo sa kuryente ay hindi hihigit sa 100 kilowatt hour kada buwan at 30 cubic meter sa tubig lamang ang mabibigyan ng diskwento. Gayunman ayon kay Ordanes na napagdesisyunan nila na huwag ng bigyan ng diskwento sa value-added tax ang konsumo sa kuryente at tubig ng mga senior citizen dahil sa laki ng mawawalang kita sa gobyerno. “The original…

Read More

Naniniwala si dating Bayan Muna partylist Rep. Neri Colmenares na dapat ibalik ni Vice President Sara Duterte ang P2.6 bilyong confidential fund noong siya pa ang alkalde ng Davao City. Ayon kay Colmenares, dapat nang kumilos si Commission on Audit chairman Gamaliel Cordoba upang ipabalik kay Duterte ang nasabing confidential fund na ginastos nito noong mayor pa ng Davao mula 2016 hanggang 2022. Sinabi ni Colmenares na hindi kapani-paniwala na magagastos ng isang local official sa loob ng anim na taon ang P2.6 bilyon o P1.235 milyon kada araw. “COA must make sure if this was fully liquidated with supporting…

Read More

Para mapigilan ang pagtaas ng presyo ng mga paninda sa palengke, pinasuspinde ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa lahat ng Local Government units (LGUs) ang koleksyon sa “pass-through fees” sa lahat ng uri ng sasakyan na nagdadala ng mga paninda at kalakal. Sa tatlong pahinang Executive Order (EO) na nilagdaan ni Executive Secretary Lucas Bersamin, ipinatitigil ang koleksyon sa mga national roads at iba pang kalsada na hindi naman ipinagawa ng LGUs. Kabilang sa mga ipinatitigil ni Marcos, ang koleksyon ng sticker fees, discharging fees, delivery fees, market fees, toll fees, entry fees, mayor’s permit fees at iba pa.…

Read More

Niinaw ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na hindi naghahanap ng gulo ang Pilipinas nang ipag-utos niya sa Philippine Coast Guard (PCG) na alisin ang boya o floating barrier na inilagay ng China sa Bajo de Masinloc. Ito ang sinabi ni Marcos at iginiit na patuloy na dedepensahan at poprotektahan ng gobyerno ang teritoryo ng Pilipinas at karapatan ng mga Pinoy para makapangisda sa West Philippine Sea (WPS). “Hindi tayo naghahanap ng gulo, basta gagawin natin, patuloy nating ipagtatanggol ang Pilipinas, ang maritime territory ng Pilipinas, ang mga, karapatan ng mga fishermen natin na mangisda doon sa mga areas kung saan…

Read More

Nagkaisa ang sari-saring political party leaders sa Kamara na mailipat ang kontrobersyal na confidential at intelligence funds sa mga ahensya ng gobyernong nagdepensa sa West Philippine Sea. Ito ang saad ng Nationalist People’s Coalition, Lakas-CMD, Nacionalista Party, PDP-Laban, National Unity Party at Party-list Coalition Foundation Inc. sa isang joint statement nitong Miyerkules. “We, the respective heads of political parties in the House of Representatives, view with serious concern the installation of a floating barrier by the China Coast Guard (CCG) in the Southeast of Bajo de Masinloc Shoal,” sabi sa pahayag. “This action not only impedes the rights of livelihoods…

Read More

Matapos ang banta ni House Speaker Martin Romualdez na haharangin ang budget, naghain ng courtesy resignation si Office of Transport Security (OTS) Administrator Ma. O Aplasca. Sa inihaing courtesy resignation ni Aplasca kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sinabi nito na hindi niya kayang isakripisyo ang kanyang organisasyon subalit ikokonsidera niya bilang “noble undertaking for a great interest”. Iginiit pa nito na wala siyang ginawang masama kundi isang honest compaign laban sa korapsyon sa lahat ng airports sa buong bansa. “But I can assuere His excellency that the good men and women of OTS will not falter in its commitment to…

Read More

Makaraan magpalabas ang Malacañang ng Presidential Instruction, matagumpay na tinanggal ng Philippine Coast Guard (PCG) ang floating barrier na hinihinalang inilagay ng China sa may Scarbo­rough Shoal. “The barrier posed a hazard to navigation, a clear violation of international law,” ayon kay PCG spokesman Commodore Jay Tarriela. Bukod dito, balakid rin ito sa kabuhayan ng mga Pilipinong mangingisda na umaasa sa mga huli nila sa Bajo de Masinloc (Scarborough shoal), na importanteng parte ng teritoryo ng Pilipinas. Ipinaliwanag ng PCG na idineklara ng 2016 Arbitral Award ang BDM na tradisyunal na ‘fishing ground’ ng mga Pilipino, kaya anumang obstruksyon na…

Read More

Umani ng matinding batikos ang Office of the Vice President matapos lumabas ang balitang naubos nito ang milyun-milyong kontrobersyal na pondo sa loob ng 11 araw — mas maiksi kaysa sa unang naibalitang 19. Lunes lang kasi nang kumpirmahin ng Commission on Audit ang impormasyon habang nagpapatuloy ang ikalimang plenary debates sa House Bill 8980 o 2024 General Appropriations Bill. “Napakagaspang. P11 million kada araw? Daig pa ang may patagong credit card sa national budget. Hindi niyo pera yan,” ani Sen. Risa Hontiveros sa isang pahayag nitong Martes. “Confidential funds can be validly spent only on expenditures supporting surveillance activities of civilian agencies.” “‘Yung…

Read More

Lumalabas na isa sa limang kabataan edad lima hanggang 24-anyos ang hindi enrolled o ‘di kaya’y pumapasok sa eskwelahan, ayon sa pinakahuling taya ng Philippine Statistics Authority (PSA). “Nationwide, about 18.6 percent of children aged 5 to 24 years were not attending school,” wika ng ahensya sa isang pahayag nitong Lunes pagdating sa 2022 Annual Poverty Indicators Survey. “Of those who were not attending school, the top reasons were the following: finished schooling or finished post-secondary/college (21.1%), employment (19.7%), lack of personal interest (12.6%), marriage (10.7%), and high cost of education/financial problem (9.9%).” Mas marami ang mga lalaking hindi pumapasok kumpara sa…

Read More

Lumalaki ang tiyansang maambunan ng kwarta ang mas maraming senior citizens sa Pilipinas matapos makapasa sa ikatlo at huling pagdinig ang Senate Bill 2028. Lunes lang kasi nang makalusot ang naturang panukala, bagay na aamyenda sa “Centenarians Act of 2016” o Republic Act 10868. Kung tuluyang maisasabatas, makakukuha ng regalong P10,000 ang mga Pinoy na aabot sa 80-anyos habang bibiyayaan naman ng P20,000 ang mga sasampa ng 90. “Sa wakas, pati ang mga lolo’t lola natin na umabot ng 80 o hanggang 90 years old ay mabibiyayaan na rin ng regalo na maaaring makatulong sa kanilang pang-araw-araw na pamumuhay, at habang…

Read More