Tumaas ng 39% ang dengue cases sa bansa base sa pinakahuling epidemiologic data ng Department of Health.
Mula Enero 1 hanggang Agosto 10, 2024 umaabot na sa 150,354 ang kaso o 39% mas mataas kumpara sa 107,953 noong 2023.
Sa nasabi ring panahon, mayroong 396 dengue deaths, na mas mababa sa 421 deaths noong 2023.
Nakapagtala rin umano nang pagtaas ng mga kaso ng sakit sa lahat ng rehiyon sa bansa, maliban sa SOCCSKARGEN, Zamboanga Peninsula, at Bicol.
Kaugnay nito, patuloy na pinapayuhan ng DOH ang publiko na maging maingat at tumalima sa kanilang 4S strategy laban sa dengue lalo na’t inaasahan pa ang pagtaas ng mga kaso nito sa panahon ng tag-ulan.
“Keep cleaning our surroundings – search and destroy mosquito breeding grounds: anything with stagnant water,” ayon kay Secretary Teodoro J. Herbosa.