Subscribe to Updates
Get the latest creative news from FooBar about art, design and business.
- VP Sara: Halos 200 personnel, posibleng mawalan ng trabaho sa tapyas sa 2025 budget
- Durian ng Pinas planong dalhin sa New Zealand
- PhilHealth inalis na ‘single confinement policy’
- Senator Imee kumalas sa admin senatorial ticket
- Alice Guo ‘spy’ ng China, iimbestigahan ng DILG-PNP
- 24 ex-PNP chiefs iniimbestigahan na – Marbil
- Ex-PNP chief ‘tumulong’ sa pagtakas ni Alice Guo
- P1.3 bilyong tinapyas ng Kamara sa pondo ni VP Sara
Author: News Desk
Ikinokonsidera ngayon ng administrasyong Marcos ang ilang mga alternatibo sa price ceiling sa bigas, kabilang ang posibilidad na tapyasan ang taripa sa importasyon ng bigas. Ayon kay National Economic and Development Authority (NEDA) Secretary Arsenio Balisacan na sa kabila ng mga panawagan na tanggalin na ang price ceiling, maaari lamang itong maisagawa kung makakakita na sila ng mas mabuting alternatibo. Matatandaan na pinirmahan ngayong buwan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Executive Order No. 39 na nagtatakda ng price celing sa regular milled na bigas sa P41 kada kilo at P45 kada kilo naman sa ‘well-milled’ na bigas. Ito ay…
Binalaan ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ang publiko na mag-ingat sa paglabas ng tahanan dahil sa naitalang volcanic smog o vog sa bulkang Taal sa Batangas. Sa 24 oras na monitoring ng Phivolcs, naitala sa bulkan ang upwelling ng mainit na volcanic fluids sa Main Crater Lake na nagdulot ng “vog” na may 2,400 metrong taas at malakas na pagsingaw na napadpad sa kanluran-timog-kanluran at timog-kanluran ng bulkan. May apat na bayan sa Batangas ang nakaranas ng zero visibility dahil sa volcanic smog ng Taal sa mga bayan ng Tuy, Balayan, Lian at Nasugbu. Sabi ng Phivolcs,…
Walang plano ang Palasyong maglabas ng anumang pahayag tungkol sa ika-51 anibersaryo ng Batas Militar ngayong ika-21 ng Setyembre, bagay na idineklara ng diktador at dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr. — ama ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Ito ang sinabi ng Malacañang sa ulat ng ABS-CBN News ngayong Huwebes. Kapansin-pansin ding walang nabanggit dito si press briefer Daphne Oseña-Paez nang kaharapin ang press kasama si National Economic and Development Authority (NEDA) Secretary Arsenio Balisacan. Matatandaang idineklara ni Marcos Sr. ang Martial Law noong ika-21 ng Setyembre taong 1972, bagay na dumulo sa pagkakakulong ng nasa umabot sa 70,000 katao, torture ng 34,000…
Sinertipikahang “urgent” ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagpapasa ng panukalang nagbibibigay pakahulugan sa krimen ng agricultural economic sabotage — bagay na bubuo rin sa anti-agricultural economic sabotage council. Miyerkules nang papaspasan ni Bongbong ang Senate Bill 2432 sa pamamagitan ng liham na ipinadala kay Senate President Juan Miguel Zubiri. “The bill repeals Republic Act No. 10845, or the Anti-Agricultural Smuggling Act of 2016, and seeks to promote the productivity of the agriculture sector and to protect farmers and fisherfolk from unscrupulous traders and importers and ensure reasonable and affordable prices of agricultural and fishery products for consumers,” ayon sa…
