Bumaba ang crime rate sa buong bansa matapos paigtingin ng Philippine National Police (PNP) ang anti-criminality campaign nito partikular na sa pagpasok ng ‘ber months’.
Ayon kay PNP spokesperson P/Col. Jean Fajardo, nakapagtala ng 31,864 insidente ng krimen laban sa tao at mga ari-arian mula Enero hanggang Oktubre ng 2023.
Bumaba ito ng 2,838 insidente kumpara sa kaparehong period noong 2022.
Sa rekord ng PNP, karaniwang tumataas ang krimen habang nalalapit ang pagdiriwang ng kapaskuhan.
Nakatulong din anya ang mga force multipliers gaya ng mga barangay tanod at security guard na nagbabantay sa mga komunidad at maigting na nakikipagkoordinasyon sa pulisya.
Sa kasalukuyan ay mahigpit ang pagtutok ng pulisya sa bisinidad ng mga shopping malls, commercial centers, pook pasyalan habang kapag nag-umpisa na ang Simbang Gabi ay kasama na rin ang mga simbahan.