Inaasahang lalakas ang bagyong Falcon ngayong linggo.
Si Falcon ay huling namataan sa layong 1,315 kilometro silangan ng Central Luzon taglay ang lakas ng hangin na umaabot sa 65 kilometro bawat oras at pagbugso na umaabot sa 80 km bawat oras.
Sa susunod na tatlong araw, magkakaroon ng malakas na pag-ulan sa western portion ng Luzon at Visayas dulot ng habagat na pinaigting ng bagyong Falcon.
Mas malakas ang ulan sa mga matataas at bulubunduking lugar na may banta ng pagbaha at landslide.
Dahil sa epekto ng habagat na pinaigting ng bagyo, umiiral ang Gale Warning sa baybayin ng western seaboard ng Luzon, eastern at southern seaboards ng Southern Luzon, at eastern at western seaboards ng Visayas.
Pinapayuhan ang maliliit na bangka na mapanganib ang pumalaot dahil sa malalaking alon sa karagatan.
Inaaaahang lalabas ng Philippine area of responsibility si Falcon sa Lunes ng gabi o Martes ng umaga.