Inutusan ng Department of Justice (DOJ) si suspended Negros Oriental 3rd District Rep. Arnolfo “Arnie” A. Teves Jr. na sagutin ang reklamo para sa multiple murder, multiple frustrated murder, at multiple attempted murder na isinampa laban sa kaniya hinggil sa pagpaslang kay Gov. Roel R. Degamo at siyam na iba pa noong Marso 4.
Kinumpirma ni Senior Deputy State Prosecutor Richard Anthony D. Fadullon na isang subpoena ang inilabas ng DOJ panel of prosecutors laban kay Teves para sagutin ang mga kaso.
Pinamumunuan ang panel of prosecutors ni Senior Assistant State Prosecutor Mary Jane E. Sytat.
Gayunpaman, hindi sinabi ni Fadullon kung kailan ang deadline ni Teves para maghain ng kaniyang counter-affidavit at ang petsa ng pagsisimula ng preliminary investigation.
Si Teves, na ngayon ay nasa kaniyang ikalawang 60-araw na pagkakasuspinde bilang isang mambabatas, ay nanatili sa ibang bansa sa kabila ng pagkawala ng kaniyang travel authority noong Marso 9, 2023. Binanggit niya ang “mga kadahilanang pang-seguridad” para sa hindi niya pagbabalik sa bansa.
Siya ay tiningnan bilang “isa sa mga utak” sa pagpatay kay Degamo at siyam na iba pa, magong sa mga pinsalang natamo ng 18 indibidwal. Itinanggi niya ang mga paratang.
Iniulat na nag-apply si Teves para sa political asylum sa gobyerno ng Timor-Leste na tinanggihan ang kaniyang pakiusap. Inapela naman umano niya ito sa Korte Suprema ng Timor-Leste. Hindi pa alam ang katayuan ng naturang apela.
Ang mga kasong kriminal laban kay Teves ay isinampa ng National Bureau of Investigation (NBI) noong Mayo 17, 2023.
Kasama rin ni Teves sina Angelo V. Palagtiw, Neil Andrew Go, Kapitan Lloyd Cruz Garcia, Nigel Electona, at isang taong kinilala lamang sa mga alyas na “Gee-Ann” at “Jie-An,” na diumano ay kapatid ni Palagtiw .
Kinasuhan sila ng 10 counts of murder, 14 counts ng frustrated murder, at four counts ng attempted murder sa ilalim ng Revised Penal Code (RPC).
Sa ilalim ng RPC, ang pagpatay ay isang non-bailable offense at isang karumal-dumal na krimen.