Author: News Desk

Matagumpay na natanggal ng Philippine Coast Guard ang mga lumulutang na “barriers” sa Bajo de Masinloc (Scarborough Shoal), bagay na inilagay ng mga banyaga kahit nasa loob ito ng West Philippine Sea. Lunes lang nang almahan ni National Security Adviser Eduardo Año ang 300-metrong harang na inilagay ng Tsina lalo na’t paglabag ito sa karapatan ng mga Pilipinong mangisda sa naturang lugar. “The decisive action of the PCG to remove the barrier aligns with international law and the Philippines’ sovereignty over the shoal,” paliwanag ni PCG Spokesperson for the West Philippine Sea (WPS), CG Commodore Jay Tarriela ngayong Martes. “[A]ny obstruction hindering…

Read More

Maaaring tanggalin ng Philippine Coast Guard (PCG) ang boya o floating barrier sa Bajo de Masinloc na inilatag ng China. Ito ang sinabi ni Natio­nal Security Council (NSC) spokesperon Assistant Director General Jonathan Malaya sa Bagong Pilipinas Ngayon. Paliwanag ni Malaya, ang Bajo de Masinloc ay napakalapit sa Zambales at nasa loob ng 200 nautical miles ng exclusive economic zone (EEZ) ng bansa. Tinukoy rin ng opisyal ang arbitral ruling na nagsasabing may karapatan ang mga mangingisdang Pilipino na malayang makapangisda sa naturang bahagi ng karagatan. Samantala, sinabi na­man ni PCG Commodore Jay Tarriela, na hindi maaaring basta-basta putulin ng…

Read More

Nagsama na sa kulungan ng Senado ang mag-asawang nang-abuso umano sa kasambahay na si Elvie Vergara. Sa pagdinig ng Senate Committee on Justice and Human Rights ay pina-cite in contempt ni Sen. Raffy Tulfo si Pablo Jerry Ruiz. Inayunan naman ni Sen. Jinggoy Estrada ang mosyon ni Tulfo dahil sa pagsisinungaling ni Ruiz sa komite. Sa naturang pagdinig, pinagtanggol ni Ruiz ang kanyang asawa na si France na nauna na rin pina-contempt ng komite dahil sa pangmamaltrato kay Vergara. Ibinasura naman ng komite ang motion for reconsideration ng kampo ni Ruiz para mapalaya ito sa kustodiya ng Senado. Samantala, lumalabas…

Read More

Kakain pa ng isang taon o aabutin pa nang hanggang September 2024 bago makumpleto ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang paghahatid ng physical national ID cards sa mga Pinoy na nagparehistro sa Philippine Identification System (PhilSys). Ayon kay PSA head Claire Dennis Mapa, mayroon nang 81 milyong Filipino ang nagparehistro sa PhilSystem pero mababa pa sa kalahati o nasa 39.7 milyon pa lamang ang nakatanggap na ng kanilang physical identification cards at nasa 41.2 milyon naman ang naisyuhan ng ePhilID na naimprenta sa papel. Sinabi ni Mapa na ang backlog ay dahil sa card printing capacity na kaya lamang makapag-accommodate…

Read More

Inilutang ni Deputy Speaker at 6th District Batangas Rep. Ralph Recto ang posibilidad na ang ibinebentang isda ng China sa Pilipinas ay galing mismo sa ating karagatan. Inihayag ni Recto na ang mga isda na ipinakakain ng China sa 1.412 bilyon nitong mamamayan ay galing sa karagatang nasasaklaw ng Pilipinas sa WPS at maging sa panlilimas sa mayayamang reefs. Ang masakit pa sabi ni Recto, ay bumibili ang Pilipinas ng isda mula sa China pero ang ibinebenta sa atin ay galing mismo sa sarili nating teritoryo ng karagatan. “The value of this stolen fish is in the billions of pesos,…

Read More

Kinondena ng Phi­lippine Coast Guard (PCG) at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang paglalagay ng China Coast Guard ng floating barrier sa may South portion ng Bajo de Masinloc na humaharang naman sa mga Filipino Fishing Boats (FFBs) na makapasok sa Scarborough shoal at pagkakait sa kanila na makapangisda. Ayon sa PCG ang floating barrier na mayroong haba na 300 metro ay natuklasan ng mga tauhan ng PCG at BFAR habang sakay ng BRP Datu Bankaw nang magsagawa sila ng routine maritime patrol noong Setyembre 22, 2023 sa paligid ng Bajo de Masinloc (BDM). Nabatid na tatlong Rigid…

Read More

Tinututukan na umano ng Bureau of Customs (BOC) ang impormasyon na isang “Chinese mafia” ang nasa likod ng smuggling sa bigas sa bansa, dahilan nang patuloy na pagmahal nito sa merkado. “Yung mga reports na nare-receive po ng office natin, binabanggit nga po mga Chinese,” ayon kay BOC Director Vernie Enciso. “Either nasa side ng financing, nasa side ng distribution or nasa side ng, there are other, maraming levels kung nasaan sila present dito sa agricultural smuggling. ‘Yan po ang isa sa mga tinitignan ng Bureau of Customs,” dagdag ng opisyal. Nagsagawa na ang BOC ng mga pagsalakay sa mga…

Read More

Kahit na inalis na ang state of public health emergency sa bansa, maaari pa rin maghain ng sick leave at iba pang benepisyong medikal ang mga empleyado na magkakaroon ng COVID-19. Ito ay matapos payuhan ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang employers at employees na magkasundo sa probisyon ng sick leave benefits, access sa medical insurance coverage gayundin sa iba pang assistance habang naka-isolate ang isang empleyado. Hinikayat din ng DOLE ang mga employer na magbigay ng bayad na COVID-19 leave para sa vaccination maliban na lamang kung mayroong mas pabor na umiiral na company policies at provisions…

Read More

Mula sa naibubugang maruming usok ng mga sasakyan ang smog na nararanasan sa malaking bahagi ng Metro Manila at hindi dahil sa aktibidad ng bulkang Taal. Ito ang sinabi ng Department of Environment and Natural Resources’ Environmental Management Bureau batay sa air quality monitoring data na nagpapakita ng heightened alert sa ilang bahagi ng Metro Manila dulot ng usok na nailalabas ng mga sasakyan sanhi ng matinding vehicular traffic lalo na kung rush hour. Kaugnay nito, niliwanag din ng Philippine Institute of Volcanology (Phivolcs) na ang volcanic smog mula sa Taal ay napapadpad sa west-southwest direction at malayo sa direksiyon…

Read More

Pinayuhan kahapon ng Department of Health (DOH) ang publiko na muling magsuot ng face masks kung lalabas ng bahay para makaiwas sa mga posibleng panganib sa kalusugan dulot ng makapal na “vog (volcanic gas”) na ibinubuga ng bulkang Taal. “Ang volcanic smog o vog ay binubuo ng mga maliliit na patak ng abo na naglalaman ng volcanic gas tulad ng sulfur dioxide na acidic at maaaring magdulot ng pagka-irita ng mata, lalamunan at mga daanan ng hininga, depende sa konsenstrasyon ng gas at tagal ng pagkaka-expose,” ayon sa DOH. Dahil dito, nakararanas ang Metro Manila at mga lalawigan na malapit…

Read More