Nagpahayag ng kahandaan si European Union (EU) President Ursula Von der Leyen na magbahagi ng impormasyon sa Pilipinas para mapalakas ang kooperasyon sa maritime security.
Sa joint press statement kasama si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sinabi ni von der Leyen, na ang global geopolitical landscape ay may pagbabago at banta sa kasalukuyan.
Iginiit din niya na ang paninindigan ng EU sa arbitral ruling na nagbabalewala sa claims ng China sa South China Sea.
Iginiit din ni von der Leyen na ang 2016 award ng arbitral tribunal sa South China SEa ay may legal na basehan at nagbibigay ito ng basehan para sa mapayapang pagresolba sa gulo sa pagitan ng dalawang bansa.
“We are ready to strengthen the cooperation between the Philippines on maritime security in the region by sharing information, conducting threat assessment and building the capacity of your national coast guard center and your coast guard,” giit pa ng opisyal.
Iginiit pa niya na isinusulong ng EU ang free at open Indo-Pacific dahil ito ay libre mula sa banta at pamimilit na siya namang susi sa ating stability, kapayapaan at sa kasaganaan ng mga tao.
Si Von der Leyen ay dumating sa Palasyo ng Malakanyang bago mag-alas-10 ng umaga para sa isang bilateral meeting kay Marcos.
Inimbitahan umano ang EU official ng Pangulo na bumisita sa bansa.