Tila hindi natatapos ang panggigipit at pangbu-bully ng China nang maglatag naman ng rubber boats sa paligid ng Panatag Shoal ang Chinese Coast Guard upang mapigilan ang mga mangingisda na makapasok.
Ayon kay Bigkis ng mga Mangingisda Federation in Masinloc, Zambales Spokesperson Henrelito Empoc, mas tumitindi ngayon ang pagbabantay ng Chinese vessels sa Panatag Shoal.
Sinabi ni Empoc na naka-standby lang ang mga Chinese Coast Guard habang ang mga Chinese rubber boats ang siyang nagpapatrolya sa luguar at pinagbabawalang makapangisda ang mga Filipino sa lagoon.
Nabatid na agad na sinusundan ng mga Chinese rubber boats ang mga mangingisda sa tuwing tinatangka ng mga ito na makapasok sa lugar.
Nakakalungkot lamang aniya na ang mga Chinese fishing vessels ay malayang nakapangisda sa lugar na harapang panggigipit sa mga Filipinong mangingisda.
Apela ni Empoc sa Philippine Navy at Philippine Coast Guard na alalayan sila upang makapangisda sa lugar.