Sa pagsisimula sa una nitong full-scale na pandaigdigang tour mula noong 2019, ang Trophy Tour ay maglalakbay sa ilan sa mga pinaka-iconic na destinasyon sa mundo.
Ipinahayag ni Ginoong Mohammad Mansour, Advisory Board Chairman
ng Bahrain Cricket Federation na sa 180 bansang miyembro ng Cricket Federation, ang ICC cricket Trophy tour ay gaganapin lamang sa 18 na bansa, ito ay isang ipinagmamalaking sandali para sa mga tagahanga at tagasunod ng Cricket sports sa Bahrain. Ang maging bahagi ng prestihiyosong kaganapang ito ay isang malaking karangalan.
Ayon din kay G. Mohammed Shahid, CEO Ng KHK sports na Ang ICC Men’s ODI Cricket World Cup trophy tour na magaganap sa Agosto 12 at 13 ay magiging isang malaking pagkilala sa mga nakamit sa sports at sports eco system ng Bahrain, lubos niyang pinahahalagahan ang ibinigay na suporta nina HH Sh Nasser Al Khalifa at suporta ni HH Sh Khalid Al Khalifa para sa pagpapaunlad ng sektor ng palakasan sa Kaharian ng Bahrain .Ipinahayag din ni Ginoong Yusuf Lori , information and follow up director sa Capital Governorate, na ang ICC Men’s ODI Cricket World Cup trophy tour ay magbibigay inspirasyon sa mga kabataan sa Bahrain at tiyak na nakatanggap ito ng malaking suporta mula sa iba’t ibang awtoridad ng gobyerno.