Para mapigilan ang overfishing at maprotektahan ang sektor nito, pinag-aaralan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang fishing ban at iba pang pagbabawal sa ilang lugar sa bansa. Sa pahayag ng Pangulo sa isang interview sa Zamboanga City, sinabi nito na kailangang bigyan ng tsansa ang populasyon ng mga isda para mas dumami pa para sa susunod na season nito ay mayroon pa. Giit pa ni Marcos, hindi dapat ubusin ang isda at mayroon din mga lugar na hindi dapat gawing palaisdaan dahil ito ay para sa breeding para dumami ang populasyon ng mga isda. Kaya ang plano umano ng Pangulo…
Walang matatanggap a “blood money” ang napatay na OFW na si Jullebee Ranara. Paliwanag ni Department of Foreign Affairs (DFA) Undersecretary Eduardo de Vega, ang “blood money” ay hindi applicable sa kaso ni Ranara dahil mababa lang ang naging hatol sa 17-anyos na suspek. Matatandaan na hinatulan ng Kuwait Juvenile Court ang suspek ng 15 taong pagkakakulong dahil sa pagpatay kay Ranara at karagdagang isang taon para sa pagmamaneho ng walang lisensya. Idinagdag pa ni De Vega na sa simula pa lamang hindi talaga maaaring hatulan ng habambuhay na pagkabilanggo ang suspek dahil sa pagiging menor-de-edad nito. Hindi rin anya…
Nilimas ang mga corals sa Rozul Reef sa West Philippine Sea na hinihinalang kagagawan ng China ang malawakang pag-harvest sa pinagtatalunang teritoryo. Kinumpirma ni AFP-Western Command (Westcom) Commander Vice Admiral Alberto Carlos ang talamak na pangunguha ng mga corals sa Rozul reef. Sinabi ni Carlos na nagpadala ito ng mga divers matapos umalis ng Chinese military militia vessels sa nasabing lugar. “Yung swarming areas nila we pinpointed it. And when they left we send our divers to do underwater survey,“ pahayag ni Carlos. Ayon sa opisyal sa isinagawang underwater survey, tumambad sa AFP ang kalunos-lunos na sinapit sa pagkasira ng…
Higit sa 700 kandidato para sa darating na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) ang napadalhan na ng Commission on Elections (Comelec) ng show cause orders dahil sa ‘premature campaigning’. “As of September 15, 2023, we already issued a total of 737 Show Cause Orders po,” ayon kay Comelec Chairman George Garcia. Ang mga napadalhan ng orders ay mga kandidato na inireklamo o namonitor na lumalabag sa pamamagitan ng mga social media posts ng kanilang pag-iikot o pamamahagi ng mga pagkain at items na may pangalan at mukha nila sa kanilang barangay. Kaugnay nito, muling nagbabala si Garcia na ididiretso…
Dapat mabigyan na ang Senado ng kopya ng Commission on Audit (COA) ng kumpletong audit report tungkol sa mga ginastos at inutang ng gobyerno para sa pambili ng mga bakuna kontra sa COVID-19. Sinabi ni Senador Francis “Chiz” Escudero na walang dahilan para hindi ito maibigay dahil halos isang taon na mula nang hiningi niya ito sa COA. Matatandaan na Nobyembre 2022 nang hanapin ni Escudero sa plenary debate ng pambansang pondo ang audit report. Paliwanag noon ng COA na hindi sila makapag-audit dahil hindi sila makakuha ng kopya ng mga dokumento at mga impormasyon sa Department of Health (DOH)…
Magbibigay ang Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) ng libreng sakay para sa mga kawani ng gobyerno sa susunod na linggo. Ito’y bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng 123rd Philippine Civil Service Anniversary. Sa abiso ng MRT-3, nabatid na tatagal ang libreng sakay ng tatlong araw. Magsisimula ito sa Setyembre 18, Lunes, hanggang Setyembre 20, Miyerkules, sa peak hours mula alas-7:00 hanggang alas-9:00 ng umaga, at alas-5:00 ng hapon hanggang alas-7:00 ng gabi. Ayon sa MRT-3, kinakailangan lamang magpakita ng valid government ID upang maka-avail ng libreng sakay. “Kami po sa MRT-3 ay taos-pusong nakikiisa sa pagdiriwang ng anibersaryo ng Philippine…