Subscribe to Updates

    Get the latest creative news from FooBar about art, design and business.

    What's Hot

    Internet voting pinatitigil sa SC

    April 4, 2025

    3 Pinoy ‘spy’ inaresto sa China

    April 4, 2025

    Pangulong Marcos, VP Sara trust ratings bumaba – SWS

    February 5, 2025
    Facebook Twitter Instagram
    Trending
    • Internet voting pinatitigil sa SC
    • 3 Pinoy ‘spy’ inaresto sa China
    • Pangulong Marcos, VP Sara trust ratings bumaba – SWS
    • Mercado bagong PhilHealth Presidente.; Nerez itinalagang PDEA chief
    • VP Sara: Halos 200 personnel, posibleng mawalan ng trabaho sa tapyas sa 2025 budget
    • Durian ng Pinas planong dalhin sa New Zealand
    • PhilHealth inalis na ‘single confinement policy’
    • Senator Imee kumalas sa admin senatorial ticket
    Facebook Twitter Instagram YouTube
    Starvision NewsStarvision News
    Subscribe
    Tuesday, May 13
    • HOME
    • WORLD
    • PHILIPPINES
    • BAHRAIN
    • GULF
    • Entertainment
    Starvision NewsStarvision News
    Home»BREAKING NEWS»Corals sa Rozul reef nilimas ng China – AFP
    BREAKING NEWS

    Corals sa Rozul reef nilimas ng China – AFP

    News DeskBy News DeskSeptember 17, 2023Updated:September 17, 2023No Comments2 Mins Read
    Facebook Twitter Pinterest LinkedIn Tumblr Email
    Share
    Facebook Twitter LinkedIn Pinterest Email

    Nilimas ang mga corals sa Rozul Reef sa West Philippine Sea na hinihinalang kagagawan ng China ang malawakang pag-harvest sa pinagtatalunang teritoryo.

    Kinumpirma ni AFP-Western Command (Westcom) Commander Vice Admiral Alberto Carlos ang talamak na pa­ngunguha ng mga corals sa Rozul reef.

    Sinabi ni Carlos na nagpadala ito ng mga di­vers matapos umalis ng Chinese military militia vessels sa nasabing lugar.

    “Yung swarming areas nila we pinpointed it. And when they left we send our divers to do underwater survey,“ pahayag ni Carlos.

    Ayon sa opisyal sa isinagawang underwater survey, tumambad sa AFP ang kalunos-lunos na sinapit sa pagkasira ng mga coral.

    “Nakita namin wala na ‘yung mga corals. Nasira na ‘yung mga corals and may debris,” pahayag ni Carlos na sinabing hinihinala nilang ang mga Chinese na nagiging agresibo sa West Philippine Sea ang may kagagawan nito.

    “We are coordinating with scientists, experts to do their assessment of the area,” saad ng opisyal sa ‘Saturday News Forum“ sa Quezon City na nanlumo sa insidente dahil ang mga corals ay malaki ang maitutulong sa pagtiyak sa food security.

    Ang Rozul Reef ay kilala rin bilang Iroquios Reef ay nasasaklaw ng 200 nautical miles ng Exclusive Economic Zone (EEZ) at ng continental shelf kung saan dahil dito ay may higit na karapatan ang Pilipinas na magsagawa ng paggalugad, pag-exploit at pangasiwaan ang mga resources sa nasabing lugar.

    Una nang na-detect ng mga air assets ng AFP ang presensya ng 23 hinihinalang fishing vessels ng China sa Rozul Reef noong nakalipas na Set­yembre 6-7. Bukod dito ay may lima pang Chinese vessels ang umaaligid sa Escoda (Sabina) Shoal at dalawa pa sa Baragatan (Nares) Bank.

    Samantalang nagpahayag din ng pagkabahala ng Wescom sa tumataas na ‘swarming activity’ ng China sa WPS.

    Share. Facebook Twitter Pinterest LinkedIn Tumblr Email
    News Desk

    Related Posts

    Internet voting pinatitigil sa SC

    April 4, 2025

    3 Pinoy ‘spy’ inaresto sa China

    April 4, 2025

    Pangulong Marcos, VP Sara trust ratings bumaba – SWS

    February 5, 2025
    Add A Comment

    Comments are closed.

    Editors Picks
    8.5

    Apple Planning Big Mac Redesign and Half-Sized Old Mac

    January 5, 2021

    Autonomous Driving Startup Attracts Chinese Investor

    January 5, 2021

    Onboard Cameras Allow Disabled Quadcopters to Fly

    January 5, 2021
    Top Reviews
    9.1

    Review: T-Mobile Winning 5G Race Around the World

    By cinideep
    8.9

    Samsung Galaxy S21 Ultra Review: the New King of Android Phones

    By cinideep
    8.9

    Xiaomi Mi 10: New Variant with Snapdragon 870 Review

    By cinideep
    Advertisement
    Star Vision
    Starvision News
    Facebook Instagram YouTube Twitter
    • Home
    © 2025 Star Vision. Designed by Star Vision Global.

    Type above and press Enter to search. Press Esc to cancel.